EULIII20

610 36 16
                                    

-

"'wag mo 'kong ginagago! Ako ang dahilan kung bakit buhay ka pa!"

-

Third Person's POV

"---I have all the rights to be this group's chairman..." Sa narinig ay nagigting ang bagang at napakuyom ang kamao ni Edward.

"You are no heir of this group..." mariing bigkas ni Edward na ikinalingon ni Miles.

Lumapit pa siya kay Edward at pasimpleng inabot ang mga papeles. Matulis ang paninging tinitigan niya si Miles at tinanggap ang mga papeles.

Binuklat niya iyon at sinuot ang salamin upang masuring mabuti ang nilalaman nito. Habang nagbabasa si Edward, maririnig ang malalakas na bulungan ng lahat. Walang ano-ano'y inagaw ni Miles ang mikropono kay Kean.

"Excuse me..." sabi pa nito sa huli bago magsalita. "These papers were the succeeding articles of the Last Will and Testament of my father, William Espinosa, particularly article 13---" mahabang panimula nito sabay ngumiti sa lahat.

"---Which states that the absence of his heir, which is my half-brother, Eul Justine Espinosa, will be filled by me, his other son to integrate the Espinosa's share in the group." Dagdag pa nito. Hindi naman makapaniwalang tumingin si Edward sa nagsasalita.

"Mr. Espinosa... we're not really sure of the validity of your so-called articles---" pagtaliwas ni Edward at tumayo nang maayos.

"I guess, we should call the legal department..." dagdag pa nito at ilang saglit lang ay nagsipasukan ang malalaking abogado ng kompanya na pinamumunuan ni Atty. Calixtro Mendoza.

Mabilis silang umakyat sa podium upang suriin at basahing maigi ang nilalaman ng mga papeles na nilabas ni Miles. Mas lalong lumakas ang mga bulungan sa silid na tila'y isinisigaw na.

"Ladies and gentlemen... please be quiet..." pagpapatahimik muli ni Edward. Saglit siyang sinunod ng mga ito ngunit makaraan ang ilang segundo ay parang mga batang muling nagingay.

Ang masusing pagsusuri sa papeles ni Miles ay sa wakas natapos na. Tumayo ang mga abogado nang tuwid at humarap sa lahat ng mga panauhin. Pumwesto si Atty. Mendoza sa podium at nagsalita na mas nagpaingay sa lahat.

"The papers are valid."

-

Ilang segundo matapos patayin ng kapitan ang tawag ay sabay na umahon sina Spiro at Kevin na parehong hinihingal at namumula ang mga mata.

"Ano bang naisipan niyong pareho?!" Bulyaw ni Sheena sa magkaibigan at inalalayan naman nina Jigs at Kit ang dalawa.

"Spiro, maraming paraan para diyan pero napakadelikado ng ginawa mo!" Segunda muli ni Sheena.

Mabilis na tumungo si Itchan sa ibaba ng yate upang kumuha ng mga tuwalya para sa dalawa.

Nakaakyat na sila sa yacht at ganoon narin ang gulat nila nang magkasunod na dumating ang dalawang malalaking bangka ng coast guard.

"Spi... coast guard..." sabi pa ni Jigs sabay bigay ng tuwalyang inabot ni Itchan.

"Sir... ikaw pala 'yan..." bungad ng otoridad nang makita si Spiro.

"Yes, sir..." paglahad niya ng kamay at tinanggap naman ito ng huli.

"Sir... bawal po 'yang ginawa niyo..." pagkuway na sita nito sabay ikot ng paningin sa mga taong lulan ng yacht.

"Sir... baka nagkamali lang kayo..." pauna ni Spiro sabay tingin sa kapitan ng yate. "Lumangoy lang kami ng kaibigan ko... wala namang mali kasi malapit lang kami sa yate ko..." dagdag na sagot pa ni Spiro.

"Sir, kasi the captain of your---" hindi niya na natuloy ang sinasabi nang may magsalita.

"Boss! Baka nagkamali ka lang?" Sambit ni Itchan sabay akbay sa kapitan ng yate. Nagulat man ay mabilis itong nagsalita upang segundahan si Itchan.

"Ah... yes, sir... sorry... nagkamali lang ako..." huling sabi nito.

"Sir, kung may balak man kayong sumisid, pwede naman po pero kumuha po muna tayo ng permit sa munisipyo at pakisigurado nalang po na kumpleto ang proper gear niyo sir..." mahabang litanya ng otoridad sabay kinamayan nang mahigpit si Spiro bago umalis palayo sa kanila.

Nang masiguradong hindi na sila maririnig ay hindi na napigilan ni Cassey na magreklamo sa kaibigan.

"Spi naman... hindi nakakatuwa! Hinahanap pa nga natin si Eul tapos dadagdag ka pa?!"

-

"Nagbabagang balita, matapos maideklarang missing person ang negosyanteng si Eul Justine Espinosa dalawang araw lang ang nakalilipas, nabalot na agad ng kaguluhan ang kumpanya sa kung sino ang nararapat na mamuno rito."

"Sa isinagawang shareholders' conference na pinangunahan ni Mr. Edward Pangilinan, ang Vice Chairman ng ME Group of Companies, sinabi niyang ang pansamantalang mamumuno sa nasabing kompanya ay ang kaniyang anak na si Mr. Kean Josh Pangilinan na asawa ng nawawalang negosyante."

"Ngunit nabalot ng kaguluhan ang nasabing pagtitipon nang dumalo at magsalita si Mr. Miles Espinosa, Chairman ng Espierre Group of Companies, na kapatid sa labas ng nawawalang negosyante, upang maglabas ng mga papeles na nagpapatunay ng kaniyang karapatan na mamuno sa ME Group."

"Pinatunayan naman ng ME Group's Legal Department ang validity ng mga papeles na inilabas ni Mr. Espinosa---"

-

Tumingin siya sa kaniyang orasan bago lumabas ng lumang kotse. Pasado alas diyes na ng gabi. Dala ang mga pinamiling pagkain ay naglakad na siya patungo sa gate ng abandonadong gusali.

Kaliwa't kanan niya pang sinigurado na walang nakasunod o nakamasid sa kaniya. Nang mapatunayan iyon ay pumasok na siya sa gate nito at mabilis na tinungo ang kinalalagyan ni Eul.

Nang makaakyat sa silid ay naabutan niyang muli si Eul na mahimbing na natutulog. Mabilis niyang tinakpan ang lagusan ng carpet at muling hinila ang higaan sa ibabaw nito. Binuhat si Eul patungo sa higaan at nilapag ang mga gamit sa lamesa.

Ilang saglit lang ay nakita niya na ang pagbukas ng mga mata ni Eul kaya't inayos niya na ang kaniyang mga pinamiling pagkain upang pakainin si Eul.

Pagod at ramdam niya rin ang hilo dahil sa ilang oras na byahe. Dala ang pinggan na puno ng pagkain at baso ng tubig, lumapit siya kay Eul at umupo sa tabi nito. Inalalayan niya pa ang huli na makaupo para maayos niyang masubuan.

"Gutom ka na?" Malambing niya pang tanong. Hindi siya tinignan ni Eul bagkus ay tumitig lang ito sa kawalan.

Napatingin si Itchan sa kaniyang relo at nagtatakang tumingin kay Eul. Ilang minuto na... imposibleng di parin siya makagalaw... sa isip-isip ni Itchan.

"Kain ka na mahal ko?" Malambing niya muling tanong ngunit di parin siya tinignan nito.

Huminga pa siya nang malalim para pakalmahin ang sarili at muling nagalok.

"Mahal... kain ka na... alam ko, gutom ka na..." sabi pa niya at bakas ang pilit na paglalambing. Sa ikatlong beses ay hindi siya pinansin ni Eul na ikinapuno niya.

Sa isang iglap ay tinapon niya ang platong puno ng mga pagkain at binasag ang baso sa kung saan sabay sinampal nang pagkalakas-lakas si Eul.

"Pag sinabi kong kumain ka... kumain ka!" Sigaw niya pa sabay mahigpit na hinawakan ang magkabilang pisngi ni Eul at iniharap sa kaniya.

Lumuluhang tumitig si Eul sa mga mata ni Itchan nang muli itong naglitanya.

"'wag mo 'kong ginagago! Ako ang dahilan kung bakit buhay ka pa!"

-

Itutuloy

-


EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon