EULIII5

833 37 29
                                    

-

"'Wag kang magalala, hindi kita dadayain... I'm your equal rival to ME Group..."

-

Third Person's POV

"Dad! Why did you do it?" Bungad ni Kean pagpasok niya sa opisina ng kaniyang ama. Nakita niya pa ang kaniyang ina na kasalukuyang minamasahe ang asawa niyo. Binaba nito ang binabasa at tinignan ang anak.

"What?" Pabalik naman nitong tanong.

"Dad! He's still alive and yet, you're killing him!" Reklamo muli ni Kean sabay upo sa couch ng opisina ng kaniyang ama.

"Watch out with your words, Kean!" Nagulat ang magina sa malakas na sigaw ni Edward at dahan-dahang tumayo. "You can't say what should I do, you can't say what is right or wrong!" Sigaw muli nito palapit sa anak.

"You're just my son!" Huling sigaw nito bago lumapit sa anak at mahigpit na hinawakan ang kwelyo nito.

"Edward! Stop!" Awat naman ng asawa niyang si Michelle sabay mahigpit na kinapitan ang kaniyang braso. Saglit na nabaling ang kaniyang atensyon sa asawa at muling tinitigan ang anak.

Nang makita ang mga galos at ilang sugat na tinakpan ng band-aid sa mukha ng anak ay mabilis niya itong binitawan.

"Anong nangyari diyan?" Sita nito sabay turo sa mukha ni Kean. Si Kean naman ay saglit na hinawakan ang mukha bago umiling sa ama at hindi na nagsalita.

"I didn't even do anything wrong... It's just needed for us to talk... I just did what is needed..." panimula ni Edward sabay naglakad patungo sa kaniyang liquor table at kumuha ng baso upang lagyan ito ng alak.

"Besides, I'm still the Vice Chairman of ME Group..." dagdag pa niya sabay lakad patungo sa gitnang couch at dahan-dahang umupo.

"You can't order me what should I do next, even if you're the chairman's heir." Nakatitig na turan ni Edward sa anak. Si Kean naman ay pasimpleng tumingin sa kaniyang ama at tumango-tango.

Ilang saglit pang nagtitigan ang magama bago sirain ni Kean ang katahimikan.

"I'll get going..." pagkuway na sabi ni Kean sabay tayo at dire-diretsong naglakad palabas ng opisina ng sariling ama.

Bago pa makalabas nang tuluyan, narinig niya pa ang sinabi nito.

"Kean, never forget the reason why you're in that position..."

-

Kinabukasan maagang nagising si Spiro upang gumayak patungo sa pier at muling sumama sa paghahanap ng mga otoridad kay Eul. Hindi pa kumpleto ang tulog at ramdam niya pa ang kirot sa kaniyang ulo.

Nang biglang tumayo mula sa pagkakahiga ay nagdilim ang kaniyang paningin ngunit hindi niya ito ininda at mabilis na tumayo at naglakad patungo sa banyo ng kaniyang pribadong kwarto sa resort na pinamumunuan niya.

Makaraan ang ilang minuto, natapos na siya sa paliligo at lumabas na ng banyo. Tanging tapis lamang ang suot, kinuha niya agad ang damit at pantalon na suot kahapon at muling sinuot iyon.

Wala siyang nadalang ekstrang susuotin dahil na rin sa pagmamadali kaya't imbes na umarte ay pinagsawalambahala niya na lamang iyon kesa matagalan sa paggayak.

Nang makalabas sa kwarto ay bumungad pa sa kaniya ang sangkatutak na mga tauhan na nagbigay ng paggalang sa kaniya.

"Good morning, Mr. President." Pagkuway na bati ng mga ito. Ngumiti na lamang siya at mabilis na tinahak ang daan palabas ng resort.

-

"Sir, magandang umaga, almusal muna kayo..." paghikayat ni Spiro sa mga miyembro ng PCG pagkarating niya sa pier. Dala pa niya ang sangkatutak na pagkain at nilapag iyon sa lamesa.

"Yon! Ang sarap niyan sir!" Sabi naman ng iba na kararating lang.

"Sige lang sir, kuha lang kayo..." paganyaya pa ni Spiro na tinugunan naman ng lahat.

Kumuha siya ng kaniya at naglakad palapit sa dagat. Doon siya tumayo at nilantakan ang kinakain habang nakatitig sa magandang tanawin.

Saglit niyang inimahe ang mukha ni Eul sa bawat bulang nagagawa ng mga alon. Napangiti pa siya sa kaniyang naisip at bumulong sa hangin.

"Malakas ang kutob ko Eul, nandito ka lang... babalik ka..."

-

"Umaga palang ay nagsimula nang gumayak ang coast guard upang muling ipagpatuloy ang search and rescue operation sa paghahanap sa mga nawawalang indibidwal na kasama sa pagsabog at paglubog ng private jet kahapon."

"---Ayon kay CAAP Captain Jimmie Montes, nagsimula na ang masinsinang pagiimbestiga sa dahilan ng pagsabog ng pribadong eroplano na lulan ng negosyanteng si Mr. Espinosa, isang piloto at dalawang crew nito---the black box of the private jet has been strictly examined... hopefully, makukuha na natin yung buong details ng pagsabog by the evening this day---ani pa niya"

-

Nang makalabas ng kwarto ay bumungad kay Kean sina Mr. Ong at Sheena na kanina pa sa kaniya naghihintay. Napatingin pa si Sheena sa kaniyang relo. Pasado alas nueve na ng umaga at halos dalawang oras na silang naghihintay kay Kean.

Naglakad na si Kean diretso palabas ng mansion patungo sa bakuran nito kung saan niya naririnig ang maingay na chopper. Nakasunod naman sa kaniya sina Mr. Ong at Sheena.

Ilang saglit pa nang makapasok na si Kean sa chopper ay siya namang pagtunog at pag-vibrate ng kaniyang telepono. Alanganin man, mabuti ay nasagot niya ito dahil sa mahalagang impormasyong bumungad sa kaniya.

"Ms. Serrano, Mr. Miles Espinosa is insisting to enter the center building."

-

"What the fuck is he doing there?!" Hindi makapaniwalang wika ni Kean nang makasakay sa kotse. Sumunod naman doon sina Mr. Ong at Sheena at mabilis na hinarurot ito ng driver.

Nang sagutin ni Sheena ang tawag ay mabilis niyang sinabi ito kay Kean kaya't nagdesisyon itong ipagpaliban muna ang pagsama sa coast guard bagkus ay unahin ang nanggugulong si Miles.

Nang makarating sa ME Center Building ay agad na bumaba ng sasakyan si Kean at pumasok sa nasabing gusali. Naabutan niya pa si Miles kasama ni Paulo na kaniyang Chief-of-Staff at pito pang bodyguards nito na nakaupo na tila may hinihintay.

"Here's my Brother-in-Law" pagkuway na bati nito nang makita si Kean. Tumayo pa siya para salubungin ang huli. Hindi siya kinibo ni Kean bagkus at binigyan lamang siya ng nagtatakang tingin.

"Why? You're not happy to see me?" Panimulang tanong niya kay Kean sabay bahagyang tumawa bago muling nagiwan ng mapangahas na salita.

"'Wag kang magalala, hindi kita dadayain... I'm your equal rival to ME Group..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon