EULIII13

658 33 13
                                    

-

"Then, there is no argument... until he's proven dead, my son, Kean Josh Pangilinan will take the chairmanship of ME Group..."

-

Third Person's POV

"Ilang linggo nang magsimula ang campaign period ay dama na ang ingay ng mga partidong Laban Para sa Bayan o LPB at Aksyon Para sa Masa o APM na kapwa pinangungunahan ang campaign poll ngayong nalalapit na eleksyon."

"Inulan man ng batikos dahil sa pagkadawit ng pangalan ng namayapang si Senator Gatchalian sa pagkamatay ng magasawang mayari ng ME Group, ay hindi parin nagpatinag ang naunang partido----we're confident to lead this year's election for the nth time---ani pa ni Senator Juris Mercado."

"Ngunit bwelta ng APM---makikita naman sa mga polls ano, we'll be winning this---ani ni House Speaker Benedict Santos. Sa kabila ng pangunguna ng mga nasabing partido, hindi rin pahuhuli ang iba pang mga kandidato---"

-

"Dagdag na ilaw pa rito!" Rinig na sigaw ng direktor sa buong silid. Ang mga tao ay mabilis na kumilos upang tumalima dito.

Nakasisilaw na liwanag at ilang kamera ang nakatutok ngayon kay Miles. May mga tao rin na nanonood sa kaniya. Saglit pa siyang kinausap ni Paulo habang marahan itong inaayusan ng babae sa kaniyang harapan.

"Mr. Espinosa, LPB is rank two in the recent polls... next to APM..." bulong ni Paulo kay Miles. Sa narinig ay mabilis na nagbago ang mukha nito at walang ano-ano'y hinila si Paulo upang bulungan.

"Tell Senator Mercado to fix this!" Mariing bulong ni Miles. Saglit pang napatingin ang babae sa dalawa dahil sa narinig. Nang pakawalan ni Miles si Paulo, napatingin pa silang pareho sa babaeng nahuli nilang nakikinig sa kanilang usapan.

Agad na sumenyas si Miles sa tauhan upang paalisin ang nasabing babae. Si Paulo naman ay marahang tumango bilang pagsagot. 

Paaalisin niya na sana ang babae nang biglang dumating ang kanina pang hinihintay na artista. "Mr. Espinosa! Sa wakas! Nagkita na rin tayo..." bungad ng magandang babae na bakas ang katandaan sa kaniyang mukha sabay lahad ng kamay nito kay Miles. 

Mabilis namang umalis si Paulo at ang babaeng nagaayos kay Miles upang paunlakan ang pagkikita ng dalawa. Tumayo pa si Miles at malugod na tinanggap ang kamay nito. 

"It's a pleasure Ms. Grey..." Nakangiting ani naman ni Miles sabay mahigpit na kinamayan ang artista.

"Ms. Grey, Mr. Espinosa, maguumpisa na raw po sabi ni direk..." Pagkuway na lumapit ang isang dalaga upang balitaan ang dalawa. Tumango ang pareho at umupo ng maayos sa kanilang pwesto. 

"In three... two... one..." at sumenyas ang direktor sa artista na naintindihan naman nito. Mabilis na tumunog ang intro ng programa at ilang sandali pa ay nabalot ito ng palakpakan ng mga tao na sinundan naman ng pambungad na salita ng artistang nasa harap ni Miles. 

"Thank you... thank you..." Paunang sabi nito. Umuwang ang maaliwalas nitong ngiti sa harap ng kamera at muling nagsalita. "For the first time in our program... please welcome... Mr. Miles Espinosa!" Masayang dagdag nito sabay turo kay Miles. 

Muling nagpalakpakan ang mga tao na sinuklian naman ng matamis na ngiti ni Miles. "It's nice to be here..." sagot pa ni Miles at umupo na ang dalawa.

"Mr. Miles Espinosa is here to clarify all the accusations toward him---"

-

"Kean... he's dangerous..." Wika ni Edward paharap sa anak niyang si Kean. Silang dalawa ay nakaupo sa couch ng opisina ni Edward habang nakatuon sa telebisyon.

Nang makita ang mukha ni Miles sa programa ay sabay pa silang napailing at mapait na ngumiti. "He's really dangerous..." Dagdag pa ni Edward sabay tumayo upang kumuha ng baso at punuin ng alak. 

"Here..." Alok ni Edward sa kaniyang anak. Tinanggap naman ito ng huli. "Hindi ko maintindhan takbo ng utak niyan... masyadong magulo..." pagkuway na sabi ni Edward at muling umupo. 

"According to the last Will and Testament of William, malinaw na kay Eul binigay lahat ng ari-arian ng mga Espinosa..." Dagdag pa nito sabay lagok ng alak. "And now, Eul is missing, mas pinapaingay niya pangalan niya sa kompanya..." Huling sabi ni Edward bago sumagot si Kean.

"Dad... don't mind him... he's not a threat to the company..." Sagot ni Kean sabay ubos sa alak at muling tinuon ang atensyon sa pinapanood.

-

"Recently... ME Group's Chairman Eul Espinosa has been reportedly associated with a tragic plane crash..." Sunod na sabi ni Ms. Grey na inaasahan ni Miles. "The whole Philippines is curious about your side..." pagtatapos nito.

"You know... Ms. Grey... Sobrang nakakalungkot. After so many years, ngayon ko lang nakilala ang kapatid ko..." Malungkot na sagot ni Miles. "After all... kapatid ko parin siya at sobrang nasasaktan ako sa nangyari..." at nasipat ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Napansin naman iyon ng artista kaya't mabilis na humingi ito ng paumanhin. "I'm sorry for that question..." Malungkot na ani ng artista at huminga nang malalim bago muling nagtanong.

"Siguro it's time for you to answer the next question... As we all know, you're the owner of Espierre Group of Companies... what is your role in Madrigal-Espinosa Group?" Mahabang tanong ng artista at mabilis na napokus ang kamera sa isinagot ni Miles.

"Honestly... I still don't know... but I'm a real Espinosa... right?" at tumitig sa kamera bago magpakawala ng mga katagang gumimbal sa buong kompanya.

"Maybe the next ME Group's Chairman---"

-

Wala pang isang oras nang matapos ang programa sa telebisyon kung saan lumabas si Miles ay sunod-sunod nang nagsidatingan ang lahat ng mga shareholders ng ME Group sa conference room nito. 

Napuno ng nakaririnding bulungan ang napakalaking espasyo. Pilit na inaanalisa ang sitwasyon. Ang iba pa ay nababahala sa kasalukuyang lagay ng nasabing kompanya.

Ilang sandali pa ay bumukas ang salaming pinto nito at iniluwa ang mag-amang Pangilinan. Nanliit pa ang mga mata ni Skyrus nang makitang magkasama ang dalawa. Mabilis na naglakad si Edward patungo sa podium habang si Kean naman ay tumungo sa tabi ng kaibigan.

Bahagya pang pinatunog ni Edward ang mikropono bago magsalita. "Hello... my friends..." Panimula nito na nagpatahimik sa malakas na bulungan ng lahat. "ME Group's Major Shareholders already had a conference regarding this yesterday... but of course, everyone must be informed..." At tumingin sa lahat bago muling nagsalita.

"It is inappropriate to talk about this matter while our chairman is still missing... but again, as for everyone's concern... the chairmanship will remain his... until proven dead..." Sa huling litanya ay muling nagbulungan ang lahat.

Napansin pa ni Kean ang pag-iling ni Skyrus sa sinabi ng sariling ama. Hindi pabor si Skyrus sa lahat ng mga ginagawa ng kaniyang ama mula nang mawala si Eul kaya't kahit siya ay hindi nito kinikibo.

Ilang saglit pa ay may tumayo sa bandang likod at nagtanong. "If the chairman is proven dead, is it true that half of Espinosa's share to ME Group will be given to Miles?" mas lumakas ang mga bulungan na tila'y sinisigaw na.

"Ladies and gentlemen... it is clear from the last Will of my friend, William, all his assets will be devised and given to his only son... Eul Justine Espinosa..." At saglit na tumigil upang mariing tumingin sa lahat bago muling nagsalita na mas lalong nagpaingay sa buong silid.

"Then, there is no argument... until he's proven dead, my son, Kean Josh Pangilinan will take the chairmanship of ME Group..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon