EULIII3

1K 45 7
                                    

-

"Anong ginagawa mo dito?! Wala kang karapatan para pumunta dito!"

-

Third Person's POV

"Mr. Yokohama, tumila na ang ulan..." bungad ni General Villanueva sa ngayon ay nakatitig sa dagat na si Skyrus. Bakas pa sa kaniyang mugtong mga mata ang lungkot. Tumingin siya sa heneral at hinintay ang susunod nitong sasabihin.

"We'll just wait for an hour, pag umulan ulit, ipagpapabukas na po natin ang search and rescue operation, pero pag hindi po umulan, lalarga na po tayo." Mahabang paliwanag nito. Tumango lang si Skyrus at muling ibinalik ang titig sa malalakas na alon ng dagat.

Inikot niya ang kaniyang paningin at nakita pa nito ang araw na tila'y nakikipagagawan ng pwesto sa makakapal na ulap. Ramdam niya rin ang malamig na simoy ng hangin na nagpatayo sa kaniyang mga balahibo.

Nanginig pa siya matapos noon. Pumikit at mas dinama ang simoy nito habang malalim na nagiisip.

Mahahanap ka rin namin... Eul...

-

"---Yes... I'll be there..." huling sabi ni Sheena bago patayin ang tawag. Walang gana pa siyang umupo ng maayos at nagtali ng buhok.

"Si Kean, nasa ME Center Building---" putol na panimula ni Sheena.

Takang tumingin sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan at hinintay na muling magsalita si Sheena.

"---pupunta kami sa Batangas, sasama sa coast guard." maikling pagtatapos nito.

"Search and rescue mission..." mahinang sabi naman ni Itchan. Hindi na nagsayang ng oras si Sheena bagkus ay mabilis na tumayo at inayos ang gamit. Humalik pa siya sa kaniyang nobyo bago nagmadaling maglakad palabas ng coffee shop.

Naiwan naman doon sina Cassey, Kit, Jigs at Itchan na walang ginawa kundi magsayang lang ng oras na tumitig sa kawalan.

-

"Ms. Serrano, he's waiting for us..." maikling sambit lang ni Mr. Ong at sinamahan na si Sheena papasok ng elevator.

Silang dalawa lang ang nasa loob noon. Wala sa kanila ang nagsalita. Tinignan pa ni Sheena ang sariling repleksyon sa metal na pinto ng elevator.

Ilang sandali pa ay bumukas na ito at bumungad sa kanila ang malakas na hangin at nakaririnding tunog ng chopper. Nakita niyang nasa loob na si Kean na walang emosyong nakatitig lang sa kabilang gawi.

Inalalayan ni Mr. Ong si Sheena papasok sa chopper. Kinabahan pa ito dahil ikatlong beses niya palang na makakasakay sa ganito at dahil na rin sa ideyang ganito ang kinamatay ng matalik na kaibigan.

Katabi niya na ngayon si Kean at si Mr. Ong naman ay umupo sa tabi ng piloto.

Nang magawi ang tingin niya sa katabi, napansin ni Sheena ang mukha ni Kean na mayroong mga band-aid at bahagyang pamamaga sa piling parte nito. Nakasuot pa ito ng salamin na sa isip niya ay paniguradong pantakip nito sa sariling mga mata. Saglit siyang napaisip sa dahilan ng mga galos sa mukha nito ngunit nawala iyon nang tuluyang umandar ang kaniyang sinasakyan.

-

Matapos bumyahe ng halos tatlong oras, walang sinayang na sandali si Spiro at mabilis niyang nilabas ang kaniyang kotse. Ni hindi na niya inisip na magsuot ng cap at mask upang takpan ang kaniyang mukha. Sa oras na ito, wala na siyang pakialam sa sariling identidad.

Lakad-takbong tinahak niya ang daan papasok sa pier. Nang tuluyang makita ang bandila ng otoridad ay tinakbo niya na iyon.

Hapon na at lumilitaw na rin ang haring araw. Rinig niya na rin ang makina ng mga malalaking bangka na malapit nang umalis.

"Sir, magandang hapon..." pagbati niya sa isang otoridad. Nilingon siya nito at nagulat pa nang mapagtanto ang pangalan ng taong nasa kaniyang harapan. "I'm Spiro Villafuerte..." pagpapakilala niya at nilahad ang kamay.

Mabilis naman itong tinanggap ng kausap. "Sir, ito po ba yung search and rescue operation ng PCG?" Dagdag na tanong ni Spiro.

"Ay oo... bakit sir, anong kailangan nila?" Tanong naman nito pabalik.

"Sasama sana ako..." sabi ni Spiro sabay iginala ang tingin sa paligid.

"Sir, ano pong koneksyon niyo sa mga biktima? Protocol po kasi na dapat relatives lang ang kasama." Sagot naman nito.

Napaisip siya sa tinanong ng lalaki. Ano nga ba ang relasyon niya kay Eul? Mapait siyang ngumiti dito bago nagsalita.

"Ah---ano... I'm one of ME Group's major shareholder." Utal na sagot naman ni Spiro.

"Ah... sige sir, nandon na po yung kasama niyo." Sagot lang nito sabay turo sa kung saan. Nagtaka pa si Spiro sa kung sino ang posibleng makakasama niya. Tinignan ni Spiro ang gawi ng tinuro ng lalaki.

"Sige sir, salamat..." sabi niya at kinamayan pa ang lalaki. Mabilis niyang tinungo ang bulto ng taong kilala niya. Nang makalapit ay dahan-dahan na siyang naglakad at tumabi dito.

"Skyrus." Bigkas niya sa pangalan nito na kinalingon naman ng huli.

"Spiro." Walang emosyong bigkas ni Skyrus at muling binalik ang titig sa dagat.

Saglit silang binalot ng katahimikan at parehong dinama ang malamig na simoy ng hangin. Maya-maya'y binasag ni Spiro ang katahimikan.

"Skyrus... hindi pa ako nakakapagpasalamat sayo ng personal..." sabi nito sabay lahad ng kaniyang kamay. Nakita ito ni Skyrus at tinanggap naman.

"Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na makausap si Eul..." seryosong turan ni Spiro. Saglit na humigpit ang hawak sa parehong kamay at tinanguan lamang siya ni Skyrus. Nang magbitiw sa pagkakamayan, narinig pa nila ang malakas na tunog ng papalapit na chopper.

Nakilala nila pareho ang sasakyang panghimpapawid at napatayo sila ng tuwid. Hinintay nila pareho ang iluluwa ng chopper at hindi na rin nagulat nang makita ang lulan nito.

Naunang lumabas si Mr. Ong para alalayan si Sheena at huli naman ay si Kean. Nagtaka pa si Spiro nang makita ang mukha ni Kean na mayroong band-aid at mga galos sa mukha na lingid sa kaalaman ay kagagawan ng kaniyang katabi

Nagulat si Sheena nang mamataan si Spiro na katabi ngayon ni Skyrus. Hindi niya alam na nakauwi na pala ito ng Pilipinas. Naglakad siya nang mabilis papalapit dito at mabilis itong niyakap nang mahigpit.

"You're here!" Sabi pa ni Sheena pagyakap kay Spiro. Walang ano-ano'y humikbi na ito at nagsimulang umiyak. "Spiro... si Eul..." wasak na sambit nito.

"It's okay... he's not dead... I know..." pagkuway na pagaalo sa kaibigan.

Nang magangat ng tingin si Kean ay mabilis na nagigting ang kaniyang mga bagang sa taong nakita. Mabilis niya itong nilapitan at kinuwelyuhan.

"Anong ginagawa mo dito?! Wala kang karapatan para pumunta dito!"

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon