EULIII11

624 36 24
                                    


-

"I'm Miles Espinosa, soon to be chairman of this company!"

-

Third Person's POV

Nagising siya na mabigat ang buong katawan, masakit ang ulo at nahuhulog ang talukap ng mga mata. Iginala niya ang kaniyang paningin at unti-unting dinama ang paligid. 

Ramdam niya pa ang mainit na hininga na tumatama sa kaniyang batok ng lalaking ngayon ay mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito na lingid sa kaalaman ng lahat ay demonyong tunay. 

Mula sa mapula nitong labi, makapal na kilay, matangos na ilong. Kahit kailan ay hindi niya naisip na aabot ang lahat sa ganito.

Napatitig pa siya sa madilim na kisame at huminga nang malalim. Kahit na nanghihina ay wala siyang sinayang na sandali at mabilis na kumilos upang makaalis nang dahan-dahan sa mahigpit nitong yakap sa kaniya.

Muli niya itong pinagmasdan nang siya ay makatayo. Mahimbing itong natutulog nang walang kahit na anong saplot. Pagkuway siyang napatingin sa sarili at mabilis na naramdaman ang lamig mula sa pagkakahubad. 

Pinagmasdan niya pa ito saglit at hindi inaasahang tumulo ang kaniyang malalagong luha. Tinakpan niya pa ang kaniyang bibig upang hindi makawala ang kaniyang mga hikbi. 

Sa buong kwadradong silid ay tanging kama at mahabang lamesa lamang ang laman noon. Wala nang kahit na ano. Sinubukan niyang maglakad nang dahan-dahan. Umiikot man ang paningin ay ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya.

Madilim. Ang ilaw lamang sa itaas ng lamesa ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Kinapa-kapa niya ang bawat pader upang muling maghanap ng pinto o bintana upang kaniyang maging lagusan palabas. 

Una. Pangalawa. Pangatlo at pangapat na pader ngunit wala siyang nakapa. Sa pagkakataong ito ay hindi niya na napigilan ang sariling mapaupo sa huling kinatayuan.

Muli siyang napatingin sa higaan ngunit hindi niya na makita si Itchan. Iginala niya ang paningin sa madilim at malamig na silid bago muling mahilo at mawalan ng malay.

-

"Mr. Pangilinan!" Sigaw ng sangkatutak na mga reporters paglabas niya ng ME Center Building. Lahat ng kamera at mga flash nito ay nakatutok sa kaniya.

Ang mga bodyguards naman ay gumawa ng espasyo upang madaanan ng kanilang amo. "Mr. Espinosa!" Muling sigaw ng mga ito. Nakaririndi ang bawat pagtawag nila sa kaniyang pangalan.

"Mr. Pangilinan, what can you say about your husband's death---" Sa narinig ay nagtagis ang kaniyang bagang at umigting ang kaniyang kamao. Hindi na siya nakapasok sa sasakyan bagkus ay humarap sa mga reporters na tila'y natauhan din sa nasabi ng isa.

"What?!" Bulyaw ni Kean na gumulat sa lahat. Wala ni isa ang nakakita ng ganitong mangyayari. Naglakad nang mabilis si Kean at lumapit sa isang reporter na sa tantiya niya ay ang nagtanong. 

"Ikaw ba yung nagtanong?" Matigas na tanong niya dito ngunit ito'y umiling. "Sino?!" muli niyang bulyaw. Ilang saglit lang ay nagtaas ng kamay ang nasa gilid nito. 

Binaling ni Kean ang kaniyang atensyon doon at nilapitan. "He's not dead!" Muling sambit ni Kean sabay kinuwelyuhan ang reporter. "Gusto mo bang ikaw---" Hindi niya na natapos ang sunod na sasabihin nang agawin siya ni Mr. Ong palayo sa mga media.

"You asshole! 'Wag na wag kang magpapakita sakin!" Huling sigaw ni Kean bago tuluyang makapasok sa sasakyan.

-

Hating gabi. Nagising si Jigs sa malamig na simoy ng hangin na dumampi sa kaniyang balat. Bumangon siya sa pagkakahiga at nagawi ang paningin sa pinanggagalingan ng hangin. 

Ang bintanang nakalimutan niyang isarado dahil sa sobrang pagod. Tumayo siya at pumunta doon para isarado. Nang mahawakan ang salamin nito ay napukaw ng liwanag ng apoy sa di kalayuan ang kaniyang pangingin. 

Tinitigan niya ang bulto ng taong pagkuway ay nakaupo sa tapat ng apoy. Pilit na kinilala iyon at napailing nang makilala kung sino ito. 

Si Spiro. Agad siyang nagsuot ng kaniyang jacket at mabilis na lumabas ng kaniyang silid upang puntahan ang nagiisang kaibigan. Nakita niya pa si Kit sa kabilang pinto na kalalabas lang din. Nagtanguan pa ang dalawa na tila'y alam ang nasa isip ng bawat isa.

Nang makarating ay hindi nila ito tinawag upang pukawin, bagkus ay dahan-dahan silang naglakad at umupo sa magkabilang gilid nito. 

Hindi sila nilingon ni Spiro, bagkus ay kumuha ito ng dalawang alak at inalok sa mga kaibigan. Matapos tanggapin ang alak ay muli niyang binaling ang atensyon sa nagbabagang apoy. 

Tumitig na rin ang dalawa niya pang kaibigan doon. Nabalot sila ng katahimikan. Tanging tunog lamang ng mga nawawasak na kahoy ang naririnig maging ang nakakakalmang alon ng dagat.

"Men... 'di naman ako baliw diba?" Panira ni Spiro sa katahimikan. Lumingon ang magkaibigan kay Spiro at nakita dito ang luhang dahang-dahang pumapatak mula sa kaniyang pagod nang mga mata.

"Men... 'di ko kasi maintindihan... sabi ko pakakawalan ko na siya eh..." Malungkot na sambit ni Spiro sabay kumuha ng bato at binato iyon sa dagat. "Sabi ko huli na 'yon eh..." at uminom ng alak.

"Spi---" Putol na pagtawag ni Kit sabay tapik sa likod ni Spiro.

"Sinisisi ko yung sarili ko men... sana pala di ko siya pinakawalan..." Sabay hikbi nito. "Sana pala di---" Hindi niya na natuloy ang mabigat na sinasabi nang bigka siyang mapahagalpak ng hagulgol.

"Tangina! nag---naghintay ako eh... ginawa ko yung lahat ng makakaya ko... putangina lang!" Malakas na reklamo nito sa tadhana sabay tungga ng bote ng alak at inubos ito. 

"Men... hindi ka baliw... sumugal ka lang... nagmahal ka lang..." Pagkuway na pagaalo ni Jigs sa kaibigan sabay inom sa bote.

"Bilib nga kami sa'yo eh... kinakaya mo pa 'tong nangyayari... kung ako 'to, di ko talaga kakayanin..." Sabi naman ni Kit sabay kuha sa bote ng alak na hawak ni Spiro at tinabi iyon.

Mabilis na umakbay si Jigs sa kaibigan at hinila pahiga sa mga buhangin. Sumunod na rin si Kit. Silang tatlo ay nakatitig sa langit at pinapanood ang mga matitingkad na bituin.

Tumuro pa si Jigs sa buwan sabay malalim na naglitanya.

"Men, sigurado ako... pag nalaman ni Eul kung gaano kahirap 'tong nagawa mo para sa kaniya, magsisisi siyang hindi ka niya pinili..." 

-

Kinabukasan, maaga palang ay napuno na ng higit sa sampung eleganteng kotse ang labas ng ME Center Building. Sa pagtataka ng mga empleyado doon ay inasahan nilang ito ay ang asawa ng nawawalang Chairman ng ME Group ngunit kumunot ang kanilang noo nang makita kung sino ang lulan ng sasakyan. 

Lumabas si Miles mula sa isa sa mga kotse na sinundan naman ni Paulo at ng sangkatutak na mga bodyguards. Naglakad ang mga ito papasok sa nasabing gusali at huminto sa gitna ng lounge sabay sumigaw.

"I'm Miles Espinosa, soon to be chairman of this company!"

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon