EULIII6

786 44 16
                                    

-

"Sa wakas... sakin ka na... Eul..."

-

Third Person's POV

"What made you come here?" Panimula ni Kean pagkaupo niya sa couch ng opisina ni Eul. Sumunod ding umupo si Miles at si Paulo sa tabi nito. Si Sheena naman ay nakatayo sa likod ni Kean habang pinapanood ang mga nasa harapan niya.

"Nah... stop acting like you didn't even know what's my purpose here..." panimula ni Miles sabay bumukaka at umupo ng pagkapresko-presko sa harap ni Kean. Huminga pa ito ng malalim at mapangasar na ngumiti kay Kean.

"I love this couch, I could stay here..." makabuluhang sabi pa nito. Bahagyang sumama ang tingin ni Kean sa ngayong kaharap na si Miles at marahang natawa sa inasta nito.

"You can't fit in this throne... you're just a bastard Espinosa..." pangungutya ni Kean sa kaharap. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Miles at magsasalita na sana nang biglang bumukas ang pinto.

"Why you're here Mr. Espinosa?" Agad na sambit ni Skyrus pagpasok niya ng pinto. Mabilis niya ding tinahak ang daan at umupo sa tabi ni Kean. "You're not welcome here..." nakangiti na may himig ng pangaasar na turan ni Skyrus.

Nanliit ang mga mata ni Miles at huminga nang malalim bago nagsalita. "I'm an Espinosa..." panimula nito at tumayo mula sa pagkakaupo. "I deserve every piece of this company..." at naglakad palabas ng pinto.

Bago pa ito lumabas, nagiwan pa siya ng makabuluhang litanya.

"'Wag kayong masyadong mataas... wala na si Eul baka nakakalimutan niyo..."

-

Gabi na nang makarating sina Kevin, Kit at Jigs sa ME Group Vista Angelita Hotel and Resort. Saglit na tumingin pa si Kit sa orasan ng telepono. "7:03 PM." Pagbasa niya sa oras. Narinig pa iyon ng katabing si Jigs na ngayon ay naguunat.

"Grabe... tatlong oras din 'yon!" Sabi pa nito sabay malutong na pinatunog ang sariling leeg.

"Men yung mga gamit niyo, kunin niyo nalang sa compartment, papasok na tayo..." sabi naman ni Kevin sabay labas ng sasakyan at dumiretso sa likod nito upang kunin ang sangkatutak na gamit ng among si Spiro.

Nasa labas na ang tatlo at kani-kaniyang buhat ng mga gamit nang saktong pumarada si Spiro. Kumaway pa sila dito upang pukawin ang atensyon nito ngunit halatang lutang pa ito dahil na rin sa nakakaubos na paghahanap sa kaniyang minamahal na si Eul.

Nang hindi sila mapansin ni Spiro ay biglang kinalampag ni Jigs ang mamahaling sasakyan ng una na kinagulat naman nito. Mabilis na rumehistro ang pagkayamot sa mukha ni Spiro at binusinahan ng ilang beses na sunod-sunod ang kaibigan. Bumaba pa siya para murahin ito.

"Tangina mo! Pag nayupi 'yan ilang daang libo papaayos ko diyan!" Sita niya kay Jigs sabay tumakbo at niyakap ang kaibigan. Sumali narin si Kit at nagtulong sila ni Jigs upang ialog-alog ang kaibigan para bahagyang maagaw ito sa kalungkutan.

"Tara na..." sabi nalang ni Spiro nang makaalis sa mahigpit na kapit ng mga kaibigan sabay nanguna sa paglakad papasok ng resort.

"Men ang angas naman dito... sabi lang natin dati susubukan natin magdala ng mga babae sa ganito..." namamanghang turan ni Jigs habang iginagala ang mga mata sa lounge ng resort sabay tawa. "Sayang wala si Itchan... siya yung may koleksyon ng mga babae eh..." dagdag pa nito. Napatingin pa si Spiro sa sinabi ni Jigs at natawa nalang.

"Siraulo... pasalamat ka di ka narinig ni Sheena..." sabay kutos ni Kit sa kaibigan.

"Ulol! Parang di ka naman nambabae dati!" Kutos pabalik ni Jigs kay Kit. Bigla silang natahimik nang marinig ang sariling mga boses na bumalot sa buong lounge ng resort.

"Miss, prepare each of them a room..." sabi lang ni Spiro pagharap sa counter at mabilis na tumungo sa elevator. Napansin pa ng tatlo ang matamlay na si Spiro ngunit hindi na nila iyon inistorbo pa sa pagiisip na gusto na lamang nito magpahinga.

-

"Girl, kumusta?" Panimula ni Cassey pagkasagot ni Sheena sa tawag nito. Pareho silang ngayon ay nagpapaantok na. Ramdam parin nila pareho ang nginig sa kalamnan dahil sa hindi matanggap na balitang wala na si Eul.

"I just can't accept it..." sagot naman ni Sheena na ngayon ay nakahiga at nakatitig sa kisame habang inaalala ang masasayang sandali nila ni Eul.

"Girl, nade-drain na ako sobra as in 'di ko na alam gagawin ko..." si Cassey na pasimpleng sinasabunutan ang sarili nang marahan.

"It's just not right... like it's not making sense..." sunod pa niyang sabi.

"Hindi ko na alam Cassey... kahit ako di ko na alam kung anong gagawin ko... ang daming problema sa kompanya..." parereklamo naman ni Sheena. Rinig pa ni Cassey ang malalim na paghinga nito.

"Hays... isa pa si Clive, ilang beses na akong pinapatayan ng tawag..." nagtatampong si Cassey.

"Girl... intindihin nalang natin si Clive, sobrang busy lang talaga siguro magaral..." sagot naman ni Sheena upang bahagyang pagandahin ang ere ni Cassey.

"Hays... hindi nako natutuwa sa kaniya... bahala siya..." huling sabi pa ni Cassey bago baguhin ang usapan.

-

"Nagbabagang balita, ang pribadong eroplano ng negosyanteng si Eul Espinosa ay sinadya umanong pasabugin, ito ay ayon sa nilabas na statement ng CAAP ilang minuto lamang ang nakararaan."

"Ani ni Captain Jimmie Montes---after strictly examining the black box, it appears that there is no evidence of malfunction in the private jet... it is in good shape and is eligible to take off; hence, the inspectors found an external device planted inside the jet which leads the said explosion---"

-

Madilim. Malamig. Nakaririnding katahimikan ang bumabalot sa buong silid. Rinig pa ang marahang sunod-sunod na pagpatak ng tubig sa kung saan.

Nagising siya na walang nakikita maliban sa nakabubulag na dilim. Naramdaman niyang nakatakip ang kaniyang mata kaya't sinubukan niyang igalaw ang kaniyang mga kamay upang tanggalin ang takip na ito ngunit nadiskubre niyang nakatali ang kaniyang mga braso sa kung saan.

Saka lang rumehistro sa kaniya ang samu't saring pakiramdam sa kaniyang katawan. Mula sa masakit na likod, ulo at nangangalay na braso at hita. Hindi niya napigilan ang sariling gumawa ng ingay kahit na naghihikahos.

Sumigaw pa siya kahit na mahina ito sa kaniyang pandinig. Palakas nang palakas hanggang sa kahit siya ay marindi narin. Napatigil siya nang marinig ang malakas na kalampag ng bakal.

"Si-sino ka?" Utal-utal na wika niya. Lumingon-lingon pa siya kahit na alam niya sa sariling wala siyang makikita.

Ilang saglit pa ay nakaramdam siya ng kamay na marahang gumagala sa kaniyang hita. Pataas. Pababa. Padiin nang padiin. Naramdaman niya ang init nito na nagpanginig sa kaniya.

Mas lalo siyang kinilabutan nang marinig ang buong sinabi nito.

"Sa wakas... sakin ka na... Eul..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon