EULIII37

464 37 22
                                    

-

"You can no longer enter Deep 16... the owner has been retrieved... Eul Justine Espinosa is alive..."

-

Third Person's POV

Gabi na nang makabalik siya sa mansion. Kita niya pa ang mga kakalakihan na ngayon ay tila nahimasmasan na sa kalasingan.

Mabilis niyang tinungo ang gawi nila dala ng kumpyansadong balita.

"Hi babe!" Masayang bungad niya sa nobyong si Kit sabay halik dito.

"Asan si Sheena?" Pagkuway na tanong niya pagkaupo.

"Huh? Kala ko magkasama kayo?" Tanong naman pabalik ni Jigs. Hinihilot pa nito ang sariling sintido dahil narin sa hilo.

"Hindi... pumasok yun kanina sa mansion..." at gala ng paningin sa bukana ng mansion. "Oh... eto na pala eh!" Sabi niya pang muli nang makita ang kaibigan na ngayon ay naglalakad palapit sa kanila.

"Guess what? I'm right!" Masayang sambit ni Cassey pagkaupo ni Sheena. Pinagpapawisan pa ito na nagtanong sa kaibigan.

"Saan?" Tanong ni Sheena sabay paypay sa sarili.

"I told you... may mali talaga kay Itchan!" Pagpapatunay nito. Taka namang kumunot ang noo ng mga kaibigan sa kaniya. Maski si Kevin na kanina pa nakasandal sa lamesa ay nagtaas ng tingin.

"Ano nga kasi 'yon babe?" Si Kit na naguguluhan na rin sa inaasta ng nobya.

"Ganito kasi... Sinundan ko si Itchan..." panimula ni Cassey na may kasama pang pagkumpas ng mga kamay.

"And grabe after an hour ng travel... napatunayan ko na rin yung matagal ko nang kutob... di ko alam kung bakit siya huminto sa creepy na building pero I know, nagsisinungaling siya satin about sa kanila ni Clive..." sunod niyang litanya ngunit naguluhan parin ang mga kaibigan.

"Girl, ano namang meron sa lumang building? Hindi kita maintindihan" turan naman ni Sheena at umiling habang nakangiti.

"Ganito kasi... after makarating dun, tinawagan ko siya and tinanong kung nasaan siya and nagsinungaling siya sa mga sagot niya... nasa boarding house daw siya at kasama si Clive na natutulog..." sunod niyang wika na sinegundahan ni Jigs.

"Baka naman magkaaway sila ni Clive at ayaw niya lang pahabain pa yung usapan niyo... ikaw kasi ang dami mong tanong eh..." sabi pa ni Jigs at uminom ng tubig. Tumango-tango pa ang nobyong si Kit sa tinuran ng kaibigan.

"The fact lang na nagsinungaling siya eh... ewan ko lang ah pero for me, may tinatago 'yan si Itchan..." matigas na pagtatanggol ni Cassey sa sariling ideya.

"Cassey... baka naman may side pa si Itchan?" Pagkuway na sabi ni Kevin na dinagdagan ni Kit.

"Oo nga babe... alamin muna natin side ni Itchan bago natin i-judge..." Sa hindi tagumpay na makumbinsi ang mga kaibigan ay pinutol na ni Cassey ang usapan.

"Kung kayo ayaw niyong maniwala sakin, bahala kayo... basta ako, may tinatago 'yang si Itchan..."

-

"Matapos ang kaliwa't kanang batuhan ng ebidensya, tuluyan nang nilabas ng ME Group ang patunay na sila ang tunay na may-ari ng malaking negosyo ng pamilya Gatchalian, ang Vista Mining Company---there's a heads-up from the foundation... these papers are the proof of ME Group's fund transferred to the late Senate President Ruffo Gatchalian's bank account five years ago---ani ni Atty. Calixtro Mendoza."

"Dagdag pa niya, ang mga nilabas na papeles din ang magpapatunay na kinamkam ng senador ang pondo na dapat ay gagamitin ng LPB Party sa eleksyon."

"Ito ay pinatunayan ni Vice President Lani Rodriguez na kasalukuyan ding chairperson ng PSP Party---I am speaking in behalf of all the founding members of LPB, it is true... there are missing funds accounting to ten billion pesos... also, this is the main reason kung bakit kami kumalas sa partido---ani pa ng bise presidente, ang kaniyang mensahe ay upang magbigay linaw sa mga isyung pinupukol sa kanila."

"Ngunit giit ni Mrs. Jasmine Gatchalian---amin ang Vista Mining Company... I'm telling you... you should investigate ME Group... ginagamit lang tayo ng ME Group para lalong magpayaman... VMC is Gatchalian's---"

-

"Spiro?!" Sigaw ni Cassey sabay malalakas na katok sa pinto ni Spiro. Ang mahimbing na natutulog ay mabilis na napabalikwas dahil sa ingay ng kaibigang babae.

Kinusot niya pa ang mga mata at tumayo upang pagbuksan na sana ang kaibigan nang maalalang wala siyang saplot ni isa.

"Spiro?!" Muli nitong sigaw at sunod-sunod na malalakas na katok.

"Fuck! Wait! Bibihis lang!" Sigaw naman pabalik ni Spiro at mabuti'y nagtagumpay siyang mapatigil si Cassey.

Nang makapagsuot na ng damit at shorts ay nagmadali pa siyang pulutin ang mga nakakalat na gamit sa sahig at mabilis iyong tinago sa ilalim ng kama.

"Eto na! Wait lang!" Matapos ay binuksan ang pinto. Walang ano-ano'y pumasok si Cassey at dumiretso sa kaniyang higaan upang umupo. Sinarado ni Spiro ang pinto at binigyan si Cassey ng nagtatakang tingin.

"I need your help..." mariing sabi nito. Muli niyang kinunotan ng noo ang kaibigan at dahan-dahang umupo sa kaniyang upuan paharap dito.

"Cassey... gabing babi na oh..." tumingin sa kaniyang orasan at tumugon. "Grabe alas onse na oh!" mariin pa siyang napahawak sa buong mukha.

"Spi... para naman may gawin kang matino... tsaka puro ka tago dito sa kwarto mo!" Ginala ni Cassey ang kaniyang paningin sa kwarto at bahagya pang napailing sa naamoy.

"Spiro! Hindi ka ba naliligo ha?!" Ang maarteng Cassey ay tumayo at humawak sa bewang upang tarayan si Spiro.

"Okay uuwi na rin ako... I just need your help... bukas babalik ako ha..." naglakad pa ito palabas ng pinto ngunit nagiwan ng huling mga salita sa kaibigan.

"I just feel you really need this..."

-

"Error. Answer can't be found." At tuluyan nang napikon si Miles sa huling sinagot sa kaniya ni Deep 16.

"Fuck! Wala ka bang ibang alam na sagot?!" Sigaw niya dito at nagiinit ang ulong hinagis ang kaniyang telepono sa salaming pader nito.

"You have no answers to all my questions! Anong kwenta mo?!" At malakas na sinuntok ang babasaging lamesa.

Saglit siyang tumahimik at pinakalma ang sarili. Huminga nang malalim at mariing pumikit.

"You're claiming that you're the most advanced artificial intelligence... pero wala kang kwenta!" Lakas loob niyang nilabas ang salaming silid at tagis bagang na tinahak ang daan patungong elevator.

Ngunit bago siya tuluyang makapasok dito ay narinig niya pa ang huling sinabi ng Deep 16.

"You can no longer enter Deep 16... the owner has been retrieved... Eul Justine Espinosa is alive..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon