EULIII34

479 34 8
                                    

-

"Come on... stop the hypocrisy... you can't do this to Eul!"

-

Third Person's POV

"Welcome to Deep 16, Mr. Miles Espinosa!" Bungad ng boses babae sa kung saan at agad na bukas ng pinto ng kwadradong salaming silid. Agad siyang naglakad patungo sa loob noon at umupo sa dulong upuan.

"Deep 16, is my brother dead?" Preskong tanong niya pa at nagulat sa patay-sinding pulang liwanag na bumalot sa buong solid.

"Error. Answer can't be found." Paulit-ulit na sagot ng Deep 16 sa pagitan ng mga pulang ilaw. Nagtatakang kumunot ang noo ni Miles sa sinagot nito kaya't pinalitan ang kaninang tanong.

"Deep 16, ngayon ang labas ng DNA result ng unidentified body sa eroplano... find out what the result says..." muli niyang tanong na nagpatigil sa matitingkad na ilaw nito.

Mabilis na lumitaw sa salaming pader nito ang sagot sa kaniyang tanong. "99.98 percent." Basa niya pa dito.

Umuwang ang malapad na ngiti sa kaniyang labi at naghari ang mala-demonyong halakhak sa buong espasyo.

-

"So you're saying, without proper funeral, Eul's assets couldn't be transferred to him?" tanong ni Edward sabay turo sa anak na si Kean. Ang huli ay napatitig sa kaniyang lamesa habang ang dalawang kausap ay nanatiling magkaharap na nakaupo sa couch.

"Yes... the whole ME Group and everyone related to the company must be informed..." sagot pa ng abogado at muling bumaling kay Kean. "We should take actions as soon as possible..."

Tumayo pa si Kean at pumwesto sa harap ng kaniyang desk, sumandal doon bago nagsalita. "What about Miles?"

Si Edward ay napaisip narin sa tinuran ng anak. Taka siyang tumingin sa abogado at hinintay ang isasagot nito.

"That's the reason why we should do these things immediately... the Last Will stated that Miles should fill the absence of Eul..." pauna nito sabay titig kay Kean. "Kung patatagalin natin 'to, hindi malabong makuha ni Miles lahat ng shares ng Espinosa sa ME Group..."

Ang dalawa ay kasalukuyan nang natulala dahil sa gulo ng kanilang pagiisip. Si Atty. Mendoza naman ay tumayo na upang magsegunda.

"Look... sa oras na malaman ng lahat na wala na si Eul, all his assets, as his heir, will be transferred to you... otherwise, magkakaroon ng sapat na oras si Miles para makuha ang fifty percent of Espinosa's share... we don't want that..." mahabang litanya ng abogado.

Napatango-tango nalang si Edward habang si Kean nama'y mabilis na pinindot ang telepono sa lamesa at nagsalita.

"Sheena, call Ms. Laxamana, ASAP."

-

"Kapapasok lamang na balita, nagsalita na ang Madrigal-Espinosa Group of Companies kaugnay sa katawan ng may-ari nitong si Eul Justine Espinosa na kamakailan lamang ay tuluyan nang natagpuan matapos ang isang buwang paghahanap---based from the results of DNA tests and Autopsy report, it is now confirmed that the unrecognized body was our chairman---ani ni Atty. Calixtro Mendoza na hepe ng legal department ng nasabing kompanya."

"Dagdag pa niya, mabilis ang gagawing proseso sa paglibing ng negosyante na magsisimula ngayong araw---the funeral will be held at the mansion later this day and the burial will be tomorrow."

"Ayon naman sa mga eksperto sa larangan ng pagnenegosyo tulad ni Mr. Johnsons ng University of the Philippines, ito ay maituturing na istilo ng susunod na uupo sa kompanya---analyzing this group's status today, there are rivals in the chairmanship... mas mapapabilis ang pagkuha ng assets ni Mr. Espinosa kung mabilis din ang gagawin nilang paglibing dito---"

-

Mula sa itim na kotse, naunang lumabas ang humihikbing si Kean yakap-yakap ang malaking portrait ni Eul. Kasunod niya ang kaniyang mga magulang na sina Edward at Michelle Pangilinan.

Sunod na nasilayan ang paglabas ng kulay gintong kabaong sa kasunod na sasakyan. Tulong-tulong na nilabas at binuhat ni Mr. Ong kasama ng lima pang bodyguards ang naturang kabaong na lulan si Eul. Sa ikatlong kotse naman ay lumabas ang pumupungas-pungas pang si Sheena at pumwesto sa likod ng kabaong.

Dahan-dahang binaybay ang daan papasok ng mansyon. Kakaibang pakiramdam, mabigat at walang kasing lungkot.

Sinalubong sila ng sangkatutak na reporters na ngayon ay pinipigilan ng iba pang mga bodyguards. Sunod-sunod na flash ng mga kamera ang namayani sa naturang eksena.

Nang tuluyang makapasok sa bukana ng mansion, bumungad sa kanila ang lahat ng mga nakikiramay. Ang mga malalaking personalidad ng kompanya at mga tauhan nito. Maski ang mga politikong kumakandidato sa nalalapit na eleksyon ay dumalo rin upang makiramay sa pagkamatay ni Eul.

Napansin pa ni Kean ang humihikbing si Skyrus sa unahang hilera ng mga upuan. Napaupo pa ito sa bigat ng nararamdaman nang tuluyang lumampas sa kaniya ang gintong kabaong.

Ang katahimikang namayani sa loob ng mansion ay pagkuway na nagbigay daan para sa mga hikbing hindi mapigilan. Si Sheena ay pumwesto sa hilera ng magkakaibigan at tumabi sa nobyong agad siyang tinapik-tapik sa balikat upang aluhin. Nakita niya pa ang lahat maliban kina Spiro, Itchan at Clive na pinagsawalambahala na lamang niya.

Walang nagsalita matapos maipwesto ang gintong kabaong sa gitna. Maski ang mga reporters ay nahiyang kumuha ng litrato bilang pagrespeto sa pinakamayamang tao sa Pilipinas na kasalukuyang nahihimlay sa kanilang harapan.

Ilang sandali pa ay narinig ng lahat ang matinis na tunog mula sa mikropono na sinundan ng boses ng babae. "May I request the guards to please close the door..." na sinunod naman ng mga ito.

Naiwan sa labas ang mga reporters at dahan-dahang sinarado ang higanteng pinto. "We'll be starting the Eulogy anytime soon..." at narinig ng lahat ang takong na naglakad pababa ng podium.

"Where's Spiro?" Bulong ni Sheena sa nobyo ngunit umiling lang ito. Binalik muli ni Sheena ang titig sa gintong kabaong at inimahe ang kaibigang si Eul sa loob nito.

Ilang minuto pa ang lumipas at muli itong bumalik. "May I call on... Mr. Espinosa's husband, Mr. Kean Pangilinan..." sunod ay naglakad na ang huli patungo sa gitna. Yakap parin nito ang litrato ni Eul na kung susumahin ay nakaantig sa damdamin ng mga dumalo.

"Shit..." sabi pa nito nang maluha bigla kauumpisa palang. "Sorry... I'm not ready..." at saglit na tumalikod upang punasan ang mga luha sa mukha.

"Eul is my life... alam ng Diyos 'yon..." sambit niya matapos bumuntong hininga at pasimpleng tumingala upang magpigil ng iyak. "He is everything to me... everyone knows that..." mabilis pang nagawi ang kaniyang tingin kay Skyrus na ngayon ay nakayukong humihikbi.

"Bata palang kami, wala nang makapagpalayo samin... kahit mga magulang namin pareho..." sabay mapait na ngumiti at lumapit sa gintong kabaong upang kapain ito.

"Babe, you know how much I love you... sobra... that I will do everything for you..." at hindi napigilan ang lungkot na namayani sa kaniyang kabuohan.

"Na sana... ako nalang yung nawala..." sambit niya sa pagitan ng wasak na hikbi. Ang mga saksi ay naluluha narin sa litanya ng nagsasalita.

"Babe---" dagdag pa sana niya nang walang ano-ano'y bumukas ang dambuhalang pinto na ikinalingon ng lahat sa gawi nito.

Iniluwa noon ang bulto ng taong pamilyar sa lahat na biglang sumigaw.

"Come on... stop the hypocrisy... you can't do this to Eul!"

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon