EULIII43

569 38 43
                                    

-

Papatayin kita Itchan... papatayin kita...

-

Third Person's POV

"Kasalukuyan na ngang nahalal bilang bagong Chief Executive Officer ng Madrigal-Espinosa Group of Companies si Kean Pangilinan na asawa ng negosyanteng kamakailan lamang ay napabalitang natagpuan na matapos ang higit isang buwang paghahanap."

"We are in need of an officer-in-charge right now... in the middle of this controversial incident, the group needs a leader... and I think, we did the right choice---ani ni Mr. Jedrick Calili na isa ring minor shareholder ng kompanya."

"Dagdag pa niya, hindi magiging maganda kung ang katunggali sa nasabing pwesto ang nahalal---hindi naman siguro niya kakayanin kung dalawang kompanya ang pamumunuan niya... also, it will add to conflict of interests---patukoy kay Miles Espinosa na kapatid ng namayapang negosyante."

"Ngunit bwelta naman ng huli---Pangilinans only agenda is to finally have the ME Group... I just tried to maintain the integrity of Espinosas but I guess, I'm already late---'yan ang direktang patama ni Miles Espinosa sa pamilya ng Pangilinan."

"I ordered new set of DNA test to NBI... just making sure na hindi lang palabas yung lamay ng kapatid ko---huling pahayag ng negosyante sa pag-akusang ang mga Pangilinan ang nasa likod ng pagkamatay ni Eul---" napairap nalang si Cassey sa huling narinig na balita at tuluyan na itong pinatay.

Saktong kararating lamang nila sa Vista Angelita Hotel and Resort na pagmamayari rin ng ME Group sa Batangas. Naalala niyang ito rin ang pansamantalang tinuluyan nila habang hinahanap pa si Eul.

Napatingin pa siya sa kaibigang na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa back seat ng kaniyang kotse. Gamit ang rear view na salamin, tinitigan niya nang maigi ito.

Mula sa buhok na humaba na dahil sa isang buwang hindi nakatikim ng gupit, sa mukha nitong napakaamo na kahit kailan ay hindi niya naisip na ganito kabigat ang pagdaraanan. Saglit siyang napabuntong hininga sa awang nararamdaman.

Muli niyang iginala ang paningin sa leeg nitong mayroong malalim na sugat mula sa mariing pagkagat ng demonyong si Itchan. Hindi niya mapigilang hindi mapatingala at bahagyang hampasin ang manibela sa nararamdamang galit dito.

Ang dibdib ni Eul ay puno ng mga marka ng bibig ni Itchan lalo na ang dalawang mapula-pulang utong nito. Nang magawi ang tingin sa mga braso ni Eul ay napailing siya.

Tila naramdaman din ang sakit nito. Malalalim muling mga kagat. Mas malalaki kesa sa natamo nito sa magkabilang leeg. Napansin niya rin ang mahahabang sugat sa buong katawan ni Eul mula dibdib pababa sa mga hita na tila'y walang habas na nilatigo. Hindi niya lubos maisip ang eksaktong paghihirap na naranasan nito sa mga kamay ng malupit na si Itchan.

Nawala ang kaniyang pokus sa kaibigan nang may kumatok na kung sino sa bintana ng kaniyang kotse. Binaba niya ang salaming bintana nito at naunahan siya nitong magsalita.

"Ma'am... check in po? wala na pong available na room eh..." pagkuway na sabi nito. Agad namang kinuha ni Cassey ang sariling telepono.

"Ah ganoon ba... eh kasi dito kami pinapunta ng kaibigan ko... si Spiro..." at akmang pipindot na si Cassey nang mabilis itong nagsalita sa napagtanto.

"Ay! Sorry po ma'am... kaya pala familiar ka sakin... sorry po ma'am... sige po... ipapahanda ko nalang po yung kwarto..." at tumalikod upang sana'y umalis ngunit natawag pa ni Cassey.

"Ay kuya... dala ka naman ng wheelchair... yung kaibigan ko kasi tulog parin hanggang ngayon... salamat..." tumango pa ito bago mabilisang nilisan si Cassey.

Binaba na ng huli ang bintana at kinuha ang mga gamit. Lumabas ng kotse at binuksan ang back seat. Mabilis niya pang hinubad ang suot na jacket na gagamitin sa pagtago sa identidad ni Eul.

"Ma'am..." pagkuway na tawag muli ng lalaki na ngayon ay may dala ng wheelchair at may kasamang isa pang lalaki sa likod nito.

"Sige kuya... pakibuhat nalang..." umatras pa siya upang bigyan ng espasyo ang dalawa. "Pakiingatan kuya ah... please..." muli pang sambit ni Cassey na tinalima naman ng dalawang lalaki.

Ang isa ay nagtaka pa sa estado ni Eul. Mabilis na gumala ang paningin sa kabuohan ng huli at nagtaka sa mga kahina-hinalang nakikita. Pagkuway na nagtinginan pa ang dalawa bago tuluyang mailabas si Eul sa kotse.

Nang makaupo ay mabilis na inayos ni Cassey ang kumot sa katawan ni Eul at pinatong ang kaninang hinubad na jacket sa ulohan ni Eul upang takpan ang mukha nito.

Malalim na napaisip ang isang lalaki nang makita ang pamilyar na mukha ni Eul. Sigurado siyang nakita niya na ang mukhang iyon sa kung saan ngunit hindi niya matukoy kung saan ito.

"Sige kuya... ako nang bahala..." huling sabi nalang ni Cassey at tinulak ang wheelchair papasok.

"Pre... parang kilala ko yung nasa wheelchair..." sabi pa nito nang tuluyan nang makapasok ang mga tinutukoy sa loob ng gusali.

Kumibit balikat lang ang kausap at naglakad na papasok. Naiwan naman siyang kumakamot sa batok na nagiisip.

"Kilala ko talaga eh... di ko lang matukoy kung sino..."

-

"Natanggal na namin yung bala... and fortunately hindi naman natamaan yung buto... he just needs to rest..." rinig pang boses sa kung saan na gumising kay Spiro. Nananakit ang buong katawan na napatihaya ito.

"Men... 'wag muna... magpahinga ka raw muna..." mabilis na turan ni Kevin sabay alalay sa kaibigan na muling maihiga.

Pumikit pa nang pagkalalim-lalim si Spiro at pilit na pinigilan ang ungol nang mabilis na dumaloy sa kaniyang buong katawan ang kirot na nagmumula sa kaniyang binti.

Pinagmasdan niya ang nakabalot na binti at napailing. Hayop ka Itchan! Sigaw ng kaniyang isip. "Fuck..." marahang reklamo niya pa.

"Men galing dito kanina yung mga pulis... iniimbestigahan yung kaso mo... ano ba kasing nangyari?" Sunod-sunod na litanya ni Kevin sabay upo sa tabing upuan ng higaan ni Spiro.

Nanatiling nakatitig si Spiro sa pader habang iniisip ang nangyari sa kaniya, kay Cassey at kay Eul. Saglit siyang napako nang maalala ang mapait na sinapit ng huli.

Ngayon ay tuluyan na siyang nakahinga nang malalim dahil nagkatotoo ang pinagmamakaawa niya sa Diyos gabi-gabi na ibalik sa kaniya si Eul ngunit hindi rin mapigilan ang sariling hindi maawa sa minamahal.

Ang kababuyang ginawa sa kaniya ni Itchan ay walang katumbas at walang kapatawaran. Hindi niya mapapatawad ang sarili hangga't hindi ito pinagbabayad sa kademonyohang ginawa niya kay Eul.

"Men... babalik dito yung mga pulis... kukunin yung statement mo..." muling pukaw ni Kevin sa kaniyang atensyon ngunit ngayon ay puno ng pagkasuklam at binahayan ng katumbas ding demonyo ang kaniyang pagiisip.

Papatayin kita Itchan... papatayin kita...

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Where stories live. Discover now