EULIII36

459 36 23
                                    

-

Kung sila maloloko mo, hindi ako... Itchan...

-

Third Person's POV

Kinabukasan ay puno parin ng mga nakikiramay ang mansion ng mga Espinosa. Mula sa receiving area nito patungo sa bakuran at parking lot ay pumwesto ang sangkatutak na dumalo.

Tila reunion ng mga bihirang magkitang naglalakihang mga personalidad sa industriya ng pagnenegosyo at ng politika.

Mahigpit na pinagbawal ang presensya sa loob ng premisiya ng mansion ang mga reporters maski ang mga bodyguards ng mga dumalo. Tanging mga ahente lamang ng ME SSA ang sumisiguro sa seguridad ng bawat isa.

Ang seremonyang inilaan para sa pakikiramay sa pagpanaw ni Eul ay tila kapistahan dahil sa dami ng pagkain at alak na iniinom ng kani-kaniyang grupo. Maingay at paminsanang tawanan ang namayani dito.

Sa pinakasulok naka-pwesto ang magkakaibigang sina Sheena, Cassey, Jigs, Kit, Kevin at Itchan na ngayon ay bahagyang nagiinuman. Sina Sheena at Cassey ay mistulang nagantabay na lamang sa mga kalalakihang nilalantakan ang mga bote ng alak.

Wala na ang bakas ng mga luha sa kanilang mga mata ngunit ramdam mo parin ang bigat ng kanilang mga puso. Saglit pang napukaw ni Cassey ang kanilang atensyon.

"Si Skyrus... paparating..." sabi lang niya at tumayo upang malugod na tanggapin si Skyrus.

"Kumusta kayo dito..." pangangamusta nito. Nakasuot pa ng salamin upang siguro'y maitago ang mugto paring mga mata.

"Okay naman men... tara inom..." pabalik na paganyaya naman ni Jigs.

Umiling lang si Skyrus sabay "'Di na men... uuwi pa muna ako..." at sumenyas ng kamay upang tumanggi. "Sige men... una na muna ako..." at kumaway sa lahat. Bumaling pa siya sa isa at tumango. "Sheena..." at tuluyan nang umalis.

Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng mansion nang pagkuway na tawagin ng kung sino. "Mr. Yokohama, Mr. Pangilinan is looking for you..." bungad lang nito. Tatanggi pa sana ngunit nang makita ang presensya ni Kean na tila'y naghihintay sa kaniyang paglapit ay tuluyan na siyang nagpaubaya.

"What?" Blangkong tanong nito paglapit kay Kean.

"You should see this..." sabay naglakad patungo sa kung saan. Saglit pa siyang tumingin sa gintong kabaong bago naglakad kasunod ni Kean.

"---these were the actual footages na nagpapatunay na may kinalaman si Eul Espinosa sa pagkamatay ng asawa ko... he killed my husband by blackmailing him... he is a monster!" Rinig pa ni Skyrus na boses mula sa telebisyon pagpasok sa kusina.

Nakatayo na rin doon si Edward at ang asawa nitong si Michelle na masugid na pinapanood ang balita.

"Kayo na ang magpatunay... you deserve being killed! Baka nga karma 'yan sayo! Magdusa ka sa impreyno---" nagulat pa ang lahat nang hindi pangkaraniwang mamatay ang telebisyon.

Hindi nila napansin si Skyrus na buong lakas sinuntok ang malaking telebisyon. Nakagawa pa ito ng ingay na nagpalingon sa mga kasambahay na nagluluto. Hindi pa nakuntento ang una bagkus ay pilit niyang tinanggal sa pagkakadikit sa pader ang telebisyon para patuloy na sirain.

Pinigilan pa siya ni Kean ngunit walang nagawa ang huli sa buong galit na binigay ni Skyrus. Napaatras pa ang magasawang Pangilinan dahil sa nasasaksihang kabrutalan.

"Fuck you! Gatchalian!" Rinig pang sigaw ni Skyrus. Ang iba pa sa receiving area ay napatigil sa kani-kanilang mga ginagawa dahil sa narinig.

Naabutan pa ng hinihingal na si Sheena si Skyrus na punong puno ng galit. Nagtaka pa siya sa layo ng inaasta nito ngayon sa kaninang kalmado.

Malalakas na tadyak sa pagitan ng bawat suntok ang pinakawalan ni Skyrus upang tuluyang madurog ang kagamitang pinagbuhusan niya ng lahat ng galit.

Habol hininga pa siya nang tumigil. Inayos ang polo at huminga nang malalim. Kinapa ang pantalon upang kunin ang telepono.

Nanatiling nakatitig sa kaniya ang lahat ng tao sa kusina sa sunod niyang gagawin. Maya-maya'y maangas na nagsalita siya sa kaniyang telepono.

"Pabagsakin ang mga Gatchalian..."

-

"Men... uuwi na 'ko..." biglang sambit ni Itchan at muling dinampot ang bote sa kaniyang harapan at inubos ang laman noon.

"Siraulo! Lasing ka na men... pahinga ka muna saglit..." pagpipigil naman ni Jigs at inakbayan ito ngunit tinanggal iyon ni Itchan.

"Di na men... baka hinihintay na ako eh... 'di ko pa kasi napapakain..." muli niyang sambit. Tumango lamang ang mga lasing na kalalakihan ngunit si Cassey na masugid na nakikinig ay nagtaka sa sinabi nito.

"Sige men... pakainin mo muna! baka gutom na si Clive sa'yo eh" may himig ng pagaasar pang sabi ni Kit at kinindatan ang kaibigan.

"Sige men..." sabay pakikikamao isa-isa kina Kit, Jigs at Kevin. Tumango pa siya kay Cassey at sinuklian naman ito ng ngiti ng huli.

Medyo wala na sa tuwid ang paglakad ni Itchan. Sinundan siya ng tingin ni Cassey hanggang tuluyan itong makalabas ngunit hindi mapigil ang sariling hindi gawin ang isinisigaw ng isipan.

Saglit niya pang hinalikan ang nobyo na ngayon ay nakasandal na sa lamesa at binulungan ito.

"Dito ka lang ha... babalik agad ako..." at lakad-takbong tinahak ang parehong daang ginamit ni Itchan.

"May mali talaga eh..." sambit niya pa sa sarili habang masugid na hinahanap ang huli.

Nang makalabas nang tuluyan sa mansion ay inikot niya pa ang kaniyang paningin sa presensya nito at nagtagumpay naman na makita ang hinahanap.

Gumegewang na sumakay si Itchan sa kaniyang lumang kotse at walang sinayang na sandali upang paadarin at imaneho ito. Sakto namang pagdating ng taxi na mabilis niyang pinara at sinakyan.

"Kuya, pakisundan 'yang itim na kotse..."

-

"Kuya... 'wag kang lalapit... dito lang... parada mo lang dito..." sambit ni Cassey sa driver at tinitigan ang sunod na gagawin ni Itchan.

Halos isang oras nilang binaybay ang makipot na daan. Hapon na kaya't malinaw sa kaniyang paningin ang nakikita. Pumarada ito sa tapat ng lumang gate ng luma na ring gusali. Sunod ay lumabas si Itchan at mariin pang nagmasid sa paligid bago nahihilong binuksan ang nasabing gate.

"May mali talaga... Itchan..." sambit muli ni Cassey at kinuha ang telepono upang tawagan ang kaibigan.

Ilang beses pa itong nag-ring. Nakita niya si Itchan na tinititigan ang sariling telepono. Namatay ang tawag at muli niyang inulit ang ginawa.

Sa pagkakataong ito ay nagulat pa siya nang sagutin siya ni Itchan.

"Oh" bungad nito. Sa gulat ay hindi siya nakapagsalita. Huminga muna nang malalim bago muling tumuran.

"Asan ka?" Tanong niya. Nakita niya pa itong sumandal sa lumang kotse.

"Nandito sa boarding house..." sa sagot niyang iyon ay otomatikong tumaas ang kilay ni Cassey at muling nagtanong.

"Si Clive?" Narinig niya pa ang buntong hininga ng kabilang linya bago sumagot.

"Ah eto... tulog... baka pagod lang---" tumango-tango nalang si Cassey sa narinig at napakagat sa ibabang labi dahil sa kasinungalingan ni Itchan.

"Sige... pahinga na kayo..." at pinatay ang tawag. Saglit niya pang tinitigan nang masama ang kaibigang papasok na sa gate bago binalingan ang driver.

"Sige kuya... balik na tayo..."

Tinitigan niya pa ang pangalan ng kaibigan sa telepono at mataray na naglitanya sa kaniyang isip.

Kung sila maloloko mo, hindi ako... Itchan...

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon