EULIII4

894 37 34
                                    

-

"Eul, hindi kita susukuan."

-

Third Person's POV

"Kean!" Sigaw ni Sheena at mabilis na hinila si Kean sa pagkakakapit nito sa kwelyo ni Spiro. Hindi siya pinansin ni Kean bagkus ay mas lalong binaling ang galit sa mundo kay Spiro. Napansin pa nito na bahagyang lumapit si Mr. Ong kaya't sinenyasan niya ito na tumigil. Napukaw ng eksenang iyon ang atensyon ng mga otoridad. Ang iba pa ay lumapit upang awatin ang dalawa.

"Wala kang karapatang pumunta dito!" Muling bulyaw ni Kean kay Spiro. Bahagya pang ngumisi si Spiro na mas kinaasar ni Kean bago nagsalita.

"'Wag mong hintayin na dagdagan ko 'yang bangas sa mukha mo." Maangas na tugon ni Spiro. Mas lalong napikon si Kean at akmang sasapakin ito nang magsalita si Skyrus.

"Ako nagpapunta sa kaniya..." sabi lang ni Skyrus na dahilan para tignan siya ni Kean. Mabilis na binitawan ni Kean si Spiro at inangasan ng tingin si Skyrus. Ang mga lumapit na otoridad upang awatin sana sila ay hindi na tumuloy.

Hindi na nagsalita pa si Kean bagkus ay naglakad nalang siya patungo sa ngayon ay papaalis nang mga bangka.

"Salamat men..." rinig pang pasasalamat ni Spiro kay Skyrus at walang emosyong tinanguan lamang siya nito.

-

"I am administering this press conference to clarify the news and to answer your questions. Let's proceed." Panimula ni Edward na nagbunsod ng sunod-sunod na tunog at malalakas na flash ng mga camera.

"Mr. Edward Pangilinan, ano pong masasabi niyo sa aksidenteng nangyari kay Chairman Eul Justine Espinosa?" Unang tanong ng reporter sa kaniya.

"We are not accepting the unfortunate news regarding our chairman... we still hope he survived the crash..." pagsagot naman nito.

Rinig pa ang mga bulungan ng mga ito. Mabilis muling nagpaunahan ng taas ng mga kamay ang mga ito at nagsalita ang tinuro ni Edward.

"As the Vice Chairman and Chief Operating Officer of ME Group, what will be your next step if the chairman's body be found?" Sa tanong na iyon ay saglit na natahimik si Edward at napansin naman iyon ng mga taong nasa kaniyang harapan. Tumango pa siya bago nagsalita.

"As what I've said, we're still hoping he survived the accident." Sagot nito sabay turo sa panibagong reporter. Akala niya'y handa siya sa mga tanong nito ngunit napagtanto niyang hindi matapos ang sunod na katanungan.

"If ever, the chairman wouldn't survived the accident, who would take over the chairmanship of the ME Group? Would it be your son, Kean Pangilinan, or Eul's half brother, Miles Espinosa?"

-

"Teka? Bat parang pabalik na tayo?" Takang tanong ni Spiro nang mapansing bumabalik na ang bangka sa pier. Madilim na at hindi niya na rin matanaw ang kalayuan. Tanging mahinang ilaw nalang mula sa palubog na araw at ilaw ng mga bangka nalang ang nagsisilbing liwanag.

"Sir, pasado alas sais na po... katunayan dapat kanina pa tayo bumalik..." paliwanag ng isang otoridad. Tanaw pa ni Spiro sina Kean at Sheena na magkasama sa bangka. Sina Mr. Ong at Skyrus naman ang magkasama sa iba pang bangka.

"Bukas nalang po ito itutuloy... protocol po talaga." Dagdag pa nito. Huminga nang malalim si Spiro at tumango-tango. Binaba niya pa ang kaniyang mga daliri upang damahin ang lamig ng tubig.

Babalik ako... hindi ako titigil hanggat di kita nakikita.

-

"---Would it be your son, Kean Pangilinan, or Eul's half brother, Miles Espinosa?" Biglang umuwang ang ngiti sa kaniyang mga labi at natawa sa narinig.

"The press is now seeking for your side..." pagbasa ni Paulo sa kaniyang ipad.

"No... hayaan muna natin silang manabik..." sabi pa ni Miles sabay tayo at baling ng tingin sa pader na salamin upang panoorin ang matatayog na gusaling nakapalibot sa kaniya.

"I'm a real Espinosa... I'm now the only heir of ME Group." Sabi pa muli nito at humalakhak.

-

"Live mula dito sa pier ng Batangas City, makikita natin ang mga bangkang paparating na gumawa ng search and rescue operation sa sumabog at lumubog na pribading eroplano ng negosyanteng si Eul Justine Espinosa."

"Ilan sa mga kasama ng otoridad sa nasabing operasyon ay ang asawa nitong si Kean Pangilinan, ang Chief-of-Staff nitong si Sheena Serrano, ang Chief-of-Security na si Mr. Patrick Ong, ang matalik na kaibigan nito at presidente ng ME Group Foundation na si Mr. Skyrus Yokohama at ang sikat na modelong si Spiro Villafuerte."

"Ang koneksyon ng nasabing modelo sa negosyante ay hindi matukoy maliban sa alitan nilang dalawa ilang buwan na ang nakalilipas---"

-

"---Would it be your son, Kean Pangilinan, or Eul's half brother, Miles Espinosa?" Sa napanood na balita ay nagigting ang bagang ni Skyrus at kinompronta ang kasamang naglalakad na kaibigan.

"What is wrong with your father?!" Reklamo niya.

"What?!" Pabalik namang reklamo ni Kean.

"Panoorin mo!" Sabay bigay ni Skyrus ng telepono sa kaibigan. Tumalima naman si Kean at pinanood ang balita. Nang matapos panoorin ay binalik niya ang telepono sa kaibigan at nagtanong.

"What? Wala akong makitang mali sa sinabi niya..." sagot naman ni Kean.

"Walang mali? No one said na maglabas siya ng press con. Buhay pa si Eul pero pinapatay niya na!" Malakas pang sabi ni Skyrus sa kaibigan.

"Men, I have no control over my father... you know that... besides, he's still the Vice Chairman of the group..." sagot naman ni Kean.

Hindi na sumagot si Skyrus sa sinabi ng kaibigan bagkus ay mabilis na siyang naglakad patungo sa sariling kotse at nilisan ang lugar. Si Kean naman ay naiwan kasama sina Sheena at Mr. Ong na hinihintay ang chopper na magdadala sa kanila pauwi. Nakita niya pa si Spiro na dumaan sa harap niya nang mamaalam ito kay Sheena.

Nang makasakay si Spiro sa kaniyang kotse ay agad niyang kinuha ang kaniyang telepono at tumawag. Pinaandar ang kotse at umalis sa pier habang hinihintay na sumagot ang kabilang linya.

"Kevin." Bungad niya nang sa wakas ay sagutin ang tawag niya.

"Men! Hindi mo sinabing sa Batangas ka pupunta!" Sagot naman nito nang marinig ang boses ng kaibigan.

"Send me the location of ME Group's Vista Angelita Hotel and Resort here in Batangas, dito muna ako hangga't di nakikita si Eul..." utos nito sa kaibigan at agad na pinatay ang tawag at mabilis na pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

"Eul, hindi kita susukuan."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon