Ang Misyon at Matandang 'di ko Kilala

11.7K 588 722
                                    

"SUS! Duwag ka naman, e!" Asar ko kay Dino na kasuntukan ko sa likod ng school namin. Siya 'yong tarantadong boyfriend ng kaibigan kong si Missy na pinagpalit sa senior high.

Ako? Duwag? Sinong niloloko mong tibo—" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang bigla ko siyang sinunggaban ng suntok sa nguso kaya pumutok ang labi niya. Hindi na ako nakakapagtimpi rito dahil makailang ulit na niyang niloko ang bestfriend ko.

"Andami mong satsat. Hanggang d'yan na lang ba kaya mo? Ha!" Asar ko pa sa kaniya at nginisihan ko siya. Wala akong pakialam kung nakaskirt ako basta mabasag ko lang ang mukha ng ulupong na 'to. Sumusobra na, kala mo naman walang kapatid na babae para manloko. Akala niya nakakagwapo kapag cheater.

Wala gaanoong tao dito sa likod ng school namin at bihira lang daanan itong kalye na 'to kaya ayos lang. Fourth Year college na ako at BSHM ang course ko sa Don Avelino College dito sa Manila. As usual, long-sleeved na white blouse ang itaas na suot ko with matching logo pa ng school namin sa bandang kaliwa ng dibdib.

Nakaskirt akong itim na above knee at nakakadiri itong isuot na parang anytime mabobosohan ako. Nakastocking rin ako na skin-toned at black high-heeled shoes na may one inch na taas ang takong. Nakakapansisi tuloy kung bakit ba Hospitality Management pa ang kinuha ko, nakakadiri tuloy ang uniform na suot ko.

"Anong sabi mo? E halikan kaya—" di ko na siya hinayaan pang magsalita dahil isang suntok uli ang binitawan ko sa mukha niya. Napakadaldal parang bungangerang babae. Lakas pa ng loob mambabae, hindi naman siya kayang ipagtanggol ang sarili.

"HOY ANO 'yan!" natauhan ako nang marinig ko ang sigaw ng baranggay tanod na may hawak pang batuta at tumatakbo palapit sa amin kaya agad kong kinuha ang backpack ko na inilapag ko sa sahig kanina. Napatingin naman ako kay Dino na kasalukuyang nakangisi dahil makakatakas siya sa akin.

"P*tc#4, pare. May parak!" sigaw ng isang tropa niya na nakatayo sa kalayuan at agad siyang nilapitan para alalayang makabangon at mabilis silang tumakbo kaya hinabol ko sila.

"Hoy, g4*0 ka! Hindi pa tayo tapos! Makikipagpalit ka pa ng mukha sa aso, #lu1 ka!" sigaw ko at agad kong sinipa ang pwetan niya bago ako tumakbo palayo sa kanila. Nang makailang metro na ang layo ko sa kanila ay napalingon uli ako sa gawi nila at napahinto nang makita ko siyang nadausdos sa lupa kaya nagdirty-finger ako sa kaniya sa ere at binelatan ko pa para asarin.


"HAY nako, Eloisa. Hanggang kailan ko ba sasabihin sa'yo na huwag mo nang patulan 'yon?" saad sa akin ni Missy nang makauwi ako sa dorm namin. Nakasuot pa rin ako ng uniform habang kumakain ng noodles in cup na binili namin kanina. Kakauwi ko palang dito sa amin at ikinwento ko agad sa kaniya kung paano ko basagin ang mukha ng boyfriend nya.

Naka-upo ako sa kama ko, samantalang nasa tabi ko naman siya habang patuloy sa paggagamot ng sugat ko. "Hay nako, Missy. At ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na 'Loi' nalang ang itawag mo sa'kin?" tanong ko pabalik sa kaniya sabay higop uli sa kinakain ko.

"Hayaan mo na lang kasi yun Eloi—" napahinto siya nang tingnan ko siya nang masama. Ilang taon na kaming magkaibigan ni Missy pero palagi niyang nalilimutan ang itatawag sa akin. "Okay, fine!" usal niya at muling ginamot ang pasa ko.

Isa lang naman yung pasa, pero hindi ko 'yon nakuha sa sapak ni Dino, kundi dahil sa pagkakauntog ko sa poste kanina. "Hayaan mo na lang kasi si Dino, LOI," wika niya nang may diin habang patuloy lang sa paggagamot ng sugat ko.

"Ayan kasi, kaya ka nalang laging nasasaktan. Puro ka 'Hayaan'." tugon ko sa kaniya at napahinto siya, narinig ko ang kaniyang malalim na paghinga.

"Anong gusto mo? Makikipagbasag-ulo rin ako?" tanong niya pero sa tono ng pangangatuwiran. Sa wakas ay natapos na siya sa paggagamot at iniligpit na niya ang mga gamit.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now