Bukang Liwayway

3K 196 61
                                    

"ACHOO!" Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga kasabay ng pagbahing ko. Agad namang pinunasan ni Maximilliano ng malinis na tuwalya ang ilong ko at muli akong napabahing.

"Mag-ingat ka naman kakabahing dahil baka lumuwa ang iyong matres niyan," saad niya at may pailing-iling pang nalalaman. "Sige ka, kapag lumuwa ang matres mo, hindi na kita maaanakan nang labing-anim," dugtong pa niya kaya napakunot ang noo ko habang matalim na nakatingin sa kaniya na ngayon ay pinupunasan ang ilong ko at bahagya pang pinisil ito.

Dalawang araw na akong nilalagnat na sinasabayan pa ng ubo't sipon. Nagpakonsulta na kami sa kapatid ni Amor, at ayon doon ay dahil daw ito sa sobrang pagod at stress. Dulot rin pati ng pagpapaulan namin ni Maximilliano noong nakaraang araw.

Pagtapos ng nangyari sa daungan ay umuwi na kami noon at parang normal lang. Pero nakakaramdam ako ng kaunting ilang dahil nang mapagtanto ko na malinaw na ang nararamdaman ko, tsaka naman ako nag-aalangan kung paano ko aaminin sa kaniya ito.

"Hindi pa rin ba gumagaan ang pakiramdam mo?" Natauhan ako nang magsalita siya at tinanggal na niya ang bimpong pinangpunas sa akin. Umiling naman ako para tumanggi.

"A-ayos na. Magaling na ako," tugon ko sabay ngiti. Napangiti rin siya pabalik tsaka kinuha ang mangkok na naglalaman ng lugaw na nakapatong sa ibabaw ng tukador sa may tabi.

Napalingon ako sa labas at sa tingin ko ay alas-nuwebe na. "Kumain ka dahil iinom ka pa ng gamot mamaya," wika sa akin ni Maximilliano at itinapat niya ang kutsarang pinanandok sa lugaw para subuan ako.

"Ako na, hindi naman ako baldado para subuan pa," saad ko at natawa nang mahina tsaka ko inagaw sa kaniya ang kutsara at mangkok para kumain ako nang mag-isa. Tiningnan ko naman siya na ngayon ay napakamot sa ulo.

"Masyado lamang akong nag-aalala sa iyo," tugon niya kaya natawa ako nang mahina. Simula nang lagnatin ako ay pansin kong hindi napapakali si Maximilliano sa gagawin sa akin. Hindi ko akalain na sa likod pala ng pagiging palikero niya ay napakalambot ng puso niya at handang mag-alaga sa akin.

"Salamat," sabi ko sabay subo ng kinakain ko. Nagitla naman ako nang humawak siya sa pisngi ko at tumingin sa mata ko. "Huwag mo sabihin na hahalikan mo na naman ako!" reklamo ko at kumunot ang noo niya.

"Ha? Pupunasan ko lamang ang iyong pisngi dahil nagkalat ang lugaw," saad niya sabay punas sa gilid ng labi ko at kumalas na siya. "Siguro ay nangungulila ka sa aking halik kaya iyon ang iyong naiisip," dugtong pa niya kaya inirapan ko siya at muli akong ng kinakain ko.

"Asa ka," tanging tugon ko pero tinawanan lang niya ako. "Tutal medyo magaling na ako. Maaari ka nang umuwi," saad ko pero umiling siya.

"Hindi ka pa magaling kaya mananatili lamang ako rito upang alagaan ka," wika niya pero umiling lang ako. Ilang araw na kasi siyang walang maayos na tulog kakaalaga sa akin kaya kailangan rin niya ng pahinga bago pa siya magkasakit.

"Maximilliano, magkakasakit ka rin niyan sa ginagawa mo," wika ko. Ilang sandali naman kaming binalot ng katahimikan hanggang sa maubos ko na ang kinakain ko at ipinatong ko iyon sa ibabaw ng tukador. Sumandal ako sa headboard ng kama.

"Siya nga pala. Ano nang mangyayari sa trabaho mo?" tanong ko sa kaniya at napayuko siya.

"Binitawan ko na ang tungkulin ko," saad niya kaya agad akong napaayos ng tindig at iniharap siya sa akin.

"Ano?! Bakit mo ginawa iyon?" tarantang tanong ko at nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

"Hindi na mahalaga sa akin ang katungkulan ko. Aanhin ko iyon kung iyon ang gagamitin laban sa akin para mapagabsak ako," wika niya at natahimik lamang ako at hindi magawang tumugon. "Aanhin ko ang katungkulan kung iyon ang magiging hadlang sa atin," saad niya at dahan-dahan niya akong tiningnan.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang