Labing-anim na Supling

5.8K 384 253
                                    

"SAAN mo munang ibig magtungo?" tanong sa'kin ni Maximilliano. Nakasakay kaming dalawa sa loob ng kalesa at kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungo sa bayan.

Tanging pagkibit-balikat lang ang nagawa kong itugon sa kaniya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kinakabahan ako sa presensya niya at kanina pa kumakabog nang malakas ang dibdib ko, lalo na't katabi ko siya.

"K-kahit saan," tugon ko at napalunok ako nang mariin dahil nauutal ako. Napadungaw ako sa labas. Nakita ko ang mga taong nasa kalsada na naglalakad, dala-dala ang kanilang mga basket, bilao, at mga bayong.

"Sa kwarto ko, gusto mo?" tanong niya at kunot-noo ko siyang nilingon at nakatanaw rin siya sa labas ng kalesa at nakangiti. Umiral na naman ang pagkapilyo nito at kahit gusto ko sana siyang sapakin ngayon sa mukha ay nagtataka ako kung bakit hindi ko magawa. "Huwag mo akong masyadong titigan, naaaninag ko kung paano ka masarapan sa iyong nakikita," wika pa niya at ngumisi. Napapikit na lang ako nang mariin at isiniksik ko ang sarili ko sa kabilang bahagi para hindi kami magkalapit.

"A-asa kang tinititigan kita. Tiningnan ko lang naman 'yung t-tanawin," tugon ko at ibinaling ko ang paningin ko sa labas.

"Bakit nauutal ka? Naiilang ka ba sa aking presensya?" Tanong niya at lumingon sa akin. Napakunot-noo naman ako at inirapan ko siya.

"Hindi!" sigaw ko habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa labas.

"Alam ko na kung bakit ganiyan ang iyong pakiramdam," Wika niya at napalingon ako sa kaniya na kasalukuyang nakangisi.

"Bakit?" tanong ko at inayos niya ang kuwelyo ng suot niyang uniporme at tumikhim ng dalawang beses.

"Dahil sa ating napag-usapan noong nakaraang gabi," saad niya at napapikit ako sa inis dahil pinaalala na naman niya ang kahihiyan na iyon.

"Huwag kang mag-alala. Wala 'yon para sa'kin," sagot ko sa kaniya. Hindi ko na masyadong iniintindi iyon dahil alam ko namang playboy si Maximilliano at jino-joke time nya lang siguro ako no'n.

"Mabuti. Biro ko lamang iyon ngunit agad mo akong iniwan kaya hindi na ako nakapagpaliwanag pa," tugon niya at parang tinusok ng patalim ang puso ko nang mabanggit niya mismo ang bagay na 'yon.

Tama ako, dapat hindi ko sundin ang tibok ng puso ko sa kaniya dahil ako rin ang masasaktan.

"Huwag kang mag-alala, malay mo bukas... gusto na kita o maaari naman nating sabihin na...mahal na," wika pa niya pero hindi ko na siya pinansin at nanatili na lang akong nakatanaw dahil nasasaktan pa rin ako sa hindi malaman na dahilan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kinikilig ako sa kaniya, kung bakit sa tuwing magkalapit kami ay parang may mga boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko, at kung bakit... kung bakit nasasaktan ako.

Agad kong pinunasan ang luha na tumulo papunta sa pisngi ko at huminga nang malalim. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nangyayari sa akin, bagay na hindi ko kailanman naramdaman.

"Napakaganda ng mga kabundukan hindi ba?" tanong ni Maximilliano sabay turo sa mga bulubundukin. Napatango na lamang ako nang hindi tumitingin sa kaniya dahil makikita niyang naluha ako.

"Ngunit mas maganda ang mga iyon kung hindi ka lumuluha," wika niya at dahan-dahan ko siyang tiningnan na kasalukuyang nakatingin rin sa akin.

"Ibig kong malaman ang dahilan kung bakit ka tumatangis," saad pa niya at tanging pagbuntong-hininga lang ang nagawa ko tsaka ko ibinalik ang tingin ko sa labas.

Paano ko sasabihin na nasasaktan ako nang malaman na biro lang pala ang sinabi niya noong nakaraang gabi?

"Dahil siguro ay nangungulila ka sa iyong mga magulang, hindi ba?" sabi niya at tumango na lang ako at hindi ko pa rin siya tinitingnan.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon