Isang Libong Saknong ng Tula para kay Marikit

3.5K 276 145
                                    

"SEÑORITA!" napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Lydia mula sa labas ng silid. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang salubingin ako ng nakakasilaw na sikat ng araw na dumaraan sa may bintana at tumatagos sa manipis na kurtina.

Kabi-kabila ang ingay ng mga manok na tumitilaok hudyat nang umaga na. Napasapo ako sa noo ko at dahan-dahang bumangon, saka nag-inat. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko na ngayon ay nanlalabo dahil bagong gising ako.

Napalinga ako sa orasan at nakita kong alas-nuebe na pala ng umaga. Napahikab ako at naglakad patungo sa pintuan saka ko pinagbuksan si Lydia. "Magandang umaga po, Señorita Marikit!" bati ni Lydia sabay abot sa akin ng isang sobre na sa tingin ko ay pinaglalamanan ng liham.

"Kanino galing 'to?" tanong ko at nakahawak ako sa bibig ko habang nagsasalita dahil hindi pa ako nagsepilyo.

"Sa isang ginoo po, ngunit bilin niya sa akin na hindi ka na raw po niya maaantay dahil may lakad daw po siya. Baka raw po sa makalawa ay bibisita po siya rito," paliwanag niya at napatango-tango ako saka ko tiningnan ang sobre kung kaninong pangalan ang nakalagda roon...

'Delfin Montemayor'.

Akmang lalakad na sana palayo si Lydia pero pinigilan ko siya. "Teka!" tawag ko at napalingon siya sa akin at lumapit.

"May kailangan ho ba kayo, Señorita?" tanong niya sa akin at tumango ako.

"May liham bang pinaiwan si Maximilliano?" tanong ko sa kaniya at nginisihan niya ako. Kailan kaya ako lulubayan ng mga alaskador at ma-issue?

"Sabi ko na nga ba ay grabe ang iyong pagtingin kay Heneral," wika ni Lydia at nagbu-blush pa ang pisngi. Halatang kinikilig.

"Lydia..." panimula ko.

"Po?"

"Gusto mo?" Malambing na tanong ko at napakunot-noo siya sa pagtataka. Tinaas ko ang parehas na kilay ko na parang nanghihingi ng tugon niya.

"Opo," sagot niya at ngumiti.

"Sumabog nguso mo? Isa pang alaska dyan, ipapatsi na kita sa lata," banta ko pa at humingi siya ng paumanhin. "May pinadala nga ba si Maximilliano?" tanong kong muli at umiling siya.

"Kanina po nang dumaan ako sa tapat ng Hacienda Abueva ay naabutan ko siyang nagkakarga ng kaniyang mga kargamiento sa kalesa. Batid kong magtutungo ho siya ngayon sa Maynila dahil nakasuot rin po siya ng kaniyang unipormeng pang-heneral," tugon niya at marahan akong tumango. "Nangungulila na po kayo sa kaniya, ano?" ngiti niya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.

"Isa," banta ko at yumukod siya sa akin at dali-daling umalis. Napahinga na lamang ako nang malalim at isinarado ang pinto. Akala ko magsstay rito sa Don Felipe si Maximilliano. Hindi pala.


Dalawang araw na ang lumipas, nasa azotea ako habang nananahi ng tee shirt na ibibigay ko kay Maximilliano kapag umuwi na siya rito sa Don Felipe. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong liham na natatanggap mula sa kaniya kaya alam kong nagtatampo pa rin sa akin iyon.

Kahit inis na inis pa ako sa kaniya, kailangan kong makipag-ayos dahil hindi kami makakapagbati kung walang magbababa ng pride ni-isa sa amin. Napahinga ako nang malalim at sandali kong itinaas ang tinatahi kong kamiseta para tingnan kung pantay ba ang pagkakatahi ko rito.

In-apply ko rin dito ang natutunan ko kay Maestra Vienna noong nasa eskwela pa kami. Napangiti ako sa sarili ko dahil nagandahan ako sa gawa ko. Sana naman ay magustuhan 'to ni Maximilliano at hindi na magtampo sa akin. Dakilang pabebe pala ang heneral na 'yon!

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Où les histoires vivent. Découvrez maintenant