Te Amo

3.4K 198 78
                                    

DALAWANG linggo na ang lumipas matapos ng insidenteng nangyari sa tubuhan. Pagtapos ng araw na iyon ay bihira na lang akong lumalabas ng kwarto dahil hindi ko kaya na makita si Don Marcelo gayo'ng alam ko na posible na siya ang pasimuno ng mga karahasang nagaganap dito sa Don Felipe.

Pero kahit ganoon ay hindi malinaw sa akin kung bakit niya gagawin iyon. Nahihirapan rin ako kung anong mas paniniwalaan ko, kung ang kabutihang naihahatid niya sa mga trabahador, o ang sulat na walang pang matibay na katotohanan. Hindi ko maintindihan kung bakit naman gagawin ni Mang Karding iyon nang walang sapat na dahilan. Kaya naroon ang pagkalito ko na baka totoo ngang si Don Marcelo ang pumatay sa pamilya niya pero bakit?

Anong sapat na dahilan ni Don Marcelo para ipasunog ang buong pamilya ni mang Karding gayo'ng maralita lamang sila at hamak na walang mapapala sa kanila si Don Marcelo. O may nais ding sumira sa reputasyon ng pamilya Lacsamana gaya ng may gustong sumira sa pangalan ni Maximilliano.

Napalingon ako sa labas dahil gabi na at ngayon pupunta ang sambahayang Abueva para sa isang salu-salo at pagpupulong tungkol sa pagtatakda ng kasal nila Ate Mercedes at Melchor.

Sa susunod na linggo ay kaarawan na ni Marikit at pagtapos niyon ay ilang linggo na lamang ang bibilangin ay December na.

Ilang buwan na lamang ay araw na ng kasal ni Marikit at Maximilliano.

Bigla ko tuloy naisip na kaya siguro pinapabilis ni Don Marcelo ang kasal ni Marikit at Maximilliano dahil bahagi ito ng masama niyang plano. Pero naguguluhan ako kung bakit naman niya gagawin ito gayo'ng kitang-kita ko naman na sobrang close sila ng pamilya Abueva.

Or kung hindi naman, baka sila Fontana ang may pakana nito.

Napatayo ako at lumakad patungo sa balkonahe ng silid at napahimas ako sa baba ko habang nag-iisip.

Siguro kaya't ginagawa ito ni Fontana ay para masira ang pamilya Lacsamana at kasabay niyon ay ang pagbagsak ni Maximilliano. At kapag wala ng kayamanan ang pamilya Lacsamana ay pipiliin ni Maximilliano na magpakasal sa kaniya para sa yaman at posisyon! Tama!

Pero sa tunay na kwento ni Maestra Alena ay hindi naman ganito ang nangyari, walang kaguluhan na naganap kaya medyo imposible ang naisip ko.

Bigla tuloy sumagi uli sa isipan ko ang babaeng itinanan ni Maximilliano sa araw ng kasal nila ni Marikit. Ilang buwan na lang ay nalalapit na ang kasal pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong sapat na ideya kung si Fontana ba talaga iyon. Hindi ko naman alam kung close pa sila o kung may pag-uusap pa sila.

Napasabunot na lamang ako sa sarili ko dahil sa sobrang pagkabwisit sa mga nangyayari. Sunud-sunod ang mga problema ko!

"Señorita Marikit, narito na ho ang inyong mga panauhin," napalingon ako sa pintuan nang magsalita si Lydia kaya mabilis kong pinagpagan ang sarili ko tsaka lumakad papunta roon.

Pagbabang-pagbaba ko sa ground floor ng mansyon ay naabutan kong nagbabatian na ang pamilya Lacsamana at pamilya Abueva kaya lumapit ako roon at nagbigay-galang rin sa mga bisita namin.

"Bueno, ating simulan na ang ating munting salu-salo," Anunsyo ni Don Marcelo at nagsipaglakad na silang lahat patungo sa dining at dalawa lamang kami ni Maximilliano na naiwan rito sa pintuan ng mansyon.

"Magandang gabi," bati niya at lumakad papalapit sa akin sabay abot ng hawak niyang isang tangkay ng rosas. Napangiti naman ako at malugod ko iyong tinanggap.

Nakahingi na nga ako ng tatlong garapon kay Ate Mercedes at lahat ng iyon ay puno na ng dried petals ng mga dating ipinamigay na bulaklak ni Maximilliano pero ngayon ay nagdagdag pa siya kaya't hindi ko alam kung saan ko na ito ilalagay kapag natuyo na.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Où les histoires vivent. Découvrez maintenant