Pag-amin sa Azotea

4.2K 332 323
                                    

"SA MGA hindi nakakakilala, siya si Señorita Fontana Trinidad na anak ni Don Tadeo Trinidad at Doña Primitiva Trinidad," pagpapakilala ni Maestra Vienna kay Fontana. Hindi naman ngumiti o kumaway man lang sa amin si Fontana at dere-deretso lang siyang naglakad patungo sa silya sa likuran ko dahil iyon na lamang ang bakante.

"Bueno, ituloy na ninyo ang inyong mga gawain," wika ni Maestra Vienna kaya nagpatuloy na ako sa pagtatahi. Tutal nabanggit nila Dulce na galing España itong si Fontana at ikinasal na sa isang anak ng visitador-heneral, nagtaka ako kung bakit siya nandito sa eskwela gayong para lamang sa mga dalaga at hindi pa kasal ito.

Hindi kaya pinutol niya ang ugnayan niya sa anak ng visitador-heneral at bumalik dito sa Pilipinas para agawin si Maximilliano kay Marikit? Hindi nga malabo na ganoon ang dahilan niya dahil nabanggit nila Amor na ex-girlfriend ito ni Maximilliano.


KINATANGHALIAN ay sabay-sabay kaming nananghalian rito sa dining area. Punong-puno ng masasarap na pagkain ang buong hapag-kainan. May tinola, adobo, sinigang, at letson. Lahat ng mga pagkaing iyon ay galing sa ama ni Fontana.

Magkakatabi kami nila Amor at sinadya namin na lumayo ng distansya kay Fontana dahil kanina pa kami tinitingnan nang masama na animo'y babalatan kami nang buhay.

Tahimik lamang kaming lahat at tanging tunog lang ng kubyertos ang naghahari sa buong hapag. Kasabay rin namin ngayon dito ang lahat ng teacher namin. Excited na nga ako na matapos itong lunch dahil break time na namin hanggang alas-kwatro.

Natauhan ako nang kalabitin ako ni Amor. "B-bakit?" tanong ko at lumingon ako sa kaniya.

"Napapansin mo ba?" tanong niya at napakunot-noo lang ako.

"Ang ano?" tanong ko naman at ngumuso siya nang simple upang ituro si Fontana na tahimik na nakikipagtawanan sa mga katabi niya. "Bakit? Anong meron do'n?" tanong ko uli at narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga.

"Kanina ka pa tinitingnan nang matalim ng Fontana na iyan," pabulong na sabat ni Dulce. Nginitian ko na lamang sila nang tipid. Alam ko naman na kanina pa gustong makipagbuno ni Fontana, hindi ko na lang dinidibdib.

"Hayaan niyo na lang 'yan. Siguro masyado lang nagagandahan sa akin," biro ko at natawa nang mahina.

"Hindi ka lang pala mahinhin... mahangin din," sarkastikong tugon ni Amor sa akin.

"Basta kapag ikaw ay sinalang ni Fontana, narito kami upang bumanat diyan," saad ni Dulce sa gilid ko.

"Ano ba kayo," sita ni Clemente pero hindi sa tonong pagtatanong. "Hayaan niyo na lamang si Fontana. Kahit kailan ay hindi matutuldukan ang hidwaan ng dalawang pamilya kung maging sa mga anak nito ay wala ring kasunduan at pagkakaunawaan," dagdag pa niya.

Pero teka... tama ba ang narinig ko na may hidwaan ang mga pamilya Lacsamana at pamilya Trinidad? At bakit naman? Sa pagkakaalam ko ay wala namang ganap sa politika ang pamilya Lacsamana, so anong away nila?

Gusto ko sanang itanong kay Clemente ang tungkol do'n gayong siya ang may mga nalalaman tungkol sa hidwaan na 'yon. Kaso nag-aalangan ako dahil baka magtaka siya na naturingan akong isang Lacsamana pero walang ideya sa issue nila.

Pagtapos kong kumain ay nagpaalam ako na magtutungo lang sa cr para makapaghugas ako ng kamay ko. Sa sobrang pagkatakam ko kasi sa lechon ay hindi ko na mapigil ang sarili ko na kamayin iyon nang pasimple.

Habang nasa pasilyo ako patungo sa palikuran ay naramdaman kong may nakasunod sa akin kaya dahan-dahan ko iyong nilingon at namataan ko si Fontana. Hindi ko sana siya papansinin at dederetso na sana ako sa loob ng palikuran pero bigla siyang nagsalita.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ