Mga Pagbabago at Pagtanto

2.7K 184 96
                                    

ARAW ng Linggo at sabay-sabay kaming nanananghalian ng pamilya Lacsamana. Nakapagsimba na kami kanina at dito na kami dumeretso pagtapos no'n. Tahimik lamang kaming lahat habang kumakain gaya ng nakasanayan na namin. Hindi pa rin kami masyadong nagpapansinan ni Don Marcelo kaya mamaya ay makikipagbati na ako sa kaniya.

Nang matapos na kaming kumain ay nauna nang lumabas si Don Marcelo at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya sa ikalawang palapag. Malamang ay magtutungo na iyon sa kaniyang opisina tulad ng nakakaugalian niya.

Napalingon ako kay Ate Mercedes na tinanguan ako na para bang sinasabi na dapat ko nang gawin ang napag-usapan namin na pakikipag-ayos ko kay Don Marcelo. Ngumiti ako nang tipid at napalingon rin sa kanila Doña Carlota at Kuya Montero na pare-parehas na tinanguan ako at tinutulak ako na makipag-ayos.

Napahinga ako nang malalim saka tumayo sa kinauupuan ko. Sinimulan ko nang lumakad patungo sa ikalawang palapag ng mansyon para magtungo sa kwarto. Pagdating ko sa silid ay agad ko nang kinuha ang coat na tinahi namin ni Ate Mercedes noong nakaraang araw para ibigay kay Don Marcelo.

Sandali akong napasulyap sa labas at kasalukuyang umaambon nang mahina. Nagsimula na akong maglakad palabas sa silid para makapunta na sa opisina ni Don Marcelo.

Nakasara ang pintuan ng opisina ni Don Marcelo kaya napahinto ako sa tapat niyon. Napahinga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko na ngayon ay nakakaramdam ng kaba. Ito ata ang kauna-unahang beses na hihingi ako ng patawad with matching peace offering pa. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari, dapat ay hindi na ako nagbida-bida noong nakaraan.

Itinapat ko ang tainga ko sa pintuan upang mapakinggan ang loob. Parang may kung-anong kirot ang naramdaman ko nang marinig ko ang mahinang paghikbi ni Don Marcelo. Ganito pala ang pakiramdam sa tuwing maririnig mo ang pag-iyak ng magulang mo.

Hindi man siya ang biological father ko pero nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ako lalo na't isa ako sa mga dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Sino ba namang magulang ang hindi masasaktan sa oras na pagtaasan ka ng boses ng iyong anak? Sa oras na marinig mo mula sa labi ng iyong anak na handa ka niyang talikuran para sa hangarin niya.

"Sino iyan?" napaatras ako nang magsalita si Don Marcelo. Napapunas rin ako sa pisngi ko na natuluan ng luha. Napahinga ako nang malalim at tumikhim bago ako magsalita.

"A-ama, m-may dala po ako sa iyo," tugon ko at naakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko mapigilan na mautal.

"Iwan mo na lang iyan d'yan. Maaari ka nang umalis," saad niya pero sa tono ng kaniyang pananalita ay walang bahid ng pagtataboy o galit man lang sa akin.

"G-gusto ko po sana kayong makausap," wika ko sa kaniya pero hindi siya sumagot hanggang sa ilang sandali kaming binalot ng katahimikan. Nabasag iyon ng pagyapak ni Don Marcelo palapit sa pinto at ng pag-ingit ng bisagra ng pintuan nang dahan-dahan niya iyong buksan.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay agad akong tumakbo patungo sa kaniya at mabilis ko siyang sinunggaban ng yakap at hindi ko na maikubli pa ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Yumakap din siya pabalik sa akin at narinig ko ang mahinang paghikbi niya. Ilang sandali rin kaming ganito at ako na ang naunang nagsalita. "P-patawad po, a-ama," wika ko at humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang marahang paghimas niya sa likuran ko para patahanin ako at humiging pa siya. "Naiintindihan ko, batid kong kahit ikaw rin ay namomroblema sa ating mga kinahaharap na suliranin kaya ganoon na lamang ang iyong mga nagiging tungo sa akin. Kung tutuusin ay dapat ako ang humihingi ng tawad sa iyo, sa inyo dahil malaki ang pagkukulang ko sa inyo," saad niya saka kami kumalas sa pagyakap.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Donde viven las historias. Descúbrelo ahora