Ang Babala ni Maestra

5.4K 331 200
                                    

BAHAGYANG madilim na ang kalangitan nang huminto ang kalesang sinasakyan namin sa bahay-panuluyan dito sa Laguna. Dito kami magpapalipas ng gabi dahil isang bayan pa ang lalakbayin namin bago makarating sa Maynila.

Napakaway ako sa may entrance ng bahay-panuluyan nang mamataan kong nakatayo roon sina Clemente, Dulce, at Amor na kumakaway rin sa akin at nakangiti habang nasa tabi naman nila si Maestra Alena na seryoso lang na nakatingin sa akin. Naunang bumaba si Maximilliano at inilahad niya ang palad niya sa akin at humawak ako roon at bumaba. Dahil nasa harap ako ng mga kaibigan ni Marikit, dapat akong magpanggap.

"Buenos noches, heneral Abueva y Señorita Marikit," Mahinahon na bati ni Maestra Alena at bumati rin kami sa kaniya. "Salamat sa iyong paghatid sa aming binibini, heneral," saad ni Maestra Alena at agad kaming sinenyasan na sumunod sa kaniya.

Agad kaming sumunod na apat at sandali akong napasulyap kay Maximilliano na nakahinto sa tapat ng kalesa at marahang kumakaway sa akin kaya pasimple akong ngumiti sa kaniya bago ko ibalik ang tingin ko sa daan.

"Kumusta naman ang byahe kasama ang ginoo ng iyong buhay?" bulong ni Amor at maski siya ay nakakaramdam na bad mood ngayon si Maestrang attitude. Napahinga muna ako nang maluwang at ngumiti nang tipid.

"Ayos lang," tugon ko sa kaniya at sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay-panuluyan. Agad kaming pumanhik sa ikalawang palapag at nagtungo sa isang pasilyo. Akmang papasok na sana ako sa silid na pinasukan ni Dulce at Clemente pero napatigil ako nang harangin ako ni Amor.

"Nakabukod ka ng silid dahil ikaw ay nakatakda nang ikasal," ngisi niya sabay turo sa isang silid kung saan nakatayo sa tapat niyon si Maestra Alena. Kaya napahinga na lang ako nang malalim at tumango bago ako maglakad palapit kay Maestra Alena.

Seryosong nakatingin sa akin si Maestra Alena dahilan para makaramdam ako ng takot dahil baka may nasuway akong gawain. "Magandang gabi po... hehe," wika ko at akmang papasok sa silid pero kinapitan niya ang pulso ko kaya napatingin ako sa kaniya. "B-Bakit po?" tanong ko sa kaniya habang nakakapit pa rin siya sa kaliwang pulso ko habang ang isa kong kamay ay nakahawak na sa pintuan.

"Mukhang naliligaw ka na ng landas, Loi," seryosong saad niya sa akin at napakunot-noo ako.

"Hindi po ah! Kahit walang google map rito, hindi ako maliligaw hehe," biro ko pero mukhang hindi siya natutuwa dahil hindi siya natitinag sa pagiging seryoso.

"Nakakalimutan mo ata ang iyong misyon sa panahon na ito... Eloisa," wika niya at nanindig ang mga balahibo ko sa katawan nang banggitin niya ang buong pangalan ko at pakiramdam ko ay umihip ang malamig na hangin.

"G-ginagawa ko naman ho ang misyon ko, medyo natututo na nga ako sa kilos ng isang babae at medyo naiiwasan ko na rin magmura. Gumagalang na ako sa nakatatanda," Katuwiran ko at hindi ko maiwasang mautal dahil sadyang kinikilabutan ako sa pananalita ni Maestra Alena.

"Hindi ko man nakikita ang iyong kilos at mga ginagawa ngunit nararamdaman ko ang iyong damdamin," wika niya, "Iwasan mong mahulog ang iyong loob kay Heneral Maximilliano," patuloy pa niya at binitawan na niya ang pulso ko, "Iwasan mong mapalagay ang iyong sarili sa taong iyon dahil sa huli... ikaw rin ang masasaktan. Huwag mong ulitin ang pagkakamali ni Marikit dahil nandito ka upang baguhin iyon. Hindi mo pa kilala nang lubusan si Heneral Maximilliano kaya kung ayaw mong magsisi sa huli... pigilin mo ang damdamin mo, pagilin mo ang pag-ulit sa nakaraan. Baguhin mo!" Halos pabulong niyang sigaw sa akin kaya napahawak ako sa dibdib ko na kasalukuyang naninikip.

"H-gindi ko po kayo maintindihan," tugon ko at hindi ko maiwasan na manginig. Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa akin at bumulong.

"Huwag kang magpapabitag sa patibong ng tusong pag-ibig... kung ako sa iyo, pigilan mo ang damdamin mo kung ayaw mong magdalamhati," saad niya at nanatili lang ako sa pwesto ko, tulala. "Magkaiba kayo ng panahon na pinanggalingan, hindi kayo magkakatuluyan," wika pa niya at agad na lumakad paalis, samantalang ako naman ay pumasok sa loob ng kwarto at agad na isinara ang pintuan.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon