Bagong Pag-asa

2.4K 164 98
                                    

NAPASILIP ako sa nakaawang na pintuan ng kwarto ng Ate Mercedes. Naabutan ko siya roon na nakahiga sa kama niya habang nagbabasa ng aklat. Napatikhim ako para mapansin niya at hindi naman ako nabigo nang mapalingon siya sa akin.

"Bakit?" takang tanong niya. In-expect ko na magtataka talaga siya dahil kailanman ay hindi ako sumilip sa kwarto niya.

"Nasaan si ama?" tanong ko at bumangon na siya mula sa pagkakahiga tsaka umupo sa kama. Sinenyasan naman niya akong lumakad papasok kaya sumunod ako. May silya sa tabi ng balkonahe at doon ako naupo at humarap sa kaniya.

Malamig ang panahon at malamlam lamang ang init ng araw. Alas-otso pa lang ngayon at katatapos ko pa lang kumain. Hindi na gaya ng dati ang mansyon. Hindi na kami sabay-sabay na nakakakain. Hindi ko nga alam kung kumakain ba sila sa tamang oras.

"Nasa Santa Rosa si ama. May trabaho siya roon," tugon ni ate at tumango-tango ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti nang pasukan ng isang ideya ang isip ko. Nang makita ni Ate Mercedes ang ngiti ko ay napakunot-noo siya nang dahil sa pagtataka.

Lumakad na ako palapit sa kaniya at umupo sa tabi ng kama niya. "Tutal wala naman tayong ginagawa rito. Maaari tayong gumawa ng paraan para kumita ng pera," saad ko sa kaniya at hindi pa rin mawala-wala ang pagtataka sa hitsura niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong niya at napahinga ako nang malalim tsaka ngumiti bago tumugon.

"Magbebenta tayo," tugon ko at nanlaki ang mata niya sa gulat.

"H-huwag mong sabihin na kumagat ka sa alok ni Doña Primitiva na maging babaeng bayaran. Hindi maiibigan ni ama at ina na tayong magsilbi sa mga uhaw sa katawan," sabi ni ate dahilan para bumulaslas ang tawa ko dahil kung anu-ano na lamang ang naiisip niya.

"Ano ka ba? Hindi laman ang ibebenta natin!" reklamo ko at natawa. Ilang sandali lang akong natawa at nang mahimasmasan ako ay narinig ko ang malalim niyang paghinga.

"Anong ibebenta natin?" tanong niya. Tumayo ako tsaka lumakad palapit sa tukador niya at kinuha ko roon ang isang malinis na garapon na babasagin. Hindi ko alam kung ito ba ang makakapag-ahon sa pamilya Lacsamana pero walang masama kung susubukan namin, hindi ba?

Lumingon ako sa kaniya habang hawak ko ang garapon tsaka ngumiti bago tumugon, "Mango Jam."


"MARIKIT, sigurado ka ba riyan? Baka mahulog ka!" sigaw ni Ate Mercedes mula sa ibaba ng mangga. Nasa taas ako ngayon ng puno para manguha ng mga hinog na mangga.

Pagtapos na pagtapos naming mag-usap kanina ay agad kaming nagtungo rito sa manggahan ng Hacienda Lacsamana. Sa katunayan ay hindi na ito sa kanila dahil naisanla na ito para gamitin sa pagpapagamot kay Doña Carlota pero huli na ang lahat.

Alam kong tresspassing ang ginagawa namin dahil tumuntong kami sa teritoryo ng iba. Gayunpaman, alam naman namin na hindi ito binibisita ng pinagsanlaan nito. Hindi inaani ang mga mangga hanggang sa magkandabulukan na lang.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko kay Ate Mercedes sabay flex ng biceps ko. Nakasukbit sa likuran ko ang kaing na paglalagyan ko ng napitas kong mangga. Oo nga't mataas rin itong puno pero hindi ko iyon alintana dahil dapat ay makaahon kami sa kahirapan.

Ilang linggo na kaming tengga at parang mga sawa na sa mga buhay namin, pero hindi kami dapat ganoon lang. Hindi ako makukuntento sa kinakain namin. Oo nga't alam kong pagsapit ng kasal ni Maximilliano at Marikit ay magiging maalwan na rin ang buhay nila, alam kong ganoon rin ang mangyayari sa oras na ikasal si Ate Mercedes kay Melchor.

Hindi naman ako makakapayag na iaasa lang ang lahat sa kasal, iaasa lang ang lahat sa mapapangasawa nila. At pinangako ko na hangga't nandirito ako sa panahon na ito ay gagaawa at gagawa ako ng paraan para makaahon kami, gagawa at gagawa ako ng paraan para makaalis kami sa kahirapan.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now