Clemente at Diego

2.6K 155 134
                                    

ILANG linggo na ang nakalipas matapos maipatapon ang pamilya Trinidad sa malayong isla ay hindi na nasundan ang mga suliranin ng pamilya Lacsamana. Sa katunayan ay nabawi na ang iilang mga ari-arian na nakuha sa pamilya. Bumabalik na rin ang sigla ng mansyon at nakauwi na rin si kuya Montero at may iilan na ring mga trabahador at kasambahay dito sa mansyon.

Matapos ng paglilitis na iyon ay nakabalik na sa pwesto si Maximilliano. Hindi naman namin alam kung paano nangyari iyon nang gano'n-gano'n lang. Hindi rin namin alam kung nasaan na si Heneral Montemayor pero ayon sa mga usap-usapan ay bumalik na ito sa España.

Ilang linggo na ang nagdaan pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Don Tadeo. Hindi ko naman alam kung totoo nga ang sinasabi niyang hindi siya ang mastermind ng lahat, o kung pinapaikot lamang niya ako.

Minsan tuloy ay naiisip ko na baka may nalalaman rin dito si Maximilliano dahil laking pagtataka ko kung bakit ganoon naging mabilis ang pagbalik niya sa pwesto. Pero kahit ganoon ay hindi ko pinapakinggan ang kutob ko sa kaniya at hindi ko na masyadong inaalala ang mga sinabi ni Don Tadeo dahil tiyak na ginugulo lang niya ang pag-iisip ko.

Nitong mga nagdaang linggo rin ay hindi na rin kami madalas makapag-usap ni Maximilliano dahil abala raw siya sa trabaho niya at minsan ay tuwing hapon lang siya nakakapunta rito sa amin at makakatulog pa sa pagod at puyat. Minsan nga ay tinatanong ko siya kung bakit ganoon na lang ang pagod niya pero dinadaan niya ako sa cuddle hanggang sa makatulog siya.

Napatanaw ako sa labas at napahinga nang malalim. Hindi naman maulan pero makulimlim ang kalangitan. Katapusan na ng february ngayon at iilang buwan na lamang ay gaganapin na ang kasal ni Marikit at Maximilliano. Napahinga na lang uli ako nang malalim para iwaglit sa isipan ko iyon.

"Aking Loi..." Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ko ang pagkatok doon ni Maximilliano. napatikhim muna ako tsaka lumakad palapit doon at pinagbuksan ko siya. Bumungad siya sa akin na nakasuot ng coat at hindi ng unipormeng pang-heneral. May yakap-yakap rin siya na bouquet. Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakita nang maaga dahil bago pa sumikat ang araw ay nasa himpilan na siya at hapon na siya nakakauwi at di naman kami nakakapag-usap.

"Hindi ka ba masaya na nandito ako?" tanong niya at hindi lang ako umimik. Akmang yayakap pa sana siya sa akin pero hindi ko siya pinansin at naglakad lamang ako sa higaan at humiga. "Bueno, mukhang hindi mo naman ako ibig na makausap," saad niya at ipinatong niya ang bouquet na dala niya sa tukador.

Akmang lalakad na sana siya palabas pero tumunghay ako. "M-Max..." pagtawag ko at napahawak ako sa mukha ko nang magsimula akong maiyak. Ilang linggo na kaming hindi nakakapag-usap nang maayos at ngayon pa ito nangyari kung kailan malapit na akong makabalik sa panahon ko kaya ganito na lamang ang tampo na nararamdaman ko.

"P-patawad," tanging naitugon niya at napasilip ako sa awang ng daliri ko at nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng pintuan habang nakayuko at nangingilid ang luha sa mga mata. "P-patawad kung masyado kong isinusubsob ang aking sarili sa trabaho at hindi na kita nabibigyan pa ng oras," dagdag pa niya at lumingon sa akin tsaka lumakad palapit. Naupo siya sa tabi ko. "Ang akala ko ay nauunawaan mo ako,"

"N-nauunawaan naman kita," wika ko at muli akong napaiyak. "N-nakakainis ka lang dahil minsan na lang tayong mag-usap pero tinutulugan mo pa ako," iyak ko pa at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at iniunan niya ako nang dahan-dahan sa hita niya.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na mas gusto mo pala akong makausap kaysa panoorin nang tulog," Ngisi niya kaya napatigil ako sa pag-iyak at kunot-noo ko siyang tiningnan. "Narinig ko ang iyong sinabi sa akin noong magkasama tayong matulog sa aking silid," patuloy pa niya dahilan para manlaki ang mga mata ko dahil narinig niya ang sinabi ko dati na galing ako sa ibang panahon!

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon