Ang Kasal

4.1K 222 147
                                    

NAPABALIKWAS na lamang ako mula sa pagkakahiga nang mapaginipan ko na naman ang nakaraang buhay ko. Matapos kong makausap si Maestra Alena ay patuloy akong binabagabag ng mga panaginip na iyon. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat; kung bakit pamilyar sa akin ang tingin ni Maximilliano, kung bakit kinikilabutan ako sa sarili kong pangalan, kung bakit sa unang pagkakakita ko pa lamang sa kaniya ay pakiramdam ko ay minsan ko na siyang minahal.

Napatingin ako sa kwintas na contigo na ngayon ay nakasuot sa akin at dahan-dahan ko iyong hinubad. Siguro ay dapat ko na itong iwan dito dahil sa Biyernes na ang kasal nila Marikit at Maximilliano. Kailangan ko nang ipaubaya ang kwintas na ito kay Marikit dahil makukuha na niya ang puso ni Maximilliano.

Alam ko na kung bakit sa dinami-rami ng mga tao sa mundo ay ako pa ang napili sa misyon na ito...at dahil rin iyon sa pagiging makasarili ko sa unang buhay ko, sa kagustuhan ko na maiparanas kay Marikit ang pait at pagkasawi.

Isang linggo na rin ang lumipas nang matapos ang pagbitay kay Maestra Alena at ngayon ay naiintindihan ko na rin kung bakit ayaw niyang humingi ng tulong sa amin upang maisalba ang buhay niya, dahil alang-alang sa kasiyahan ni Marikit na nagsilbing parang anak niya, tatanggapin niya na buhay niya ang kapalit niyon at dahil rin iyon sa kasalanan ko sa nakaraang buhay ko.

"Marikit, yari na ang iyong traje de boda," Napalingon ako sa may pintuan nang marinig si Ate Mercedes.

"Sige po. Mag-aayos lang ako," tugon ko at napapunas ako sa pisngi ko dahil hindi ko na namalayan na naluha na pala ako.

Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Pinagbuksan ko na si Ate Mercedes at bumungad siya sa akin habang dala-dala ang wedding gown. "Maigi kung ngayon mo ito susukatin dahil malas kung sa araw bago ang kasal," Ngiti niya at pumasok na rin siya sa loob.

Medyo natagalan pa akong suotin ang wedding gown na ito dahil ilang layers ang tela at medyo fit rin para mas maayos tingnan. Napangiti na lamang ako sa sarili ko habang pinagmamasdan ang suot ko sa harap ng salamin.

Ganito rin ang pakiramdam ni Marikit habang pinagmamasdan niya ang kaniyang sarili habang suot ito. Ganito rin ang saya na nabubuo sa puso niya habang suot-suot ito. At ngayon ay nasa katawan niya ako, mararanasan ko rin na hindi ko makakamit ang kasal na pinapangarap ko, dahil kailangan kong itama ang pagkakamali ko at ibigay kay Marikit ang nararapat na sa kaniya at iwan ang inagaw ko.

"Tawagin ko lang si Heneral ha," Excited na saad ni Ate Mercedes dahilan para matauhan ako.

"N-Narito po si Maximilliano?" tanong ko sa kaniya at tumango-tango siya.

"Mukhang nakalimutan mo na siya ang nagpatahi niyan para sa iyo," tugon niya at napatango na lamang ako. Nang makalabas na siya sa silid ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa salamin para muling pagmasdan ang sarili ko.

Kung dati-rati ay malaking tanong sa akin kung bakit kailangang pagtagpuin ang dalawang tao mula sa magkaibang panahon pero ngayon ay nabigyan na ng linaw iyon sa akin. Kung tinanggap ko na lang sana dati ang kapalaran ko na magkakaroon ako ng kahati kay Maximilliano, kung tinanggap ko na lang sana ang mga sinapit ko, kung hindi na sana ako naghangad na gantihan at pagdusahin si Marikit, e'di sana payapa ang lahat, walang buhay ang mawawala, walang puso ang mamamatay. Pero katulad nga ng misyon ko ay kailangan ko itong ayusin, kailangan kong ayusin ang kasalanan ko sa nakaraan.

Napapikit na lang ako nang pumasok ang sariwang hangin. Buo na ang desisyon ko na handa ko nang bitawan si Maximilliano. Natauhan ako nang may yumakap sa baywang ko mula sa likuran kaya napamulat ako. Nakita ko ang reflection namin ni Maximilliano mula sa salamin.

"Ang ganda mong pagmasdan sa kasuotan na iyan," wika ni Maximilliano at dahan-dahan niyang dinampian ng halik ang batok ko pababa sa balikat ko. Napapikit na lamang ako habang dinadama ang kaniyang labi dahil ngayon ay nais ko munang maramdaman ang init niya habang nandirito pa ako.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now