Traje de Boda

2.8K 150 75
                                    

MADALING-ARAW nang marating namin ang daungan. Pagkagaling na pagkagaling namin sa misa de gallo kanina ay nagtungo na kami rito upang ihatid si Kuya Montero. Ngayon na kasi ang alis niya patungo sa España at sa march na siya makakabalik dito para mabinyagan bilang ganap na pari.

Kakaunti pa lamang ang mga tao sa daungan. Magkakausap ngayon sina Doña Carlota, Don Marcelo, Ate Mercedes, at Kuya Montero at nagpapaalam. Nakabukod naman ako sa kanila dahil kahit hindi man nila ako tunay na kapamilya ay nalulungkot pa rin ako. Kinilala ko na si Kuya Montero bilang kapatid kaya maski sa akin ay masakit ang magpaalam sa kaniya. Minabuti ko na lamang na dumistansya sa kaniya ngayon.

Napalingon ako sa may laot at tanaw mula roon ang unti-unti nang sumisikat na araw.

Napangiti ako nang sandali at inalala ang proposal sa akin ni Maximilliano sa kaparehas na oras, dalawang araw na ang nakararaan...

"Ibig-sabihin ay ganap na kitang nobya?" tanong sa akin ni Maximilliano nang kumalas na ang mga labi namin. Napahawak pa rin siya sa baywang ko habang ang braso ko naman ay nakalingkis pa rin sa leeg niya at ang mga noo namin ay magkadikit pa rin.

Tuluyan nang sumikat ang araw pero wala pa rin kaming balak na bumaba rito sa burol ay nanatili pa rin kaming magkayakap. Parang ayaw ko pa ngang bumitaw sa kaniya hanggang sa magsawa na lamang ako.

"Oo naman, syempre. Ayaw mo ba?" pilosopong tanong ko kaya natawa siya nang mahina tsaka humalik nang saglit sa dulo ng ilong ko.

"Ibig-sabihin ay akin ka na at wala nang dahilan para mahawakan ka ng iba?" tanong niya at tumango akong muli. "Ibig-sabihin ay maaari ko nang basagan ng mukha ang sinuman na magtangka na agawin ka sa akin?" tanong pa niya kaya natawa ako. "Anong nakakatawa?" seryosong saad niya.

"Syempre huwag ka naman masyadong marahas," wika ko at dahan-dahan na kaming kumalas mula sa pagkakayakap pero magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

"Bakit naman? Marapat lamang na pagbuhatan ko ng kamay ang may nais na mang-agaw sa iyo mula sa akin. At uunahin ko na si Delfin," tugon niya dahilan para bumulaslas ang tawa ko dahil nagseselos siya palagi at sumasama ang timpla sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Delfin.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ako lalapit doon. Kung gusto mo ay ako pa ang sasapak doon," saad ko at natawa.rin siya.

"Ayaw kong mabahiran ng rungis ang iyong mga kamay," wika niya sabay halik sa kamay ko. "Labi at kamay ko lamang ang maaaring lumapat riyan. Entendido?" dagdag pa niya at tumango-tango ako.

"Si," (Yes) Tugon ko at sabay kaming humarap sa silangan upang salagin ang malamlam na sikat ng araw. Umakbay siya sa likuran ko at yumakap naman ako sa baywang niya.

"Pag-iipunan ko itong burol na ito nang sa gayon ay mabili ko ito. At pagtapos niyon ay magtatayo tayo ng ating tahanan sa tuktok nito upang palagi nating masilayan ang bukang-liwayway nang magkaakbay," sabi niya at tumingin sa akin. Napangiti naman ako nang mapait dahil ansakit isipin ng katotohanan na hindi niya ako makakasama sa pagtupad ng pangarap niyang iyon.

"Marikit, may sasabihin ka ba sa iyong kuya?" Natauhan ako nang marinig na magsalita si Don Marcelo kaya agad kong pinunasan ang luha kong tumulo sa pisngi ko. Lumingon ako sa kanila at pinilit kong ngumiti.

"Huwag kang masyadong malungkot, kapatid ko. Babalik rin ako," saad ni Kuya Montero kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya at sinunggaban ko siya ng yakap. Hindi ko na rin napigil pa ang luha ko na tumulo dahil mamimiss ko siya kahit papaano. "Huwag kang mag-alala, sa susunod ay papayagan na kitang masakyan si Maximilio," dagdag pa niya kaya natawa ako.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon