Aking Loi

7.5K 499 393
                                    

NAPALINGON akong muli ako kay Maximilliano na kasalukuyang nakangisi sa akin ngayon.

"Bueno, lumalalim na ang gabi at kailangan na nating simulan ang inihanda naming hapunan," anunsyo ni Don Marcelo kaya siya naman ang tiningnan ko. Nauna na siyang lumakad patungo sa may dining habang nakakapit pa rin sa kaniyang braso si Doña Carlota. Sumunod sa kanila si Don Paciano at ang asawa nito.

Akmang susunod na rin sana ako sa paglakad nila pero nahinto ako nang biglang ilahad ni Maximilliano ang kaniyang braso sa harapan ko na para bang gusto niya akong pakapitin do'n.

Napatingin ako kay Ate Mercedes na lumakad na papunta sa dining. Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Maximilliano na kasalukuyang nakangisi sa akin. Napansin ko na yung mata niya at parehas ng mata ng preskong lalaki kagabi na sinuntok ko at napansin kong magkaboses sila. Hindi kaya siya 'yon?

"Tayo'y humayo na, aking binibini," preskong saad niya sa akin sabay kindat. Wala akong pakialam sa nakakaakit niyang kulay tsokolateng mata, tusukin ko pa 'yan para makaganti sa kaniya dahil siya talaga ang puno't dulo kung bakit napunta ako sa panahon na ito.

Napataas pa ang dalawang kilay niya na para bang humihingi ng tugon mula sa akin pero siniko ko nang malakas ang tiyan niya sabay flip-hair. Narealize ko naman na nakapusod pala ang buhok ko kaya 'di ako makaflip-hair, kaya inirapan ko nalang siya tsaka lumakad papunta sa dining.

Nasa pinakagitnang dulo nakaupo si Don Marcelo at nasa kaliwa niya si Doña Carlota at kasunod niya si Kuya Montero at Ate Mercedes. Nasa kabilang dulo naman si Don Paciano at nasa kaliwa niya ang asawa niya na sinundan ng anak niyang panganay.

Narating ko na ang upuan na katabi ni Ate Mercedes at akmang uupo na ako doon pero napansin ko si Maximilliano na kasalukuyang iniinda ang sakit ng pagkakasiko ko sa tiyan niya. Nagkatinginan kami at ngumiti siya sa akin, agad naman akong bumulong sa hangin ng 'Buti nga sayo!' tsaka ko siya inirapan at umupo ako sa tabi ni Ate Mercedes. Umupo na rin si Maximilliano sa katabing upuan ng kaniyang kuya.

Sabay-sabay muna kaming nanalangin sa pangunguna ni Kuya Montero, naalala kong nag-aaral pala siya ng pagpapari kaya siya talaga ang naaatasan sa ganitong gawain. Naalala ko tuloy si Dulce babes. Kumakain na kaya siya ngayon?

"Sa dinami-rami ng mga naging nobya ng aming bunso, si Binibining Marikit pala ang tunay na bibihag sa kaniyang puso," pagbasag ng nanay ni Maximilliano sa katahimikan na namumuo sa paligid namin. Alam pala ng pamilya ni Maximilliano na playboy siya. Ewan ko na lang talaga kung makakapambabae pa 'yan kapag nasikmuraan ko.

"Hindi nga namin inasahan na maghahain kayo ng paanyaya para ipagkasundo ang ating mga anak, Doña Glamora," tugon ni Don Marcelo sabay tingin sa akin at ngumiti, ngumiti nalang ako pabalik. Nang tumingin ako kay Ate Mercedes ay saktong nakatingin din pala siya sa akin.

Sabay kaming napakibit-balikat dahil hindi namin akalain na pamilya pala ni Maximilliano ang nag-alok ng kasal.

"Kailan n'yo ba nais ganapin ang pag-iisang dibdib ng ating mga anak?" tanong ni Don Paciano nang matapos itong kumain.

"Maigi kung ang mga anak natin ang magdedesisyon para riyan," tugon ni Don Marcelo sabay tingin sa akin at tumango para kunin ang pasya ko. "Marikit?" saad pa niya kaya napatikhim ako.

"H'wag na," tugon ko sabay patuloy sa pagkain.

"ANO?!" Gulantang na tanong ni Don Marcelo dahilan para magitla ako sa gulat. Napatingin naman ako sa kanilang lahat na takang-taka sa sinabi ko maliban kay Maximilliano na nakangisi at halatang nagustuhan niya ang sinabi ko.

"A-ang ibig ko hong sabihin, huwag nang patagalin pa," Saad ko sabay ngiti, mukhang kumalma naman si Don Marcelo at tumango na lang.

"Ikaw, hijo. Kailan mo ba ibig?" tanong ni Doña Carlota kay Maximilliano, napatingin naman ako kay Maximilliano na umiinom ng tubig na nakalagay sa kopita at nang matapos siya ay tumikhim siya ng dalawang beses at nagsalita.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now