Tunggalian

3.1K 218 110
                                    

NASA salas ako ng mansyon habang nagbuburda sa alampay. Itong alampay na ito ang gagamitin ko sa kaarawan ni Marikit na gaganapin sa biyernes.

Napalingon ako sa labas ng mansyon ay malamlam lamang ang sikat ng araw kahit alas-nuebe na ng umaga. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa tinatahi ko. Kulay pula ang alampay na ito na siyang iteterno ko mamaya sa kulay cream na baro.

Flourishes lang ang design nito at ayaw ko naman na mga bula-bulaklak at dahon-dahon dahil masyado iyong pambabae.

"Señorita, heto na po ang iyong kape," napatunghay ako nang magsalita si Belen na isang kasambahay ng mansyon. Inilapag niya ang tasa ng kape sa may lamesita sa harapan ko at malugod akong nagpasalamat sa kaniya bago siya umalis at muli kong ibinaling ang paningin ko sa tinatahi ko.

Ilang minuto ang lumipas ay napagawi ang tingin ko sa labas ng mansyon nang makarinig ako ng kalesa na huminto roon. Tumayo na ako saka ko ipinatong sa lamesita ang binuburdahan ko.

Naglakad ako patungo sa pintuan upang silipin kung sina Doña Carlota na ba iyon dahil nasa Bulakan silang dalawa ni Don Marcelo ngayon. Napangiti na lamang ako nang iluwa ng kalesa na iyon sina Amor, Clemente, at Dulce.

"Halika na! Magtungo tayo sa pamilihan!" Aya ni Amor kaya napatango ako sa kaniya at dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko para magbihis.


MASIKIP ang kalye na binabaybay namin nila Clemente, Amor, at Dulce nang marating namin ang pamilihan. Pare-parehas kaming may pandong na payong de hapon dahil medyo mataas na ang sikat ng araw.

Pari't parito ang mga taong may mga bitbit na bayong at basket. May mga nakakasalubong rin kaming mga nagtitinda ng mga kakanin na nakalagay sa bilao gaya ng biko, palitaw, puto, at bibingka.

Lahat ay nakapandong ng payong, kung hindi naman, may patong silang tela sa ulo at yung iba ay may putong na salakot o sumbrerong buri. "Marikit! Dito tayo matungo sa tindahan ng kasuotan!" Excited na wika ni Amor at kinapitan niya ako sa pulso tsaka sumunod sa kaniya nang pahila niya akong dalhin sa isang malaking tindahan ng mga damit.

May kataasan ang tindahan na iyon at ang disenyo ay gaya sa mga pangkaraniwang colonial building dito... Mula sa labas ay tanaw ko na agad ang mga paninda sa loob no'n na puro baro't saya, barong tagalog at bestida. Pansin ko na puro damit pang-okasyon ang mga iyon.

"Ika'y mamili na riyan, Marikit. Kaming tatlo na lamang ang magbabayad," saad ni Clemente nang makapasok kami sa loob at marahan niyang tinapik ang balikat ko. Napangiti naman ako at tsaka umiling.

"May dala naman akong pambayad," pagtanggi ko.

"Ano ka ba? Ito na lamang ang magsisilbi naming handog sa iyong kaarawan," wika ni Dulce sabay tapik nang marahan. Hindi ko alam kung papayag ba ako dahil nahihiya talaga ako sa kanila.

"Bueno, kung nahihiya ka nang lubos. Kami na lamang ang pipili para sa iyo," ngiti sa akin ni Amor at nagkapit-kapit silang tatlo at lumakad sa hanay ng mga baro't saya.

"Ah... maiwan ko muna kayo. Bibili muna ako ng papel sa kabilang tindahan," paalam ko sa kanila at tumango naman sila sa akin.

Habang namimili sila ng maibibigay sa akin ay tuluyan na akong lumabas sa tindahan na iyon. Pagdating ko sa kalye ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid para tingnan kung nasaan ang may pinakamalapit na tindahan.

Pumasok na ako sa tindahan ng mga gamit pansulat ni Fabian. Mabuti naman at nakita ko siyang nasa counter at nagbabasa ng aklat. "Buenos dias!" bati niya sa akin at tinanguan ko siya tsaka ako lumakad patungo sa aisle na puro mga kwaderno ang naka-display.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now