Sa Isang Isla

2.5K 161 92
                                    

NAGISING ako nang maramdaman ko ang marahang pagpunas ng bimpo sa noo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at namataan ko si Maximilliano na naglilinis sa mukha ko.

Nanlalabo pa rin ang paningin ko at mabigat ang pakiramdam ko. Iniligid ko ang paningin ko at napansin kong nasa isang kwarto kami ng mansyon pero hindi ako pamilyar.

Isang kwarto pero tanging kama at isang aparador lang ang nasa loob. Basag rin ang iilang mga lampara. Kabi-kabila ang agiw sa mga sulok at andami ring mga alikabok.

Napalingon ako kay Maximilliano na ngayon ay walang pantaas. Napansin kong nakakumot sa akin ang mga damit niya

"N-Nasaan tayo?" tanong ko at nagkibit-balikat lamang siya.

"Hindi ko rin alam. Nagising na lamang ako na nandito na tayo," tugon niya at akmang babangon na sana ako pero pinigilan niya ako. "Magpahinga ka muna. Batid kong mabigat pa ang iyong pakiramdam," wika niya at napahiga na lang ako dahil mabigat nga ang pakiramdam ko na animo'y galing ako sa mahabang byahe.

"Dito ka lamang. Maghahanap lang ako ng makakain. Susubukan ko ring hanapin ang daan palabas sa lugar na ito," saad pa niya at huminga ako nang malalim at tumango. Gustuhin ko man na sumama sa kaniya pero hindi maayos ang pakiramdam ko at mukhang hindi naman niya ako papayagan.

"M-mag-iingat ka," wika ko at idinipa ko ang magkabilang braso ko para payakapin siya. Ngumiti naman siya tsaka ako niyakap. Humalik siya sa noo ko nang kumalas siya. Akmang lalabas na sana siya pero agad ko siyang tinawag muli. "Magdamit ka. Malamig sa labas," pahabol ko at iniabot ko sa kaniya ang coat at polo na nakakumot sa akin.

"Huwag na. Mas kailangan mong magkumot dahil malamig ang panahon at upang hindi na lumala pa ang iyong kalagayan," saad niya at tuluyan na siyang lumabas sa silid. Napahinga na lang ako nang malalim tsaka napakapit sa noo ko nang biglang pumintig ang batok ko.

Ang huli kong naaalala ay nasa byahe kami ni Maximilliano tapos nakarinig kami ng sunud-sunod na putok ng baril. Natamaan ng bala ang kutsero na sinasakyan namin tapos tumalon kaming dalawa sa bangin. Nang marating namin ang paanan ng dalisdis ay nawalan ng malay si Maximilliano habang ako naman ay pinalo nang malakas sa batok.

Pagtapos no'n ay nawalan na rin ako ng malay at ngayon ay nagising ako sa abandonadong mansyon. Sino naman ang may pakana nito? Hindi kaya ang pamilya Trinidad uli?

Bigla kong naalala ang baul na naglalaman ng liham! Iniligid ko ang paningin ko sa buong kwarto sa pag-asang masumpungan ko iyon pero nabigo ako. Sa pagkakatanda ko ay naiwan namin iyon sa loob ng kalesa.

Hindi kaya pinasundan kami ng pamilya Trinidad upang makuha ang dala-dala naming ebidensya? Tama! Tapos ngayon ay itinapon kami sa abandonadong bahay para hindi kami maka-eksena nang sa gayo'n ay magkaroon sila ng sapat na oras para baliktarin ang lahat!

Napatayo ako ngayon sa higaan at iniligid kong muli ang paningin ko. Sinuot ko rin ang coat dahil malamig ang panahon. Kahit kumakalam ang sikmura ko at mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring lumakad palabas ng silid.

Nagpalinga-linga ako at napansin kong maraming mga silid dito at kahit maganda ang disenyo ng loob ng mansyon ay hindi na naalagaan at may mga butas na sa mga pader at kisame.

Bumaba na ako sa hagdan na patungo sa salas ng mansyon. Napansin ko na ang mga furnitures ay puro may tabing na puting kurtina na naninilaw na. Ang sahig ay mamasa-masa na rin dulot ng anggi ng ulan mula sa labas. Ang mga mangilan-ngilang bintanang capiz ay may mga butas na rin at 'yung iba ay wasak na.

Napahawak ako sa gilid ng hagdan nang muling mangirot ang batok ko. Dahil sa sakit nito ay napapikit na lang ako nang mariin at napakagat sa ibabang labi ko. Ilang sandali ang tinagal ng pangigirot no'n at napatayo na ako nang maayos tsaka tuluyang bumaba sa hagdanan.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz