Ang Pagtatapos ng Taon

2.3K 158 60
                                    

NAGISING ako sa pagtilaok ng manok. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tumama sa akin ang maliwanag na sikat ng araw. Dahan-dahan akong napabangon sa higaan ko at bago pa man ako tumayo at napalingon ako sa unan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuyo ang mga luha ko ron na ibinuhos ko kagabi.

Napatingin ako sa orasan at alas-sais na ng umaga. Ilang araw na magmula nang makaalis si Maximilliano at hindi pa siya nakakapagpadala ng liham. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Gabi-gabi akong umiiyak na parang walang katapusan.

Napatingala ako at humawak sa dibdib ko na ngayon ay naninikip na nang husto. Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sakit. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang ipaglalaban ko. Hindi ko alam kung lalaban pa ako. Umalis na siya at sa pagbalik niya ay ang pagbalik ko rin sa panahon ko.

Napakahirap tanggapin ng sitwasyon namin at parang hindi umaayon sa damdamin namin ang tadhana. Minsan nga ay naiisip ko na parang pinadala ako sa panahon na ito para makilala si Maximilliano tapos masaktan. Minsan rin ay naaalala ko ang sinabi ni Maestra Alena. Tama nga siya. Kahit isipin ko man ang masasayang tagpo namin ni Maximilliano at sandaling isantabi ang sakit ng kahihinatnan nito... pero ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang sakit na dulot ng pagsunod ko sa puso ko.

Pero kahit ganoon ay wala naman akong pinagsisisihan, kahit papaano ay naisip ko na mangyayari ito, na magkakalayo kami. Nagkataon lamang na napaaga ang mga pangyayari at hindi ko inasahan iyon.

Pagtapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Naabutan ko sa salas si Ate Mercedes na nagtatahip ng bigas na naninilaw at may iilang mais pa. Tuluyan nang bumagsak ang pamilya Lacsamana ay gabi-gabi ko naririnig ang paghihinagpis ni Don Marcelo na unti-unti nang nawawalan ng pag-asa.

Iniligid ko ang paningin ko sa palibot ng mansion. Tanging pader, kisame, at bintana na lang ang mayroon rito. Wala nang furnitures, wala nang kabuhay-buhay. Naiintindihan ko naman ang desisyon ni Don Marcelo na huwag nang ibenta ang mansion na ito dahil ito na lamang ang natitirang mayroon ang kanilang pamilya. Ito na lamang ang natitirang bagay na magpapaalala sa kanila na minsan silang nakaranas ng yaman.

Naglakad ako palapit kay Ate Mercedes at tumabi sa kaniya. "Maligayang pasko, kapatid ko," bati niya. Sandali siyang huminto sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Nagyakapan kami at hindi ko na mapigilan ang luha ko sa pagtulo. Hindi ko alam kung matatawag pa ba itong maligaya dahil kabi-kabila ang mga problema namin at parang walang balak ang tadhana na bigyan man lang kami ng isang araw na sumaya.

"Huwag kang tumangis diyan. Paskong-pasko pa man din ngayon," wika ni Ate Mercedes at kumalas na ako sa kaniya at ngumiti. Nakangiti rin siya sa akin ngayon pero alam ko na sa likod ng ngiting iyon ay nagdadalamhati rin siya sa sitwasyon namin.

"Mabuti at kinakaya mo pa," saad ko at napahagulgol ako ng iyak kaya marahan niyang hinimas ang likuran ko para patahanin ako.

"Sa totoo lamang ay parang hindi ko na rin ito kaya. Ngunit kung pare-parehas tayong magpapadala sa lugmok...walang mangyayari. Kung pare-parehas tayong hindi lalaban, pare-parehas rin tayong babagsak," tugon niya at napatango-tango na lang ako.

Sabay kaming napalingon ni Ate Mercedes sa may pintuan nang makarinig kami ng pagyapak roon. Napatayo agad si Ate Mercedes nang bumungad si Melchor ay may dala-dalang dalawang bouquet ng rosas.

"¡Feliz Navidad!" (Merry Christmas!) bati ni Melchor tsaka lumapit sa amin. Inabot niya ang bouquet kay Ate Mercedes at humalik pa sa kamay nito at ang isang bouquet naman ay inabot niya sa akin. "Ipinapabigay ng aking kapatid," Ngiti niya sa akin at tumango na lamang ako nang marahan tsaka nagpasalamat.

"P-pasensya na, kamote lamang at saging ang mayroon kami," Nahihiyang saad ni Ate Mercedes sa nobyo niya. Ngumiti naman si Melchor sa kaniya tsaka niyakap ang baywang niya. Napangiti na lamang ako habang tinitingnan sila dahil naalala ko ang palagi naming tagpo ni Maximilliano.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now