Wakas

6.8K 356 290
                                    

Don Felipe, Filipinas. 1881


NAKANGITI si Don Maximilliano habang dahan-dahan niyang iniha-hakbang ang kaniyang mga paa paakyat sa mababang burol ng Maya. Sa tuktok ng burol na iyon matatagpuan ang isang kubo. Nakaalalay sa kaniyang braso ang apo na si Señor Salazar.

Nasa edad isang daang taon na ang Don ngunit malakas pa rin at kitang-kita ang tikas ng pangangatawan. Bagaman kulubot na ang balat, hindi niyon maitatago ang kaniyang angking gandang-lalaki.

Nang marating na nila ang tuktok ng burol ay mas lumapad pa ang ngiti ni Don Maximilliano nang makita ang kaniyang bagong linis na kubo, apat ang sulok nito ngunit sadyang nakahahalina ang disenyo; dingding na yari sa kawayan, pawid na bubong, ang silong na may iilang metro ang taas mula sa lupa.

"Abuelo, handa na ba kayong makita iyan?" tanong ni Salazar at dalawang tango ang itinugon sa kaniya ng matanda. Hindi na nito magawa pang makapagsalita sa labis na sayang nararamdaman.

Nagpatuloy na silang dalawa sa paglakad palapit sa kubong iyon. Ang bawat hakbang na binibitawan ni Don Maximilliano papalapit doon ay nagdudulot sa kaniya ng halo-halong emosyon.

Mula sa baba ay inakyat nila ang maliit na balkonahe ng kubo. Nang dumako ang kaniyang paningin sa may pintuan ay isang luha ang pumatak mula sa kaniyang mga mata nang humagip sa kaniyang paningin ang maliit na karatulang inukit sa kahoy.

'Max y Loi'

Nang mabasa niya ang pangalang iyon ay tuluyan nang bumagsak ang kaniyang mga luha dahil sa pagbalik ng kaniyang mga ala-ala. Samantalang si Salazar naman na nasa kaniyang likuran ay hinimas nang marahan ang balikat ng kaniyang lolo upang pakalmahin ito.

"Halika na sa loob, abuelo," Aya ni Salazar sa matanda at isang tango lamang ang itinugon nito sa kaniya. Sinimulan na nilang baybayin ang daan papasok ng kubo.

Habang inililigid ni Don Maximilliano ang kaniyang tingin sa kabuuan ng bahay ay nagtanong ang kaniyang apo. "Abuelo, hindi ko pa rin maunawaan kung sino ang 'Loi' na pinaukit mo sa akin."

Sandaling napangiti ang matanda sa itinanong nito tsaka lumakad papalapit sa isang silya upang maupo. Nilapitan naman siya ni Salazar at binuksan nito ang bintana upang pasukin ng liwanag ang loob ng bahay.

"Napakahabang kuwento at mala-nobela ang pasikot-sikot ng aming istorya," panimula nito sabay turo sa isang tukador. "Kunin mo ang kwaderno roon at naroon mo mababasa ang aming kwento," ggiti niya at isang tango ang itinugon ni Salazar tsaka sinunod ang kaniyang ibinilin.


NAKAUPO lamang si Don Maximilliano sa isang silyon sa balkonahe habang pinag-mamasdan ang kalangitang pinupuno ng mga bituin. Nasa ikalawang palapag siya ng mansyon ng mga Buenavida dahil dumalo siya sa pagluklok kay Don Isagani Buenavida bilang bagong gobernadorcillo ng bayan.

Kabi-kabila ang tugtugin sa ibabang palapag at panay tawanan ng mga panauhin ang maririnig. Habang siya ay mas pinili na lang na dumito at pagmasdan ang mga bituin tulad ng pangarap niyang magawa kasama ang kaniyang nag-iisang pag-ibig.

Napalingon siya sa isang gawi nang marinig ang yapak ng tumatakbong bata papalapit sa kaniya, napangiti siya nang mamataan ang sampung taong batang si Mauricio na anak ng kaniyang apong si Salazar. May dala itong pluma, tinta, at papel na ipinag-utos niya rito.

"Heto na po, lolo," Ngiti ng batang si Mauricio at pumuwesto siya sa isang silya na katabi ng lamesita. Ipinatong niya roon ang mga gamit.

"Maaari mo ba akong ipagsulat, apo?" tanong niya at dalawang tango ang itinugon ng bata. "Bueno, aking ididikta ang dapat mong isulat," wika niya.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now