Mga Traydor at Balakid

2.7K 165 140
                                    

PATULOY ang marahang pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan. Nakasuot ako ng damit panluksa at magkasama kami ni Ate Mercedes na nakatayo sa gilid ng hukay habang pinapakinggan ang dasal ng pari para sa yumao.

Nakapikit lang ako para pigilan ang pagbuhos ng pagluha ko. Hawak-hawak ko ang bulaklak ng sampaguita sa kaliwang kamay ko at ang kanang kamay ko naman ang siyang nakahawak sa payong de hapon na ginagamit namin ni Ate Mercedes upang salagin ang bawat pagpatak ng ulan.

Nasa kabilang bahagi ng sementeryo nakatayo sila Doña Glamora, Don Paciano, at Melchor na ngayon ay nagdadalamhati rin. Gustuhin mang makadalo ni Don Marcelo at Doña Carlota ay hindi nila nagawa dahil kinailangan nilang magtungo sa Bulakan para sa negosyo.

Kakaunti lamang ang mga taong dumalo sa libing dahil bukod sa hindi maayos ang panahon, naakusahan rin siya ng rebelyon kaya natatakot ang iba na dumalo sa libing niya. Para hindi na rin madawit sa ganoong kaso.

Nang matapos na ang pari sa pagdarasal ay sabay-sabay na kaming nag-sign of the cross. Binasbasan ng pari ang kabaong gamit ang holy water habang dahan-dahan iyong ibinababa sa lupa.

Nang maibaba na iyon sa hukay ay mas umingay ang paligid dulot ng tunog ng paghikbi ng mga nandirito ngayon. Kahit ako rin ay hindi ko na mapigil ang sarili ko sa pag-iyak kaya nang marinig ako ni Ate Mercedes ay hinimas niya ang likuran ko upang pakalmahin ako.

Sinimulan nang tabunan ng lupa ang hukay at bago pa tuluyang mailibing iyon ay inihagis ko na ang hawak kong sampaguita. "Magiging maayos rin ang lahat," Napalingon ako kay Ate Mercedes nang magsalita siya kaya napangiti ako kahit papaano.

Nang mailibing na iyon ay agad nang umalis ang mga dumalo. Napalingon ako sa kanila Doña Carlota na ngayon ay nakatingin sa amin. "Sa Hacienda na kayo maghapunan, mga hija," wika niya at ngumiti nang tipid bago sila lumakad palabas ng sementeryo.

Napatingin ako sa puntod sa huling pagkakataon. Makakamit din natin ang hustisya, Mang Karding.

Kahapon lang namin natanggap ang balita na may pumatay kay Mang Karding. Ayon sa nakasaksi ay nakita na lamang raw siyang nakabulagta sa daan at may tama ng baril sa dibdib. Minarkahan rin ng krus ang batok niya, tanda na isang rebelde ang pumatay sa kaniya.

Nalungkot ako nang sobra nang mamatay si Mang Karding dahil siya na lamang ang aming mapanghahawakang alas para malaman ang katotohanan pero ngayon ay wala na siya.

Hindi pa rin malaman kung sino ang salarin. Mas umugong tuloy ang balita at pag-aakusa na si Don Marcelo daw ang may pakana niyon at sabi nila ay ginawa niya iyon upang mawalan ng testigo laban sa kaniya. Wala pa namang sapat na ebidensya na kasapi siya kaya hindi basta-bastang isinasailalim si Don Marcelo sa paglilitis at hindi rin sinasampahan ng kaso.

"Magtutungo ka ba sa Hacienda Abueva?" tanong ni Ate Mercedes sa akin dahilan para matauhan ako. Agad kong pinunasan ang luha ko bago lumingon sa kaniya tsaka tumango.

"Opo, mamayang gabi na lamang ako magpapasundo," tugon ko at tumango siya sa akin. Kaming dalawa na lamang ang natira rito sa sementeryo.

Hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan sa akin ang mga pangyayari.


ALAS-SINGKO na nang huminto ang sinasakyan kong kalesa sa tapat ng Hacienda Lacsamana. Agad akong pinapasok ng mga gwardiya nila at nagtungo na ako sa loob ng mansion. Pagpasok ko ay magiliw akong binati ng kanilang mga kasambahay na ngayon ay naglilinis.

"Señorita, maaari na po kayong pumasok sa silid ni Señor Maximilliano," saad sa akin ng isang kasambahay at inanyayahan ako na pumanhik sa ikalawang palapag.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now