General Blandinong Macho Gwapitong Playboy na Runaway Groom

6.8K 472 318
                                    

NABITAWAN ko sa gulat ang sabre na hawak ko dahilan para lumikha ng ingay ang pagkalansing nito na siyang umalingawngaw sa buong paligid. Napakurap ako nang dalawang beses habang nakatingin kay Maximilliano na nakangisi sa akin ngayon.

Napatingin ako sa mga tao sa paligid at nakatayo sila ngayon at lahat ay nakatingin sa amin ni Maximilliano. Dahan-dahang lumapit sa akin si Maximilliano at hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang titig sa mga mata ko.

"Hindi ko akalain na dito ko pa makakatagpo ang aking nobya, aking Loi," preskong saad niya sa akin at napapikit ako sa inis at napayukom ang mga kamao ko. Kung wala lang mga nakatingin sa akin, sinapak ko na sana talaga 'to.

Agad ko siyang tinalikuran at pumanhik na ako sa holding-area ng gymnasium. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin sila Clemente, Dulce, at Amor. Pagpasok ko sa kwarto ay halos padabog kong hinubad ang suot kong armor at napasabunot ako sa inis.

"H-hindi ko lubos akalain na gagawin ni Heneral iyon," sabi ni Amor habang kinakalas na rin niya ang suot niyang armor. Ganoon rin sila Clemente at Dulce.

"Sa aking palagay ay naghinala siya," sabat ni Clemente at rinig na rinig ang kaniyang pagbuntong-hininga dahil ang bawat isa sa amin ay hindi nag-akala na may gagawa ng gano'n. Agad na kaming nagsipagpasok sa mga palikuran at nagsuot ng baro't saya, nang makalabas kami ay nagpatuloy sila sa pag-uusap.

"Mukhang natuwa naman si Heneral dahil ang kaniyang nobya ang kaniyang nasaksihan," Asar ni Dulce sabay tingin sa akin pero umiwas lang ako ng tingin.

"U-umuwi na tayo," saad ko at pinagpagan ko na ang suot ko dahil natanggal ko na ang armor sa akin.

Napatango naman sila at nauna na si Amor na maglakad patungo sa pintuan at pagkabukas niya ng pinto ay bumungad si Maximilliano. Nakasuot siya ng coat na itim at polo na puti ang kaniyang panloob. Suot rin niya ang paborito niyang sumbrero. Idol ata niya si Michael Jackson.

"Maaari ko bang makausap si Binibining Marikit?" bungad ni Maximilliano at napatingin ako sa kanila Amor na agad na pumayag at dere-deretsong lumabas. Pumasok naman si Maximiilliano at dali-daling isinara ang pinto.

"A-aalis na ako," saad ko sa kaniya at akmang lalabas na ako pero hinawakan niya ang doorknob kaya tiningnan ko siya nang masama, samantalang nakangisi naman siya sa akin.

"Ayaw mo ba akong makausap? Aking Loi," preskong sabi niya sa akin at ngumisi tsaka kumindat kaya napahilamos ako sa inis at akmang hahampasin ko sana ang balikat niya pero agad niyang nakuha ang pulso ko at idinikit niya ako sa pader kaya ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin mula sa isa't isa!

"B-bitawan mo nga ako!" reklamo ko sa kaniya at pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin pero sobrang lakas niya kaya hindi ko nagawang tanggalin 'yon.

"Hindi ko lubos akalain na hindi lamang pala sa suntukan bihasa ang aking irog, kundi sa eskrima rin pala," ngisi niya sa akin at inirapan ko sya at pinupok ko ang kamay niyang nakakapit sa pulso ko para paalisin siya.

"Pwede bang huwag mo akong mairog-irog dyan kung ayaw mong mabasag 'yang itlog mo!" reklamo ko pa pero tinawanan lang niya ako.

"Isa kang labis na nakakamangha, ito ang kauna-unahang beses may nakalaban akong binibini sa eskrima," wika niya sa akin.

Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa akin.

To be honest, ang bango ng hininga niya kahit hindi pa uso ang toothpaste sa panahon na 'to.

"Masyado n'yo kasing minamaliit ang kakayahan naming mga babae," bwelta ko sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay pero nginisihan niya lang ako.

"Dahil sa mga pinapakita mo sa aking katapangan, mas napapaibig mo ako, aking Loi," saad niya sa akin at inirapan ko siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kapreskuhan nito.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now