Ang Abogado

2.6K 166 75
                                    

"HINDI ko akalain na magagawa mong rungisan ang iyong ngalan upang maisalba ako sa kamay ng mga Trinidad," Napalingon ako kay Maximilliano nang magsalita siya. Narito ako ngayon sa kwarto niya at hindi pa niya ako pinapauwi. Nakahiga siya sa kama, samantalang ako naman ay nakaupo sa gilid.

"Alam ko naman na ginagawa mo lang na sumunod sa kanila para sa kapakanan ng pamilya namin," saad ko at nagpakawala ako ng buntong-hininga tsaka tumanaw sa labas. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-upo ni Maximilliano sa may tabi ko at yumakap sa baywang ko.

"P-patawad. Iyon na lamang ang naiisip na paraan ni ama upang maisalba kayo," tugon niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa batok ko. Napapikit ako nang mariin nang magsimula na naman na kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"M-Max..."

"Hmmm?"

"Iyan ka na naman," reklamo ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Anong masama?" Katuwiran niya at yumakap nang mahigpit sa baywang ko.

"Ikaw. Sino pa ba?" saad ko at tanging tawa lang ang nagawa niya. "Namomroblema na nga tayo kung paano mapapawalang-sala si ama tapos pinapairal mo pa rin ngayon ang kapusukan mo," dagdag ko pa at mas niyakap pa niya ako nang mahigpit at muling humalik sa leeg ko.

"M-Max..." sita ko uli at sandali siyang huminto pero hindi pa rin kumakalas sa pagkakayakap sa akin.

"Hindi ba't nabanggit mo kanina na nagdadalang-tao ka at anak natin ang iyong dinadala?" tanong niya at tumango na lang ako.

"Wala na akong ibang alam na mairarason sa kanila, kung hindi pa 'yon ang idadahilan ko, baka wala na tayong relasyon ngayon, baka putol na ang namamagitan sa atin," tugon ko at pinilit kong alisin ang kamay niyang nakayakap sa akin. Namomroblema ako ngayon dahil bukas na ang paglilitis kay Don Marcelo.

"Aking napagtanto na dapat natin na simulan na gawin iyon," saad niya kaya natauhan ako at napalingon sa kaniya na iilang pulgada lang ang layo sa akin.

"G*%0 ka?" wika ko sa kaniya at iniwas ko ang tingin ko dahil ramdam ko ang init ng titig ni Maximilliano sa akin.

"Tutal iyon rin naman ang nairason mo sa kanila, bakit hindi natin gawin? Nabanggit rin natin na dalawang buwan ka nang nagdadalang-tao kaya marapat lamang na magbunga ang pag-ibig natin hangga't maaga pa, nang sa gayon ay may maipakita tayong sanggol pagdating ng oras," saad niya nang nakangisi sa akin at kumindat pa. Inirapan ko lang siya tsaka kumalas sa yakap niya.

"Marami tayong dapat intindihin at huwag mong unahin ang kaanohan mo sa katawan," inis na tugon ko sa kaniya at naglakad ako papunta sa balkonahe.

"Masyado ka namang seryoso. Ako'y nagbibiro lamang," saad niya at kumamot sa batok tsaka dumapa sa higaan.

"Sa ngayon, paano na ito? Wala tayong hawak na ebidensya laban sa kanila," saad ko at napasapo na lang ako sa noo ko dahil namomroblema ako ngayon.

"Huwag kang mag-alala, pinasundo ko na ang pinsan kong si Arman at mamayang hapon ay tiyak na nandito na siya," tugon niya at napatango na lang ako. "Magaling na abogado ang pinsan kong iyon at madali niyang mababaliktad ang kaso basta may isa lang tayong ebidensya na magagamit laban sa kalaban," dagdag pa niya at napahinga ako nang malalim dahil wala naman kaming hawak na ebidensya laban sa mga Trinidad.

"Señor..." Napalingon kaming dalawa ni Maximilliano nang marinig ang pagtawag at pagkatok ni Lolita mula sa pintuan. Agad naman na naglakad si Maximilliano palapit doon at pinagbuksan si Lolita. Bumungad siya sa amin na may hawak na pamilyar na sobre. "Naglinis po ako riyan at napahanap ko ito," saad ni Lolita sabay bigay ng sobre kay Maximilliano.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt