Ang Pagkilos

2.4K 175 104
                                    

NANATILI lang ako sa pwesto ko. Nakayakap kay Maximilliano at patuloy na umiiyak sa balikat niya. Hindi namin alintana ang dami ng dumaraan, wala rin kaming pakialam kung mayroon mang nagrereklamo na sagabal daw kami sa daan. Nandito lang kami sa gitna ng kalsada na parang 'di masikip ang kalye, parang 'di mainit ang sikat ng araw, na parang nasa ibang mundo kami.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Maximilliano sa likuran ko at rinig ko rin ang kaniyang mahinang paghikbi. Ilang minuto ang lumipas ay nahimasmasan rin kami kaya nauna na akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Gamit ang kaniyang magkabilang kamay, pinunasan niya ang mga luha ko.

"Tumahan ka na sa iyong paghikbi. Narito na ako," wika sa niya sa akin at napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang muling pagbuhos ng luha ko. Inanyayahan naman niya akong lumakad patungo sa likuran ng isang gusali at iilan lamang ang mga taong dumaraan doon.

"N-napakadaya mo!" reklamo ko at napasandal ako sa pader tsaka ko tinakpan ang mukha ko, gamit ang braso ko upang itago ang muling pag-iyak ko. "Hindi ka man lamang nagsabing darating ka! Ayaw ko ng surprise!" dagdag ko pa at naninikip ang dibdib ko sa halo-halong emosyon. Hindi ko akalain na darating siya ngayon dahil makailang beses ko na ring inaasahan na susurpresahin niya ako pero hindi siya dumating-dating. Ngayon naman sa pagkakataon na hindi na ako umasa pa, saka naman siya narito.

"Patawad," iyon lang ang tugon niya kaya napahinto ako at lumingon sa kaniya. Naabutan ko siyang nakatingala sa langit. Nakasuot siya ng itim na sumbrero kaya hindi ko maaninag ang mga mata niya, pero kitang-kita ko ang ngiti sa kaniyang labi.

"Patawad? 'yon lang? Matapos kong mabasagan ng paninda nang dahil sa surprise mo, patawad lang?" reklamo ko. Hindi naman ako galit sa kaniya pero naiinis ako sa surpresa niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at hinubad niya ang suot niyang sumbrero. Lumingon siya sa akin tsaka ngumisi.

"Mukha kang paslit," tugon niya sabay suot ng sumbrero sa ulo ko. Umirap naman ako sa kaniya nang isang beses.

"Bakit ka nandito? Antagal mong hindi nagpadala ng liham tapos ngayon ay susulpot kang bigla!" usal ko. Akmang susuntukin ko siya sa dibdib pero mabilis niyang hinawakan ang magkabilang kamao ko para mapigil ako.

"Gusto ko lamang surpresahin ang mahal ko," wika niya sabay kindat.

"Mahal mo mukha mo!" singhal ko sabay piglas mula sa pagkakahawak niya. Nagtatampo ako dahil pagtapos ng isang buwan niyang pagkawala ay susulpot siya nang bulaklak lang ang dala. Wala man lang special bagoong from Pangasinan. Nakakainis!

"Bakit? Ayaw mo bang ako ay nandito?" tanong niya pero umiling ako.

"Gusto," tugon ko sabay yakap sa kaniya. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya nang magsimula na naman akong maiyak. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habang nakayakap rin siya sa akin. "Hindi mo lang alam kung ilang beses akong umasa na isang gabi ay magpapakita ka. Hindi mo lang alam kung ilang beses akong umiyak sa sobrang pangungulila sa iyo. Hindi mo lang alam kung ilang beses akong sumuko kakaantay sa iyo," wika ko at hindi ko mapigil ang panginginig ng boses ko dulot ng pag-iyak.

"Huwag kang mag-alala. Nandito naman na ako," sabi niya at mas hinigpitan ko ang pagyakap ko.

"Hanggang kailan? Ngayon lang. Tapos bukas aalis ka na naman?!" reklamo ko habang patuloy lang ako sa paghagulgol.

"Kumuha ako ng tatlong linggong bakasyon. Ngunit susulitin ko iyon upang makuhang muli ang pwesto ko rito," saad niya at dahan-dahan akong tumunghay sa kaniya. Hindi ko namalayan na napangiti na lamang ako.

"Hindi mo batid kung gaano ako nag-alala sa iyo. Halos masiraan na ako ng ulo kakaisip kung nasa maayos ka bang kalagayan, kung kumakain ka ba nang sapat, kung dinadapuan ka ba ng karamdaman," wika niya at sandali siyang huminto upang magpakawala ng malalim na paghinga tsaka siya muling nagpatuloy.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now