Max, Loi

6.6K 426 194
                                    

"A-Aray! B-Bitawan mo nga ako!" reklamo ko kay Maximilliano dahil hanggang sa pagpasok namin sa loob ng kwarto niya ay nakakapit pa rin siya. Ngumisi siya sa akin at tsaka bumitaw. Hindi ko na talaga maintindihan 'tong si Maximilliano, kung gentleman ba o kung ano.

"May gusto ka sa pinsan ko?" tanong niya sa akin at napakunot-noo ako. Nanatili s'yang nakangisi sa akin hanggang sa isara na niya ang pinto.

Iniligid ko naman ang paningin ko sa kwarto ni Maximilliano at namangha ako sa dami ng badges at certificate na mula sa career niya ang nakasabit sa pader. Nakadisplay rin ang iilang mga baril niya at makikintab pa, halatang inaalagayan niyang linisin.

Mabuti pa itong kwarto ni Maximilliano, may mapapala ako. E sa kwarto ni Marikit, puro gamit panahi at aklat ang mayroon. "Humahanga ka na ba sa akin sa dami ng aking mga gantimpala mula sa pagiging bahagi ng hukbo?" wika ni Maximilliano at kahit nakatalikod ako sa kaniya, alam kong nakangisi siya ngayon.

"Asa ka naman," tugon ko at napahinga ako nang malalim. "O'sya, naihatid ko na ang tsaa, aalis na'ko," saad ko sa kaniya at hindi na ako nakipag-agawan pa sa doorknob dahil alam ko naman ang mangyayari.

"Hindi kita palalabasin rito hangga't hindi mo nasasagot ang aking katanungan," sabi niya at kunot-noo ko siyang tiningnan at humalukipkip ako.

"May tinanong ka ba?" bwelta ko sa kaniya at tinalikuran ko siya tsaka ako lumakad patungo sa balcony.

Papagabi na pala pero natatanglawan ang kalye sa labas ng mga sulo at lampara kaya hindi ganoong madilim. Napatingin ako sa langit at cresent ang buwan, marami rin sanang bituin kaso natatakpan ng makapal na ulap.

"Kung may gusto ka ba kay Fabian," sagot niya at napahalakhak ako lalo na sa seryosong tono niya. Ewan ko kung bakit natutuwa ako sa tuwing seryoso ang timpla ni Maximilliano at parang anytime handang makipagsuntukan.

Sabagay, ano namang i-e-expect ko sa isang heneral ng hukbo? Syempre dapat authoritarian siya at bossy para mapasunod niya ang nasasakupan niya pero hindi ako sanay sa gano'ng mood niya at natatawa nalang ako dahil mas cute siya 'pag seryoso.

"Selos ka?" banat ko at nilingon ko siyang nakasandal pa rin sa pintuan at nakasuksok ang makabilang kamay niya sa bulsa ng coat niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya mas natatawa ako.

"Hindi," tipid na tugon niya at seryosong nakikipagtitigan sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Palagi nalang iyong titigan niyang pamatay ang nakakapagpatiklop sa akin, hindi ko alam kung bakit ganoon ang impact sa akin ng kulay tsokolateng mata niya na nakakapanggigil at ansarap tusukin.

"Wala kang dapat ikaselos dahil hindi kami talo ni Fabian. Gets?" saad ko sa kaniya at napangiti siya ng tipid, akala niya siguro, sinasabi kong 'ikew leng shepet ne'.

"Mabuti," tango niya sa akin at umaliwalas naman ang mukha niya na parang nanalo tong-its.

"At hindi rin tayo talo kaya wag kang umasta ng gan'yan," irap ko sa kaniya at ibinalik ko ang tingin ko sa labas. Napapikit ako saglit habang nakasandig ako sa hawakan ng balcony at dinadama ko lang ang pag-ihip ng sariwa at malamig na hangin.

Rinig na rinig ko rin ang awitan ng kuliglig sa paligid na mas nagdadala pa ng kapayapaan sa gabing ito. Simula nang dumating ako sa panahon na ito, bihira akong makaramdam ng stress at pressure kahit boring. Dito kasi sa panahon na 'to, puro kapayapaan ng kapaligiran ang namumutawi, di gaya sa modern era na panay ingay ng mga sasakyan at mga kantahan ng mga sintunadong tomador ang naghahari sa buong gabi.

"May karapatan ako dahil nobya kita, hindi ba? Aking Loi," tugon niya sa akin kaya natauhan ako at napalingon ako sa kaniya. Nginisihan niya ako pero inismiran ko lang siya at bumalik sa pwesto ko.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now