Alab ng Paghihiganti

4K 221 71
                                    

MARIKIT, ayos na ba ang biko riyan?" tanong ni Ate Mercedes sa akin. Nagluluto ako ngayon ng biko na dadalhin namin mamaya sa sementeryo upang ialay sa namayapang lolo nila.

Araw ng mga patay ngayon at abala ang mga kusinera sa Hacienda Lacsamana at pare-parehas na hindi magkamayaw sa gawain dahil kabi-kabila ang mga niluluto at inihahanda.

Sinimulan ko nang isalin sa malaking bandehado ang biko na katatapos lamang na maluto tsaka ko iyon sinapinan ng dahon ng saging. "Ate, nakahanda na ang biko," saad ko kay Ate Mercedes na ngayon ay abala sa pagluluto ng sinaing na isda.

"Sige, iwan mo na iyan riyan at magbihis ka na, ha," tugon niya at tumango naman ako tsaka lumakad palabas ng kusina. Nang makalabas na ako sa kusina ay naplingon ako sa mga kasambahay na abala sa paglilinis ng salas.

Napatingin ako sa labas ng mansyon at nakita ko ang mga trabahador na nagsisipag-gapas ng nagtataasang damo. Lumingon naman ako sa may gate at tanaw ko ang labas ng hacienda at nakita ko ang mga iilang mga dumadaan.

Napakibit-balikat na lamang ako at huminga nang malalim dahil pagtapos ng pista ay napansin kong tumamlay ang bayan na ito.


IPINUSOD ko na ang buhok ko habang nakatayo ako sa harap ng tukador. Alas-dos na ng hapon at ngayon na kami pupunta sa sementeryo para dumalaw sa puntod na pinaglibingan ng namayapang lolo nila Marikit.

Nakasuot ako ng maayos na puting baro't saya. May dala rin akong pamaypay dahil tiyak na mainit mamaya sa sementeryo. "Señorita Marikit, nag-aantay na ho sa labas sila Doña Carlota," narinig kong pagtawag ng isang kasambahay kaya sandali kong pinagpagan ang damit ko at lumakad na ako patungo sa pintuan at binuksan iyon.

Pagbaba ko sa ground floor ng mansyon ay naabutan kong nasa salas si Ate Mercedes habang kalong-kalong niya ang basket ng mga bulaklak na iiwan sa sementeryo mamaya. Nang makita niya ako ay tumayo siya at nagkapit-bisig kami bago lumabas ng mansyon.

Nasa labas nakaparada ang tatlong kalesa na sasakyan namin, nasa unahan ang sinasakyan nila Don Marcelo at Doña Carlota at nakasunod roon ang kalesa na sasakyan naming tatlo nila Kuya Montero at nakaupo na siya sa loob niyon. Nasa dulo naman ang ikatlong kalesa at kung titingnan ito ay mukhang pangkaraniwan lang. Nasa loob niyon ang dalawang kasambahay ng mansyon at bitbit nila ang mga pagkaing dadalhin sa sementeryo mamaya.

Lumakad na kami ni Ate Mercedes at nauna siyang sumampa at hinila niya ako paakyat roon. "Ilayo mo nga sa akin iyan, Mercedes," napalingon ako kay Kuya Montero nang magreklamo ito. Sabay kaming natawa ni Ate Mercedes nang makita namin na namumula ang ilong ni kuya, siguro dahil allergic siya sa bulaklak.

"Kaya siguro ibig ni kuya na magpari dahil hindi niya mabibigyan ng bulaklak ang kaniyang sinisinta," Asar ni Ate Mercedes at sa akin naman niya ipinakalong ang basket ng bulaklak.

"Tigil-tigilan mo ako sa kapilyahan mo, Mercedes," Seryosong tugon ni Kuya Montero sabay bahing. Kitang-kita ko kung paano mamula ang matangos niyang ilong at mangilid ang luha sa mapupungay niyang mata. At dahil mestizo siya ay halos balutin ng pink shade ang buong mukha niya.

Huminto ang sinasakyan naming kalesa sa tapat ng malawak na sementeryo. Nasa kalahating oras rin ang tinakbo ng kalesa bago namin marating ito. Agad akong bumaba sa kalesa at sumunod naman sa akin si Ate Mercedes at si Kuya Montero.

Yakap-yakap ko pa rin ang basket ng bulaklak nang tanawin ko ang malawak na sementeryo. Sa tingin ko ay nasa ilang ektarya ang lawak no'n at binabalot ng carabao grass ang kabuuan. Marami ring mga puno sa palibot at mga bulaklaking halaman.

Naglakad na kami papasok at sa malapad at mataas na arko kami dumaan. Tiningala ko iyon at may nakasulat na 'Himlayan ng Don Felipe'. Nang makapasok na kami ay bumungad sa amin ang mga mamamayan na nakapwesto sa kani-kanilang mga binisitang puntod.

Hunting the 19th Century Playboy (Formerly 'The Tomboy meets the Playboy of 1803Where stories live. Discover now