Chapter 03: Someone
"Is she okay?"
"I don't know, Des. Lawyer ako hindi manghuhula."
I grunted when I heard those noises coming from somewhere. I can feel the heaviness of my head and also my body, the reason why I can't move that much.
Mabigat at pagod ang mga mata ko pero napagtagumpayan nitong bumukas at doon bumungad ang puting kisame na matagal pa akong nakipagtitigan. Pinapakiramdaman ko pa ang sarili ko pero napagtanto ko na ang lugar na ito ay hindi pamilyar sa akin.
What's happening? Nasaan ako? Ang naaalala ko lang ay nasa Jones Bridge ako at balak ng tapusin ang buhay ko pero bakit nandito ako?
Kahit na sumasakit ang katawan ko ay pilit akong umupo sa gilid ng kama. Nilibot ko ang aking mga mata at halos manginig ang ibabang labi ko nang mapagtantong nasa ibang lugar ako. Pinagsamang puti at itim ang bawat pader at napapalibutan ito ng mga gintong antigo na may kasama pang makakapal na libro.
Kalmado at pinapakiramdaman ko pa rin ang sarili ko pero napupuno ako ng pagtataka kung nasaan ba ako. This is not my room and this is not Tito Mike's house, so where am I?
Ang akala ko wala na ako pero bakit nararamdaman ko pa rin ang katawan ko? Sino ang tumigil sa pagtalon ko sa Jones Bridge? Wala akong matandaan!
I cope up to stand and leave the room. I heard two people talking outside, but where are they?
Natigilan ako nang makita ang sarili ko sa salamin at halos malaglag ang panga ko nang makitang nakasuot ako ng bestidang kulay puti, yung parang pantulog ng mga prinsesa. What the hell am I wearing?
And there is also a bandage on my arm. Ito ba ang nakuha ko nung binalibag ako ni Tita Verna sa sahig? Hindi ko namalayan na nagkaroon pala ako ng sugat sa braso ko. Sabagay, sanay naman akong nasasaktan kaya balewala na ito sa akin.
"Mabuti nalang nakita natin siya. She looks hopeless," narinig kong sabi ng isang lalaki na dahilan para unti-unti akong bumaba sa hagdan. Nasaang lugar ba ako? Ibebenta ba nila ang katawan ko? Tangina, ang akala ko tumalon ako sa Jones Bridge!
"You didn't even help me. Muntikan na siyang mahulog dahil nagpupumilit siya na bitawan ko siya. I can still feel the pain on my chest because she hit me," may halong pagkainis ang boses ng lalaki kaya nasapo ko ang noo ko. What the hell happened?
Huminga ako ng malalim at sinubukan na ayusin ang diwa ko dahil hindi ako sigurado kung mabuti ba silang tao.
Nakita ko naman ang isang bat sa gilid ng hagdan at kinuha ko ito para proteksyunan ang sarili ko. Kung sindikato ito ay sisiguraduhin kong tatakas ako dito. Bakit ko ba nasabi kaagad na isa silang sindikato?
Tinago ko ang bat sa likod ko at unti-unting lumapit sa kanila. They are sitting in dining peacefully, and they can't see me. I can only see their backs while they are having their coffees. The one is wearing a leather jacket, and the other one is wearing a white formal shirt. Kung ganito kalaki ang katawan ng sindikato ay paniguradong wala akong kawala pero hindi naman nila ako nakikita.

YOU ARE READING
Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)
RomanceA patricide issue made the Fontanilla family be the number one's most hot topic in the news and media, many reports and rumors are spreading that Vellity Eliza Fontanilla killed her father at the age of 18 that made her imprisoned for eight years. ...