Chapter 39

5.7K 217 29
                                    

Chapter 39: Conscience (trigger warning)


"Hindi ba ang sabi ko sa'yo patayin mo na, ano pa bang hinihintay mo?"


Sa labas pa lang ng bahay ay rinig na rinig ko na ang boses ni Desmond at halos mapugto ang hininga ko dahil sa mga salitang nilalabas ng bibig niya. Tapos na ang isang gabing nanatili ako sa bahay ni Tita Liyelle at hindi ko inaasahan na ganito ang bubungad sa akin.


Patayin? Mas lalong bumigat ang loob ko na para bang gusto ko ng punitin ang tenga ko para lang hindi marinig ang mga sinasabi niya. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko at nakakagalit na umaasa pa rin ako sa isang kagaya niya.


"Kapag nalaman ni Daddy na buhay pa ang lalaking 'yan ay ikaw ang malilintikan. Mas mauuna ka pang mamatay kaysa sa inuutos ko sa'yo," ang pananakot niya at ramdam ko ang galit sa tono ng boses niya. Pinikit ko ang mga mata ko at kulang nalang ay magdugo na ang palad ko dahil sa pagkakasara ng kamao ko.


"Tumiwalag siya sa grupo at kung ayaw niyang magpakita, puntahan mo ang pamilya niya at takutin mo."


Gusto kong tumakbo at bumalik sa bahay ni Tita Liyelle pero hindi ko magawa. Parang nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi lumabas ang isang tunog dahil sa takot at heto na naman ang konsensya ko na unti-unti akong pinapahirapan.


"I don't care. Takutin mo ang pamilya niya at kapag nagpakita na siya ay dalhin mo kaagad sa akin."


Terror sucked the very breath of mine, and the fine hairs of my nape rose. His words were like a summon, and I don't know if I can handle facing him after what I heard. I was caged to his arms, and I might end up suffering again because of his schemes.


I was hoping and waiting for him but listening to his threats makes me suffocated. His curses and intimidation are like bullets burying in my body. How come that I ended up being with him?


Can I stay quiet knowing that there are innocent people who are being killed just so that no one can tell their illegal business? My conscience keeps bothering me, and the harsh reality is what I fear because of these people I trusted.


Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at sinubukan na huwag umiyak. Kailangan kong maging maayos sa harapan ni Desmond dahil kung hindi ay baka mag-duda siya. Nung nabuo ko na ang diwa ko ay pinihit ko na ang doorknob at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.


Sa pagpasok ko ay kumunot ang noo ko nang makitang wala ang lalaking pinapakinggan ko kanina. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko at pinagala ang tingin, umaasang may tao sa loob ng bahay.


"D-Desmond, Manang Ising?" tawag ko at lumunok ng bahagya dahil sa kabang nararamdaman. Binaba ko ang bag ko at parang nakamamatay na tanging yabag ko lang ang naririnig ko sa loob ng bahay na kanina lang ay puno ng pagbabanta.


"Desmond," pagtawag ko ulit sa pangalan pero walang sumagot sa akin. Pumunta ako sa kusina maging sa kwarto namin ay wala siya. Hinilot ko ang sentido ko at nilisan ang kwarto. Baka kung ano-ano na ang naririnig ko dahil ilang araw ng hindi maayos ang tulog ko. Masyado na yata akong maraming iniisip.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon