Chapter 46

7.8K 190 44
                                        

Trigger warning! This chapter includes explicit and derogatory actions. If you're uncomfortable reading this, then please do yourself a favor, skip this one and just wait for the next update. 


Chapter 46: Trapped


"Umalis ka na, please lang," sambit ni Morde na ikinadurog ng puso ko. Mataman niya akong pinagmamasdan at kitang-kita sa mga mata niya na nasasaktan siya pero kailangan niya akong palayuin.


I shook my head. "H-How can I leave you alone?"


In this world we are living, we have the authority to act or change without constraint. Freedom is the oxygen of our soul, but why can't I feel it? Do I even deserve to be free even if there are people who will get hurt?


The chance of freedom is already in front of me, and that is Morde, but I lost it.


I can't lock my tears anymore. It hurts that we ended up being like this, and I can't help but blame myself. It's all my fault, my mistake, and my defeat once again.


"Walk away, Eliza," he repeated emphatically. Sa bawat paghikbi ko ay bumibigat ang bawat paghinga ko. Ayoko siyang iwan pero alam kong magagalit siya kapag hindi ko siya sinunod.


Kahit na labag sa kalooban ko ang iwan siya ay tumango ako bilang sagot. Kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay napagtagumpayan kong pumunta sa gilid ng kotse.


Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero nung sumilip ang mga mata ko sa gawi ni Morde ay nakita kong pinalibutan na siya ng mga tauhan ni Desmond.


Gusto kong bumalik at proteksyunan siya pero hindi ako sapat. Labis ang paghingi ko ng tawad sa kanilang dalawa. Nang dahil sa akin ay nasira ang pagkakaibigan nila, lahat ng mga nangyayare ay dahil sa akin.


Sumakay ako ng kotse at inilagay na ang susi para paandarin na ito. Lalapat na sana ang paa ko sa pedal pero nakita ko sa rear-mirror ang nakuhang suntok ni Morde sa tauhan ni Desmond.


I covered my mouth to stifle a sob, and I just want to close my eyes. He was trying to fight, but he's not enough. He was being surrounded by Desmond's men, and it feels like dying seeing him being hurt because of me.


"M-Morde..." tawag ko sa pangalan niya habang pinapanood na suntukin siya ng mga tauhan ni Desmond. Nakatayo lang ang kaibigan niyang pulis at malaki ang ngiti nitong pinapanood ang matalik niyang kaibigan.


Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang dumako ang tingin ni Desmond sa kotse. "Get out of the car, Eliza, or else I will shoot this friend of mine like how your dad was shot," pagbabanta niya sa akin kaya isinandal ko ang ulo ko sa manibela at panay ang paghagulgol.


Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at kulang na lang ay punitin ko na ang tenga ko, huwag lang marinig ang mga daing ni Morde.


"T-Tama na..." nanginginig ang boses ko. Wala ng ibang ginawa si Morde kung hindi ang proteksyunan ako. Tinupad niya ang pangako niya pero paano naman ang pangako ko sa kanya?

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Where stories live. Discover now