Chapter 33

5.7K 200 61
                                    

Chapter 33: Mess


Halos mapugto ang hininga ko nang tumapak ang takong ng sapatos ko sa bahay ni Tita Liyelle. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang mga dumalo sa burol ni Tito Maximo.


The sun shouldn't be shining like this. The weather is the opposite of what the house's ambiance is. My eyes are already burning, trying to keep my tears at bay. I'm already standing at the door of the house, but I feel like my feet are stuck in their place.


Pagkatapos ng klase ay kaagad akong pumunta dito at gano'n pa rin kabigat ang nararamdaman ko sa tuwing dumadalaw ako dito. Panay ang balik ko dito pero hindi pa rin nakakabisita si Morde sa yumao niyang ama.


"Tita," tawag ko kay Tita Liyelle na tulala sa wala nang buhay na si Tito Maximo. Naagaw ko ang atensyon niya at halos hindi kayanin ng mga tuhod ko nang makita ang pamumula ng kanyang mga mata.


She looks hopeless and torn into pieces when Tito Maximo's life ends. She cherished that man for years, and she's there were times that Tito Maximo is falling. I know it's hard to lose someone you love, and it hurts that there were no goodbyes or even a last hug before he died.


"Tita Liyelle, magpahinga po muna kayo," may halong pag-aalala kong sabi sa kanya ngunit ngumiti lang ito sa akin.


I took a glance at Tito Maximo, and thinking of what happened to him made me breathless. He was stabbed twenty times, which caused him to die, and fingerprints were seen in the knife used. When it was examined, they said that it's Morde's fingerprints.


"Binisita mo na ba si Morde sa kulungan?" tanong ni Tita Liyelle at kitang-kita naman na nanghihina na siya.


She's still thinking of her son even though she lost someone. Even though everyone is accusing Morde, his mother didn't leave his side because she believes that her son is innocent.


"P-Papunta pa lang po ako para bisitahin siya pero dumaan po muna ako dito." Pilit kong tinatagan ang loob ko sa harapan niya dahil ayokong mas bumigat ang nararamdaman niya.


"Nag-aalala na ako sa anak ko, Eliza. Hindi niya naman kayang gawin 'yon kay Maximo."


"Tumigil ka na, Ate Liyelle!" Naagaw ang pansin namin dahil sa isang sigaw na 'yon. Nakita namin si Tita Amy na parang kanina pa nakikinig sa usapan namin. Tumayo ang mga kapatid ni Tito Maximo kasama ang mga anak nito.


"Tumigil ka na sa pagtatanggol sa demonyo mong anak!"


Dahil sa nabubuong sigawan sa loob ng bahay ay lumabas na ang mga taong ayaw makisali sa away ng pamilya ni Morde.


Nakagat ko ang ibabang labi ko marahil masasaksihan ko ang away ng pamilya nila sa mismong burol pa ni Tito Maximo. Hindi man lang ba nila nirerespeto ang libing ni Tito Maximo?


"A-Ano bang sinasabi mo, Amy?" Pinunasan ni Tita Liyelle ang kanyang mga luha at hinarap si Tita Amy.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon