Chapter 12

7.8K 271 60
                                    

Chapter 12: Begged (trigger warning)


"Uy! May meeting daw sa function room after class, mukhang para sa agenda natin. Punta kayong lahat. Ikaw rin, Eliza," ang yaya sa akin ng kaklase ko na dahilan para saglitan pa akong magtaka.


Hindi naman kasi nila ako niyayaya sa mga ganyang agenda kaya nakakapagtaka kung bakit balak nila akong isama.


Tahimik lang akong nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko dahil panay lang ang pag-rerecord ng teacher sa mga requirements namin.


"Pupunta ba lahat?" hindi ko alam pero nakuha niya kaagad ang loob ko. Minsan lang naman kasi nila ako pansinin kaya nabuo kaagad ang ekspektasyon sa isipan ko na baka titigilan na nila ang pang-aasar sa akin.


I'm a grade eleven student, and here I am, facing the brutality of people. Everyone is unfair to me, and all they did is point out how weak and fragile I am. I'm just seventeen but seeing myself suffering is like a stab straight to the heart. No matter what I say or do, they don't care about it because I'm just nothing to them.


"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Niyaya ko nga silang lahat, hindi ba?" tuluyan ng nagtaray sa akin ang kaklase kong babae kaya kaagad akong yumuko.


Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng saya marahil ngayon lang ako makakapunta sa agenda nila. Wala akong ideya kung ano bang ginagawa nila do'n dahil halos lahat ng kaklase ko ay kabilang sa agenda maliban sa akin.


"Masaya sa agenda namin, Eliza, marami kaming plano after this school year," sumingit naman ang kaklase kong si Jaylord na may ngiti sa kanyang labi pero tumango nalang ako bilang sagot.


Ngayon lang nila ako niyaya at heto na naman ako, umaasa na naman ako na tatanggapin nila ako pero paano naman kung hindi ako pumunta?


"H-Hindi pa ako sigurado e, baka kasi magalit yung magulang ko kapag wala pa ako sa bahay," pag-aalinlangan ko. Kapag nalaman kasi ni Mama na late akong umuwi ay baka pagalitan at saktan niya ako. Ayokong makaramdam ng sampal ngayon pero sayang naman kasi ang pagkakataon na niyaya ako ng mga kaklase ko.


"Ano ka ba! Saglit lang naman 'yun, kaunting usap lang at tapos na. Makakapag-hintay naman niyang sundo mo," pangungumbinsi sa akin ni Jaylord. Napakamot ako sa batok ko at napangiwi dahil inaalala ko ang uuwian ko sa bahay.


"Masaya sa agenda namin. Bahala ka, kapag hindi ka pumunta ay baka hindi ka makasama sa get-together ng batch natin," may tampo sa boses ni Mae pero lumilikha pa rin sa aking isipan ang pag-aalinlangan lalo na't kailangan kong umuwi ng maaga. Pupunta ba talaga ako sa agenda na 'yan?


Malakas nalang akong napabuntong-hininga at tumango bilang sagot. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako, hindi ba?


"Yes!" nawala ang tampo sa boses ni Mae at napalitan ito ng saya. Nakipag-apiran pa ito kay Jaylord kaya pumorma ang isang ngiti sa aking labi.


"Mag-eenjoy ka sa mga plano namin, Eliza. Puwede ka ring magbigay ng mga ideas mo para naman mas maging masaya yung get-together batch natin."

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon