Chapter 42

6K 175 23
                                    

Chapter 42: Obsession 


"What is this?" hindi napigilan ng bibig ko ang ilabas ang tanong na 'yon nang makita ang dalawang guwardiya na mukhang hinihintay ako. Sumunod naman sa paglabas sa bahay si Desmond at kaagad kong ibinaling sa kanya ng tingin.


Seryoso ang kanyang itsura pero nagagawa ko pa rin siyang harapin. Ilang araw na ang nakalipas simula nung komprontahin ko siya at doon na naudlot ang inaasam kong pagbabago sa kanya.


Akma niyang hahaplusin ang buhok ko pero kaagad akong lumayo sa kanya. Ayoko ng magpahawak sa kanya dahil takot lang ang dala nito sa akin. Simula nung gabing nag-sigawan kami ay hindi ko na siya itinuring bilang asawa.


"Why are you grumpy these days, Eliza? What happened to us?" tanong niya at inisang hakbang lang ang pagitan sa aming dalawa. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at naamoy ko ang matapang niyang pabango na naglalaro sa ilong ko.


"D-Don't ever touch me again, Des," I warned him, and I heard him chuckled. Why is he even asking why I'm being grumpy and uncomfortable these days? Is he serious? He knows what happened to us, and in my mind, I was begging myself already to run away, but it seems like I was already guarded.


Halos mapugto ang hininga ko nang hawakan niya ang braso ko at unti-unti itong humigpit na parang mababali na. Pinikit ko ang mga mata ko dahil sa sakit at pinipigilan na huwag umiyak sa harapan niya.


"Why are you like this, Eliza?" Desmond pretended that he's concerned. Hearing him suffocates me, and I never thought I could despise him like this. His mistake is enough for not to believe him anymore.


"D-Desmond, you're hurting me," namimilipit kong sabi sa kanya. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa kung paano niya ako hawakan. Wala ng konsiderasyon ang mga galaw niya at halos hindi ko na siya makilala.


"Kung ayaw mong masaktan ay umayos ka habang nagtitimpi pa ako, Eliza," pagbabanta niya sa akin at pinigilan kong hindi lumabas ang isang hikbi dahil sa takot. Ito pala ang pinakasalan ko pero matatawag ko pa ba itong pagmamahal?


Kulang nalang ay mabali na ang braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin at alam kong magmamarka ang kamay niya dito. "D-Des," sambit ko sa pangalan niya pero may halong pagmamakaawa ito.


This is what happened after I confronted him. Desmond became aggressive, and he became possessive to me, which is suffocating already. He really changed after what happened, and maybe he will be the reason for my death. I'm tired already, fuck.


Lumuwag ang hawak niya sa braso ko at sa isang iglap ay naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Hindi ako kumalma sa kanya niya at mas lalo lang akong natakot. Hindi ko alam kung kaya ko pang manatili sa tabi niya ngayong nalaman ko na ang katotohanan.


"I'm sorry about that," he had the guts to apologize after holding me, and I wanted to curse at him right now, but I lost the strength. He cleared his throat and took a glance at the bodyguards.


"Kumuha ako ng bodyguards para sa proteksyon mo," matipid niyang paliwanag at doon ako nakakuha ng pagkakataon para magsalita. Mahina akong natawa kung kaya nagtama ang dalawa niyang kilay.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon