Chapter 34

6.9K 200 15
                                        

Chapter 34: Defend


"W-What did you say?" It felt like I stopped breathing, and my body was paralyzed to my spot. It's Desmond who called, and I was trying to process what he said, but I ended up being numb.


Desmond gasped because of frustration. I was talking to Morde a while ago, but I didn't expect that he would run away.


"Tumakas siya nung balak na siyang ilipat," usal ni Desmond at doon ko pinagsumikapang ipunin ang diwa ko.


Nasapo ko ang noo ko nang maalala ang sinabi ni Morde nung bumisita ako. Kaya niya ba sinabi 'yon dahil balak niyang tumakas sa kulungan? Hindi niya ba alam na mas lalo siyang mapapahamak dahil sa pagtakas niya?


"Nasaan ka? Pupuntahan kita--"


"No, Eliza, just stay in the house. Hindi ka papayagan dito," pagputol ni Desmond sa akin pero hindi ako mapakali. Para akong batang nagdadabog dahil hindi nasunod ang gusto ko. Saan naman pupunta ang lalaking 'yun?


Panigurado akong alam na ito ng pamilya niya at gumagawa na sila ng paraan para hanapin siya. Mas lalong magagalit ang mga kapatid ni Tito Maximo dahil sa ginawang pagtakas ni Morde at doon pa lang ay baka isipin na nila na pinatay talaga ni Morde ang tatay niya.


"Pinaghahanap na siya ng mga pulis. Huwag ka nang umalis sa bahay dahil gabi na, kailangan mong magpahinga," aniya.


Naniniwala naman ako kay Morde. Alam niyang naframe-up lang siya kaya siya mismo ang gagawa ng paraan para lumabas ang katotohanan pero hindi ko inaasahan na tatakas siya.


"Kung tapos ka na sa trabaho, may oras pa ba tayo para mag-usap?" tanong ko kay Desmond.


"Oo naman, lagi naman akong may oras para sa'yo," Desmond uttered. I let out a deep sigh and ended the call.


I'm wondering where Morde is right now. He will find out the truth even though he violated the rules, but what if he doesn't find anything?


Hindi nagtagal ay mas lalong lumalim ang gabi at heto ako nakatulala sa garden habang umiinom ng wine. Malamig ang hangin na dumadapo sa aking katawan na tumutugma sa nararamdaman ko ngayon.


Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Kahit alam ni Morde ang ginagawa niya ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Hindi ko kayang gawin ang pabor niya. Hindi ko kayang magkunwari na ayos lang ako habang siya ay nagdurusa sa krimen na hindi niya naman nagawa.


I took a sip of the wine I'm drinking as I slowly became deaf because of silence.


I can see myself to him who suffered because of society's mindset, and there's a thought going on inside my head. What if I told them that I didn't shoot my father? Would it be different?


"Why are you drinking?" Umangat ang mga balikat ko dahil sa boses na 'yon pero kaagad akong kumalma nang maramdaman ang presensya ni Desmond.

Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Where stories live. Discover now