Chapter 21

7.4K 232 28
                                    

Chapter 21: Eleventh (trigger warning)


Desmond's POV

"Oh, ito na 'yung kailangan mo." Inilapag ni Miguel ang mga folders na kailangan ko para sa kaso sa sunod-sunod na patayan ng mga babae dito sa Maynila.


Palaisipan pa rin sa akin ang ibinigay na kaso ng Heneral namin. Sunod-sunod na ang mga patayan dito sa Maynila at mga babae ang nagiging target ng suspect.


Mabuti na lang at binalato ito sa akin ng Heneral dahil interesado talaga ako sa mga patayang nangyayare dito sa Maynila.


"Malaki 'yang babanggain mo, Desmond. Hindi lang isa ang pinatay niyan kung 'di sampu na," paalala sa akin ni Miguel pero hindi 'yun ang naging dahilan para umatras ako sa hawak kong kaso.


Nakikipagtulungan naman ako sa mga ibang pulis para mahuli na talaga kung sino ang may kagagawan nito.


Kinuha ko sa kanila ang mga ilang litrato ng mga babaeng walang-awang pinatay. 'Yung iba sa kanila ay binalatan, 'yung iba naman ay tinapon sa ilog at 'yung iba ay putol-putol na ang katawan.


"I know, Miguel, but this needs to stop already," I said with a stern voice and opened the files of the murdered woman along with the pictures taken by the police.


The murderer uses different kinds of methods to kill women. Sometimes he peels, sometimes he cuts, and sometimes he beheads them.


"His work is clean. We have no trace of him. What he is doing is planned, which makes it difficult for us to catch him."


Alam kong mabigat ang kasong ibinigay sa akin ng Heneral pero wala naman akong karapatan para tumanggi. Trabaho ko na maglingkod sa bansa at mapanatili ang kapayapaan dito.


Pinagmasdan ko ang mga litrato ng sampung babaeng pinatay ng murderer at halos hindi ko na makilala ang kanilang mga mukha. Sa tingin ko ay pinapahirapan muna sila bago patayin dahil base sa mga report ay iba ang araw ng pagkakadakip at pagpatay sa kanila.


"Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob na pumatay. Parang wala lang sa kanya ang buhay ng mga babaeng pinapatay niya, tss." Kinuha ni Miguel ang isang litrato at pinagmasdan ito.


Tiningnan ko ang larawan ng isang babae na nakuha ang katawan sa malaking basurahan. Ginupitan ang mga kuko niya na parang gunting ang ginamit dito. May pasa rin ang kanyang mukha maging ang katawan niya at ang pagkakapareho niya sa ibang namatay ay parang kinadena ito sa leeg.


"Hindi ba nahagip ng CCTV ang murderer?" tanong ko kay Miguel.


He shook his head. "The clips where the murderer and the woman he was going to kill were missing. He's also a hacker. He knew that the CCTV would cause him trouble, that's why he needs to use steganography."


"Steganography?" ulit ko na may halong pagtataka.


Taming The Superiors (High Class Issue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon