Chapter 2

6.3K 185 6
                                    

Katulad ni Kuya ay pinili kong mag Senior High sa St. Joseph. Ate Sanya enrolled here too kaya wala na akong makakasama sa dating eskuwelahan. It's not that I have close friends there that would stop me from transferring to another school.

I'm trying to gain friends and it's challenging on my part because I'm not a congenial and easygoing person. Isa sa mga rason kung bakit ako nagustuhan ng mga kamag-aral ko sa dating eskuwelahan ay dahil sa pinsan ako ni Ate Sanya. Sikat sa dating eskuwelahan ang pinsan kaya medyo napasama na rin ako sa kasikatan niya. Hindi kagaya ko ay madali siyang kaibiganin.

"Do it, Hope." Xyril pushed me but I quickly stepped back.

"This is not a good idea, Xy." sabi ko habang tinitingnan si Step sa isang shed na aligaga sa ginagawang paperwork.

Umakbay sa akin si Xyril at bumulong. "It is! Look, that girl is a scheming bitch."

Kezia nodded her head. "Totally."

"Isang linggo nang hindi pumapasok si Gracie dahil inagawan niya ng boyfriend. Hindi ka ba naaawa sa kaibigan natin, Hope?"

"I think we should talk to her-"

"Shut up girl. Hindi ito madadaan sa usapan."

Xy smirked and nudged Zia. "Sige ka, kapag hindi mo ito ginawa friendship over na tayo."

"Frienship over." Zia repeated the two words.

I sighed and looked at my friends. "Fine, I'll do it."

They both giggled and handed me the cup of hot espresso. "Make sure na mapapaso siya." Xy reminded me before I neared Step.

This is the last thing I would do to keep a friendship. Xyril, Gracie and Kezia are the only friends I have here. I only resorted to do this because I left with no choice.

I am so sorry Step.

Dumadagundong ang puso ko habang naglalakad patungo sa shed kung nasaan siya. Gusto ko nang umatras dahil nakokonsensya na ako sa mangyayari sa kanya kapag ipinagpatuloy ko pa ito. Pero sa kabilang banda, ayoko ring mawalan ng mga kaibigan.

The three are all that I have in this huge university. Kapag hindi na nila ako kausapin dahil hindi ko ginawa ang gusto nilang mangyari ngayon ay baka hindi ko kayanin. I don't want to be alone. I'm afraid to be alone.

I looked at Step. She's quite popular because of her boldness. Kahit first year pa lang ay matunog na ang pangalan sa unibersidad lalo pa't sa aming mga Senior High. Guys adore her and that what makes girls dislike her.

I don't like her but that doesn't mean I hate her like my friends do. Wala naman siyang ginagawa sa akin. Pero kung totoo nga ang sinasabi nila Kezia... that she stole Gracie's boyfriend, I think she deserves it.

Huminto ako sa tapat ng shed at sandali pang tiningnan ang walang kaalam-alam na si Step. She's alone and preoccupied with her work kaya hindi ako napapansin. Huminga ako nang malalim saka naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Ngunit bago pa man ako makatapak sa sahig ng shed ay dumating ang dalawang kaibigan niya.

My heart pounded and my face heated when I saw France with Harvey.

"Ano 'yan?" Harvey interrupted. Kinuha nito ang papel na sinusulatan ni Step kaya kaagad siyang nakatanggap ng mura kay Step.

"Tangina. Wala nga si Alric, nandito ka naman." humalakhak ito bago ibinalik ang papel sa kaibigan.

"Mali 'yong sagot mo sa number eight."

"Huwag mo akong pagsabihan." Step continued to answer. "Top 75 ka."

"Bakit anong top ka ba?" Harvey countered.

"74." ani Step at iniwasan ng tingin ang kaibigan.

I wanted to back down. Parang biglang nawala ang plano ko. Hindi ko na inalala pa na mawawalan ako ng kaibigan kapag hindi ko ito itinuloy. Tumalikod ako sa kanila at handa nang umalis nang tawagin ni France ang pangalan ko.

I gulped and shut my eyes tight. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang humarap sa kanila.

Una kong nasilayan ang seryosong mukha ni France, kunot naman ang noo ni Harvey na nakatingin sa'kin habang si Step ay nakataas lang ang isang kilay habang sinusuri ako. The way she stares at me, she really doesn't know me.

"Uh," hindi ko alam ang sasabihin. Bumagsak ang tingin ko sa kapeng dala na parang doon ako makakahanap nang sasabihin.

"Kumusta? It's been a while."

Inangat ko ang tingin kay France nang marinig ang masayang tono ng kanyang boses. Dahil doon ay napangiti na rin ako. Hindi pa rin siya nagbabago. He's still humble.

"Dito ka pala nag-aaral?" he said, trying to open a conversation with me.

"Obviously, France." Harvey scoffed as he fiddled with his phone. Kumunot ang noo ko nang may mapansin sa kanya.

Hindi niya ba alam na sign of courtesy iyon? Iyong pagtanong nang mga obvious na bagay as a starter of having a good conversation?

Umangat ito ng tingin kaya nagtama ang tingin naming dalawa. I tried to maintain my neutral look because France's here. But I couldn't help to let out a gasp when he slightly stuck his tongue out on me. He suddenly reminds me of my brother. Parehong isip bata.

"Mabuti at dito mo naisipang magpatuloy ng Senior High at hindi sa Ivy? Sayang at 'di ka makakakuha ng loyalty award." he joked and we both laughed.

"Oo nga eh." I shortly replied.

"Hindi rin kita masisi. Masyadong mahaba ang anim na taon..."

I'm really a bad conversationalist! All I could say is to agree with him.

"St. Joseph huh? Nice choice." he pursed his lips.

"I wanna try a new environment na rin saka iniwan na ako ng pinsan ko sa Ivy kaya wala na akong kasama roon. Nandito rin ang kapatid ko..." I trailed off. Gusto ko rin sanang sabihin na isa siya sa mga dahilan kung bakit dito ko piniling mag-aral. But of course, I kept that to myself.

Tumatango-tango lang siya habang pinapakinggan akong magsalita.

"Tara." biglang aya ni Harvey sa kaibigan kaya napunta sa kanya ang atensyon naming dalawa.

"May class pa tayo, dumbass." dugtong niya at tiningnan ako nang masama at umismid sa akin. Bumaba ang tingin niya sa dala kong cup ng espresso.

My heart started to get frantic when his eyes stayed there.

"Pa'no Hope, una na kami. See you around?" France smiled.

My worry easily disappeared when I saw France's smile again. I nodded my head.

Bumalik ang tingin ko kay Harvey at nahuli ko ang mapaglaro nitong ngiti habang tinitingnan ako. Hindi ko alam pero parang may ibang pinapahiwatig sa'kin ang mga ngiting 'yon o sadyang guilty lang ako kaya kung anu-ano ang iniisip ko. 

Itinapon ko sa trash bin ang kapeng dala ko na ngayon ay malamig na. Kasabay noon ang pagsulpot ni Xyril at Kezia sa aking harapan.

"What was that Hope?!" hindi mapigilan ni Xyril ang mag-hysteria. Alam kong pinapanood nila ako kanina at alam kong nakita nila na hindi ko itinuloy ang plano namin.

"I'm sorry. I was interrupted-"

"Shut up. We're over. Asahan mo na rin na wala nang makikipagkaibigan pa sa'yo!" galit na sigaw ni Xyril at bahagya pa akong itinulak at umalis sa harapan ko. Sumunod lang naman sa kanya si Kezia na nakangiti lang sa'kin.

Huminga ako nang malalim at hindi na pinigilan pa sila. Kung iyon ang desisyon nila ay wala na akong magagawa. Ayokong maghabol. I'm not that pathetic. Unless this friendship is worth saving, I would fix it in a heartbeat. Kaso hindi rin eh.

I know they weren't true to me. The friendship that we had were not genuine. Pero kahit ganoon ay sinubukan ko pa rin at nalulungkot ako sa mangyayari sa'kin kinabukasan dahil wala na sila.

Makakahanap naman siguro ako ng bagong kaibigan. Kasisimula pa rin lang naman ng klase. I'm still adjusting to this new environment at ganoon din ang mga kaklase ko. Marahil ay paglipas ng ilang buwan ay makakakita rin ako ng mga totoong kaibigan.

"Sino si Hope?!" Ang kaklase kong babae ang sumigaw noon mula sa hamba ng pintuan ng aming classroom.

Kakalabas lang ng teacher namin kaya maingay ang buong klase habang naghihintay kami para sa susunod na klase namin ngayong hapon.

May tumuro sa aking kakilala kaya tumingin sa akin ang nagsalita.

"May naghahanap sa'yo." Aniya na ikinakunot ng noo ko. Kahit nagtataka ay tumayo pa rin ako at naglakad palabas ng classroom.

Napatigil ako nang makita si Harvey sa corridor at nakasandal sa barindilya. Nagdadalawang isip man ay pinuwersa ko ang sarili na lumapit sa kanya. Nakayuko siya at abala sa cellphone kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.

May iilang Senior High ang napapadaan sa amin at napapatingin sa kanya. Marahil ay kuryoso dahil sa iba ang uniporme niya sa amin.

I faked a cough to call his attention. He only raised his brows, never leaving his eyes off the screen.

"Saglit." He said and turned his back on me.

Hindi ko mapigilan ang mapanganga sa ginawa niya.

Seryoso siya?

Hinahanap niya ako pero mukhang hindi naman niya ako mabigyan ng panahon na kausapin dahil sa ginagawa niya. Saka mukhang naglalaro rin lang naman siya.

"Kung hindi mo ako-"

He muttered curses and heaved a sigh, exasperated. Isinuksok niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at umangat ng tingin sa'kin.

"Feel na feel mo rin eh 'no?"

Kumunot ang noo ko sa kanyang panimula. Hindi niya talaga alam kung paano magsalita ng maayos.

He chuckled and pointed the open windows of my classroom. Tiningnan ko iyon at napasinghap nang makitang marami ang sumisilip sa amin.

"Kunwari nagulat." Bulong-bulong niya na rinig ko naman.

"Well, I was really shocked. I don't have to pretend."

"Talaga? Bakit santi-santita ka sa harap ni France gayong balak mo talaga kanina ay buhusan ng kape si Step?"

Tumawa siya at itinuro ang dalawang mata ko gamit ang index at middle finger niya.

"Huwag mo akong bigyan ng ganyang tingin, bata. Hindi mo ako maloloko."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Sinungaling." he sneered. Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako bilang depensa sa kanya. He crouched his head. "Umayos ka." pagalit niyang bulong nito bago ako iniwan.

I looked at his withdrawing back with a nervous heart.

He knew. Alam niya ang tungkol sa gagawin ko sana kay Step kanina. Hindi kaya sinabi na nito kay France kung gaano ako kasama? Huwag naman sana.

Now, I truly regretted that I agreed with Xyril's plan. Wala na nga akong napala, napasama pa ako.

Nang gabi ring iyon ay hindi ako nakatulog ng mahimbing dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Harvey. I saw disappointment and dismay in his eyes earlier. It bothers me because he's France's friend.

Maliban doon, I owed him for inspiring me. Kahit hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya. He earned my admiration for him with that. Kaya na-disappoint din ako para sa sarili dahil na-disappoint ko siya.

Kinaumagahan ay wala ako sa mood lumabas ng bahay pero dahil makulit si Kai at kahit anong gawin kong pagtanggi sa kanya, sa huli ay naisama niya pa rin akong ilabas.

May bagong bukas na cafe hindi kalayuan sa subdivision kung saan kami nakatira at iyon ang target niya ngayong araw.

Humikab ako habang tinitingnan siya na panaka-nakang tinitingnan ang pinto ng cafe sa tuwing tutunog ang chimes.

"May date ka?" I assumed. It seemed like he's waiting for someone.

Lumanding ang tingin niya sa akin at ngumisi.

"Selos ka?" he teased. I frowned that made him laugh quietly.

"Seryoso Kuya, anong ginagawa natin dito?"

"Uh, magkakape?" sarkastiko niyang sabi sa'kin.

I sighed. "Obviously."

"Obvious naman pala, bakit mo pa tinatanong?"

"Kilala kita. Hindi ka gagastos ng isang daan para sa isang kape kung wala kang kalokohan na gagawin." akusa ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"Kalokohan?" he repeated my word like he finds it so amusing.

Hindi na ako nakapagsalita nang makita ko ang bagong pasok. My eyes widen when I saw who it was! It was Harvey at mukhang katatapos lamang niyang mag-jogging. He's in his black sweatpants, white shirt and white sneakers. May suot din siyang apple watch sa kanang palapulsuhan at naka-earphone. His hair was a bit damp kung kaya humaba sa paningin ko ang buhok niya ngayon kumpara sa normal kong nakikita.

My heart raced when I saw him again after our last encounter. He was probably thinking how bad I am. I pouted with that thought.

Naalis lamang ang tingin ko sa kanya nang bahagyang tinulak ng kapatid ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo.

"Naglalaway ka na oh." aniya habang tinuturo ang gilid ng labi ko. Mabilis ko namang hinawakan ang gilid ng labi para alamin kung totoo ang sinasabi ng kapatid. Tumawa siya nang mauto niya ako.

Tiningnan ko siya ng masama. Kaagad din siyang tumigil sa pagtawa at tiningnan ako ng seryoso.

"Hoy, Sofia. Grade Eleven ka pa lang, huwag ka munang lumandi."

"Hindi ako lumalandi!" depensa ko na ikinangisi ng kapatid.

"Mas pipiliin kong subsob ka sa mga libro mo kaysa sa iba ang sinusubsuban mo." bulong niya sa akin na ikinakunot lang noo ko.

"Hindi ko gets." sabi ko na ikinatawa niya lang.

"Mabuti naman." he said and patted my head.

"May crush ka sa de Silva na 'yon?" bigla niyang tanong na ikinalaki ng mga mata ko. Umangat ang isang kilay nito dahil sa pinapakita kong reaksyon sa kanya. Hindi naman iyon dahil sa guilty ako sa tanong niya kung hindi sa gulat na kilala niya si Harvey.

"You know him?"

"Tambay sa track eh."

Tiningnan ko si Harvey na ngayon ay nasa counter na at umo-order. Mula rito sa kinauupuan ko ay malaya ko siyang tinitigan.

Nagri-race rin siya?

Hindi na dapat ako nagulat sa parteng iyon. He's like he's into extreme sports. Hindi na kataka-taka kung bakit pati pagri-race ay pinasok na niya.

Kai slid a twenty peso over the table kaya roon napunta ang tingin ko.

"May ipapagawa ako sa'yo." he murmured. Napunta ang buong atensyon ko sa kapatid dahil sa mapaglaro niyang ngiti sa labi.

I narrowed my eyes and looked at him intently. That kind of look is screaming danger. I quickly shook my head to dismiss his proposal.

"Ayoko."

"Dali na."

"Ayoko, huwag mo akong pilitin."

"Dali na."

"Fine." I sighed and get the twenty-peso bill.

My brother looked at me with a triumphant smile. He knows that I can't say no to him. He leaned forward and rested his arms on the table. Ginawa ko rin ang kanyang ginawa.

"Kilala mo 'yon?" he asked and pointed the farthest table. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya.

She's pointing at Rain's table. Rain's here. Mag-isa siya sa table at maraming libro at nagkalat na mga papel sa mesa niya.

"That's Rain." sabi ko at binalik ang tingin kay Kai.

"You know her?"

I nodded my head.

"Full name?" Kuya asked again.

"Raniyah Villabrille?" Though I wasn't sure if it's her full name.

"Walang second name?"

I shrugged my shoulders. I don't know if she has another name than that.

"Ask her." Kuya pushed me.

Heto na naman siya. Kuya has this habit of collecting names of girls. I know it's a bit strange kasi kung ang goal niya ay hanapin sa social media ang isang babae, hindi naman niya kailangan pang malaman ang buong pangalan ng babae.

He could search Raniyah Villabrille at makikita na rin niya siguro ang account ni Rain. Why need to know her full name?

Kahit nagtataka ay sinunod ko pa rin ang pinapagawa sa akin ni Kai. Una akong pumunta sa counter para bumili ng kape at piniling doon hintayin ang order.

Habang naghihintay ay tiningnan ko ang kinaroroonan ni Rain. Hindi na ako nagulat nang makitang nandoon na rin si Harvey. Inaasar siya nito habang pinaglalaruan ang mga papel niyang nagkalat sa mesa. Mula rito ay kita ko ang masaya niyang mga mata habang tinititigan ang kaibigan niya na tutok sa isinusulat.

Mabilis akong humarap sa counter nang bumaling ang tingin niya sa kinaroroonan ko. Kasabay rin noon ang paglapag ng order kong kape sa counter. Pagkatapos kong magpasalamat at makapagbayad sa barista ay muli akong tumingin sa mesa nila. Pareho na silang wala roon pero nandoon pa rin ang mga gamit nila.

Lumilinga-linga pa ako sa paligid saka naglakad palapit sa kanilang table. Inilapag ko sa tabi ng milk tea ang kape at sinimulang tingnan ang mga papel na nagkalat.

Raniyah Iluvia Villabrille.

Iyon ang mga nakasulat sa mga papel maging sa ID niya ay ganoon din. Nahulog ang isang papel kaya kinuha ko iyon. Maraming scribbles at hugis puso ito. Mga pirma at kung anu-ano pa. What caught my attention was the sentence she wrote in different calligraphy. Halatang pinaganda kumpara sa iba. Ito rin lang ang tanging sentence na nakasulat gamit ang pulang tinta kaya mas kapansin-pansin ito.

Rain Villabrille loves Ace Alvarez.

She has a crush on Kuya Ace? I planned to take a snap of it but I remember, I didn't bring my phone with me! Itinupi ko na lamang ito at handa nang umalis nang marinig ko ang boses na iyon.

"Ano 'yan?"

A Hope to Lose (Friend Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora