Chapter 33

4.6K 150 17
                                    

"Magpapakasal na kayo?" Mama asked in surprise.

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga de Silva. Tito Hubert invited us over dinner and Harvey blurted out that we're planning on getting married.

Tumawa si Tito Hubert habang tinitingnan kaming dalawa.

"Mabuti naman at naisipan mo na ring ayain ng kasal si Sofia, Harvey."

I wanted to snort.

Ayain? Ayain bang matatawag iyon? Parang sinabi niya lang kay Lolo na maglalaro kami ng bahay-bahayan. He wasn't even serious when he said that!

I was gritting my teeth while cutting the meat on my plate. Mama flinched when she heard the grating sound of my knife and plate. I looked at her and smiled apologetically.

Nalipat ang tingin ko kay Papa na kanina pa tahimik.

Bumuntong-hininga ako nang maalala ang huli naming pag-uusap.

After a month of reviewing the documents, I gave my confirmation to proceed with the investigation.

Maging ako ay hindi kumbinsido sa nakikita kong mga numero sa ipinasa niyang dokumento sa akin. The marketing and financial statements are all at variance. Kaya hindi ko alam kung bakit ngayon lang namin ito napansin.

"Well then that's great! Kailan ba? Ngayong taon na ba?" excited na tanong ni Mama.

Gulat kong nilingon ang ina.

This year? How can we plan a wedding in just months? We need a year or more!

"Opo Tita. Gusto ko nga kung puwedeng ngayong buwan na."

My eyes darted at Harvey sitting beside me.

"Seryoso ka?" I whispered to him. Gusto ko ay siya lang ang makarinig no'n. I don't want our parents think that our decisions about this matter aren't the same. Hindi pa rin naman namin napaguusapan ang tungkol dito.

"Bakit? Ayaw mo ba?" kunot-noo niyang tanong. Mukhang napansin din na hindi ako sang-ayon sa sinabi niya.

"Hindi sa gano'n, Jo. I was thinking that we should plan it well˗"

"Plano?" he scoffed and rotated the steering wheel. Hanggang dito sa loob ng kotse ay dala namin ang paksang iyon.

"Matagal na nating napagplanuhan 'to Sof. Ilang taon na tayong nag-iipon para rito."

I stopped myself to disagree with him.

"My point was we shouldn't rush˗"

"Matagal na tayong magkasama sa iisang bubong. Anim na taon na tayo. Sa tingin mo nagmamadali ako?" he laughed inwardly.

"Kung nagmamadali ako ay baka may isang dosenang anak na tayo ngayon." he smirked.

I sighed.

"At least kindly notify and update me of your plans for us. Ginugulat mo 'ko. Hindi ko alam na gusto mo na palang magpakasal ngayong taon˗"

"Anong nakakagulat doon? Noong sinabi kong ikaw ang tanging sigurado ko sa buhay ko, hindi ako nagbibiro Sof. Masisisi mo ba ako na pagdating sa'yo ay ganito ako kasigurado?" he asked and stopped the car when we reached our tower.

He licked his lips and looked at me.

"Kaya sana ikaw rin."

I puckered my lips and looked ahead.

"Gano'n din naman ako. Basta kasama kita, siguradong-sigurado ako." I said and looked at him.

He smiled and caressed my cheek.

"Ikaw naman talaga ang masusunod sa lahat, Sof. Kung gusto mong sa susunod pang dekada ang kasal natin, ayos lang basta kasama kita. Dahil kung ako lang ang masusunod ay baka pakasalan na kita ngayon."

"You really don't want to propose to me? I'll just act surprise if ever you propose." I asked pouting my lips.

He laughed and shook his head.

"So, proposal lang pala ang pinuputok ng butsi mo?"

"Lang?" I hit him. "I value proposals as much as I value marriage,"

"'Wag na Sof. Ang corny naman no'n. Hindi ko na kailangan mag-propose. Obvious naman na oo ang sagot mo 'di ba?"

"How sure are you that my answer will be a yes if ever you propose huh?" tanong ko habang binabato siya ng kung anong maabot ng kamay ko.

"Patay na patay ka kaya sa'kin." aniya habang iniiwasan ang mga bagay na binabato ko sa kanya.

I won't argue with that. I'm crazy over him.

I pouted my lips even more. Ayaw niya talagang mag-propose at mukhang hindi ko na mababago ang isip niya. Nilingon ko siya at ngumiti nang pilit.

"Well, at least give me an engagement ring." sabi ko at inilahad ang kamay sa kanya. Iyon na nga lang ang hinihingi ko. Baka naman puwede na niyang ibigay iyon sa'kin.

Tiningnan niya ang kamay ko bago sa ibinalik sa aking mga mata at umiling.

"'Wag na, babe. May wedding ring naman. Mas maganda kong nag-iisa lang singsing mo." he said and winked at me.

"Kagaya mo, nag-iisa ka lang sa'kin." hirit niya at humalakhak.

With that, I pulled his hair. Hindi talaga nauubusan ang lalaking 'to nang sasabihin.

Kinaumagahan ay maaga kaming pumunta sa bahay namin dahil may sadya ako kay Papa. Matagal na itong gumugulo sa isip ko. Simula pa noong magsimula kaming mag-imbestiga nang palihim sa mga proyekto namin kasama ang mga de Silva.

"'Wag na babe." pigil sa akin ni Harvey. He's stopping me from entering my own house. I turned to him and arched my brow.

"Bakit ba?"

He looked conflicted. Ano bang problema nito?

"Malamang ay naghihintay na sila sa'tin." tukoy niya sa mga kaibigan na naghihintay na sa Enchanted Kingdom. Aesthrielle wanted to celebrate her seventh birthday there.

"I'll be quick." sabi ko at tinalikuran na siya. I need to talk to Papa about the problem. Kahit ilang buwan na ang nakalipas nang magsimula ang imbestigasyon ay gusto kong kausapin si Papa ngayon. I wanted Tito Hubert to be part of it. We should inform him about the investigation. It feels like we're betraying him. I feel like betraying Harvey.

Pagkapasok ng bahay ay tumuloy agad ako sa ikalawang palapag at hindi na ako napigilan pa ni Harvey. Dumaan ako sa room ni Kuya. Huminto ako saglit dahil nakarinig ako ng kalabog sa loob ng room niya.

Umuwi si Kuya kasama ni Kuya Ace ilang buwan na ang nakalipas. They have a project in St. Joseph and I wouldn't be surprised if Kuya Ace is going to base his firm here. I'm expecting that my brother will stay here for good too. Lagi 'yang nakabuntot kay Kuya Ace eh. Bakit kaya hindi na lang silang dalawa ang magpakasal? They're inseparable after all.

Ilang minuto pa akong nakatayo roon nang hilain ako ni Harvey.

"Magmamadali tayo o ano?" he asked.

Nakarating kami sa office ni Papa pero wala siya.

"Mamaya na lang siguro." I said and with that, he dragged me again.

Kumunot ang noo ko nang dumaan kaming muli sa tapat ng pinto ni Kuya ay nakarinig ako ng ungol.

"Nandito si Kuya?" tanong ko at lalapit na sana sa pinto nang pigilan ako ni Harvey.

"Halika na, Sof." nahihirapang sabi ni Harvey. Ilang beses ko na rin siyang narinig na nagpakawala ng mura.

"Wait." Itinapat ko ang tenga sa pinto ng room ni Kuya pero bago pa man ako makarinig ng anumang ingay mula sa loob ay bumukas ang pinto.

"Kuya!" gulat kong sabi, hawak ang sariling dibdib. He only showed his head and hid his body from the door.

"Anong ginagawa niyo rito?" he asked. His hair's a mess!

"Si Papa˗"

"Wala rito si Papa." mabilis niyang sabi at isasara na sana ang pinto nang pigilan ko iyon.

"Ouch!" I grunted in pain when my hand was pressed between the door and the door frame.

"Tangina."

The two both cursed. Kaagad na binuksan ni Kuya ang pinto, sapat lang para maialis ang kamay ko. Kinuha ni Harvey ang kamay at nagmura ulit nang makita na namumula iyong parte ng naipit. I winced when he touched it.

"Sorry. Shit ang malas."

"Ano de Silva? Malas ako?" sabi ni Kuya at tuluyan nang lumabas nang makapagbihis. Napansin ko ang pagsara niya kaagad sa pinto ng room niya.

Is he hiding something in there?

"Ang malas ng araw, sabi ko." Harvey hardly explained.

"Tss. Baka ikaw 'tong malas. Malas sa kapatid ko." Kaagad niyang kinuha ang kamay ko kay Harvey.

"Kuya." I warned. Nagsisimula na naman siya. Sinabi sa'kin ni Harvey na inabangan siya ni Kuya Kai at Ace sa carpark sa St. Joseph noong nakaraan. Akala ko ay nagbibiro lang siya kaya nang kumpirmahin iyon ni Kuya ay hindi ko mapigilang sabihin na napakaisip-bata nilang tatlo.

"Ano paospital na natin 'to?" Kai asked.

"Ang OA." I said and removed my hand from his hold.

"Okay na ako. How 'bout you? Okay ka lang? I heard you moaning inside your room."

Harvey and Kuya coughed simultaneously. My forehead creased. They're looking at each other like they're talking via staring.

"Tara na, babe." Harvey said and pulled me. Hindi na ako nakapag-react pa nang hilain niya ako palabas ng bahay.

Ngayon ko lang napansin iyong pulang mirage na hindi nakaparada nang maayos sa tapat ng bahay mismo. Kuya owned this? I don't remember him having this kind of car.

We reached Enchanted Kingdom. Malayo pa lang kami ay tanaw na namin sa entrada si Kuya Ace, Rain at Aesthrielle.

Habang tinitingnan ko silang magkasama ay masasabi kong ang bilis nga talaga ng panahon. Marami akong nadiskubre sa nakalipas na mga buwan. Isa na roon ang tungkol kay Rain at Kuya Ace!

Every time I look at Rain and Kuya Ace, ang unang naalala ko ay ang panloloko sa'kin ni Rain at Harvey! I was so mad at them. Ilang araw kong hindi kinausap si Harvey dahil hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol kay Rain at Kuya Ace.

Kalaunan ay naintindihan ko rin kung bakit hindi sinabi sa'kin ni Harvey. It's not his story to tell after all. Minsan ay hindi ko lang talaga mapigilan ang magtampo. Kaya sinubukan ko na lang tingnan ang kagandahan ng ginawa niya at kung bakit niya iyon nagawang ilihim sa'kin.

"Akala ko idi-ditch niyo na kami at gusto niyo na lang magyugyugan all day." sabi sa amin ni Rain nang makalapit kami sa kanila. Kuya Ace was next to him, carrying Aesthrielle.

"Raniyah." Kuya Ace called her in a warning tone.

"What's yugyugan, Mommy?" Aesthrielle innocently asked.

"It means studying baby. 'Di ba mahal?" Rain said and nudged Kuya Ace. Masama ang tinging ipinupukol ni Kuya Ace kay Rain habang si Rain ay tamang pa-cute lang kay Kuya Ace. This girl.

"Hi Tita Hope."

Napunta ang tingin ko kay Aesthrielle na karga-karga ni Kuya Ace. Pumadausdos siya sa katawan ng ama at lumapit sa'min ni Harvey.

"Hello baby girl. Happy birthday." I said and caressed her cheek.

"Thank you. Though my birthday is next week pa." she smiled and looked at Harvey.

"Daddy." She motioned Harvey to come closer to her. Harvey bent his knee and Aesthrielle leaned over to whisper something to him. I smiled as I watch him talk to Aesthrielle babyishly.

Umangat ang tingin ko at nahuli si Rain na nakatingin sa'kin.

"Nasaan na ang iba?" I asked.

"Naglalaro na." she answered shaking her head. "Mas excited pa kaysa kay Aesthrielle. Mga isip-bata talaga." she murmured that made Kuya Ace chuckle.

We started riding different rides. Minsan ay sa amin si Aesthrielle, minsan ay kay Alric at Eve. France, Raven and Step aren't here. They're busy and I fully understand why Raven and France are busy. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakabalahan ni Step.

Kaya bahagya akong nagulat nang magpakita siya sa amin habang kumakain kami ng lunch sa isang restaurant. Tahimik siyang tumabi kay Eve tila pagod. I even caught Harvey looking at her sharply. She then gulped and averted her gaze from him.

I stared at Step longer. I really don't feel her. She's the least woman I would want to have as my sister-in-law. I hope Kuya Kai gets a woman that's far from her personality.​

Pagkatapos naming mag-lunch ay nagkahiwa-hiwalay na kami. I'm with Harvey, Rain's with her family, and then Eve, Step and Alric.

Tiningnan ko ang malaking ride na nasa aming harapan ngayon. This is the last ride we're going to ride today. Nakakabingi ang tilian ng mga tao. It wasn't my first time riding on a roller coaster but it's my first time riding it with him.

"Kinakabahan ako."

"May sulusyon ako para r'yan."

Binawi ko ang tingin sa roller coaster at nilipat sa kanya.

"Akin na kamay mo." he said so I quickly gave him my hand. He placed a blank card. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Pinagtitripan mo na naman ba ako?" tanong ko na ikinatawa niya. How can this piece of card calm my nerves?

"Let's play a game." he smirked and got a ballpen. Wow. He's ready for this huh?

"Magsulat tayo ng favorite tongue twister natin then let's switch. Memorize mo 'yong akin, ganoon din gagawin ko ng sa'yo."

"What's the price?" I asked.

He smirked at me. "Ikaw ha. Price agad iniisip mo." he teased and poked my side.

"It's for motivation." natatawa kong sabi habang tinatampal ang kamay niya.

"O sige. Kung ma-memorize mo ang tongue twister ko, magpo-propose ako sa'yo."

"Really?" gulat kong tanong.

He only nodded his head. He pressed the cap of his pen between his lips while he's writing his tongue twister on the card.

"Ako? Anong premyo ko?" he asked when he's done writing. Ibinigay niya sa'kin ang ballpen na hawak.

"Hmm, I'm sure I can memorize your tongue twister. If you failed to memorize my tongue twister my answer will be a no to your proposal." I confidently said.

"Ano?!" gulat niyang tanong. "Tangina. Hindi ko 'yan naisip. Wag na tayong maglaro˗" sabi niya at balak na sanang kunin sa'kin ang ballpen at card ko.

"No way." Inilayo ko sa kanya ang hawak na ballpen at card. "You started this." I giggled and started writing the most difficult tongue twister I know.

"No peeking!" I shouted when I caught him taking a peek at what I was writing on my card.

"Shit. Ba't ang haba? Three lines nga lang ang akin!" reklamo niya na hindi ko pinansin.

Tinapos ko ang sinusulat ko. Sinadya kong papangitin ang sulat ko para mahirapan siya sa pagbasa. I'm smiling from ear to ear as I fold the piece of paper.

"Palit na tayo." aniya kahit na nasa pila pa kami.

"No. We'll switch once we're on the roller coaster and it starts˗"

"Hoy babae. Ako may alam ng mechanics ng game. Walang ganyan."

Tumawa ako dahil alam ko namang gawa-gawa niya lang 'to. Marami na rin ang tumitingin sa amin habang nasa pila kami dahil ang ingay naming dalawa. He's scared that I will say no to him kapag hindi niya na-memorize ang tongue twister ko. He's crazy.

Hanggang makasakay na kami at nakaupo na sa isang row ay atat na atat na siyang magpalit kami. Hindi na rin ako kinakabahan sa ride. Wala na nga akong pakealam sa ride. I was looking forward to memorize his tongue twister so he would propose to me!

"Babe." He's calling me softly. I only stuck my tongue out that made him groan. Soon as the roller coaster started to move, we switched cards.

He quickly opened it while I was taking my time unfolding his card. Mukhang mas kinakabahan siya dahil kampanteng-kampante ako.

"Tangina. Bakit ang hirap?"

"Ngayon lang pumangit ang sulat mo. Gustong-gusto mo talaga akong nahihirapan." daing niya, ang mga mata ay nasa card pa rin.

Tumawa ako at hindi na lang pinansin ang mgs reklamo niya. Binuksan ko ang hawak na papel at tama nga siya. Triple ang haba ng tongue twister ko kumpara sa kanya.

I started reading the first line. Kumunot ang noo ko dahil parang hindi naman rhyme ito. Ano? Pati ito ay gawa-gawa niya rin? Binasa ko ang buong tongue twister.

Napasinghap ako nang mabasa ang huling linya. Hindi ko maialis ang tingin sa hawak na papel.

Nilingon ko siya na ngayon ay pokus na pokus sa pag sasaulo noong tongue twister.

"Harvey." I called.

"Saglit patapos na." he said like a cat on hot bricks.

"Babe." I called him again. He onlt glanced at me for a while. Ibabalik na sana niya ang tingin sa hawak niyang papel nang iwagayway ko ang hawak-hawak kong card.

Willy will wheel the 18-wheelers.
Harvey hopes it's a hey yes.
Will you marry me?

Iyon ang nakasulat sa card niya. He's proposing to me!

"It's a hey yes." I said laughing. His jaw literally dropped with my answer.

"Kahit hindi ko 'to masaulo?" tukoy niya sa tongue twister ko.

"Yes, stupid!" natatawa kong sabi.

"Tanginang 'yan." he crumpled the paper and tossed it.

Mabilis niyang kinuha ang singsing mula sa box at ipinasok sa daliri ko. Our hands are both shaking kaya natawa kami pareho. Ang tagal bago niya naisuot sa ring finger ko ang singsing.

He held my hand and kissed the ring on it while looking at me.

"Mahal na mahal kita." he muttered.

I shook my head and closed my eyes. A tear fell on my right cheek.

Mas mahal kita.

We shouted with people. Not because of the towering ride but the towering happiness we're feeling right now.

Akala ko ay wala talaga siyang balak gawin 'to. Higit sa lahat ay siya ang nakakaalam na hilig ko ang mga ganito. I fascinate surprises a lot. Sa mga nakaraang araw, inisip ko na wala na talaga siyang pakealam sa gusto ko. Lalo pa't pinaramdam niya talaga sa'kin na ayaw niya sa mga ganito at hinding-hindi niya gagawin. Kahit pa para sa akin.

He acted well. I didn't know that that was also a part of his surprise. And this, this is the best surprise I've ever had from him.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now