Chapter 26

4.4K 145 2
                                    

I expertly punched Harvey's passcode to his penthouse and the door clicked open at my first attempt.

Huminga ako ng malalim nang bumungad sa akin ang makalat niyang living room. Mukhang mapapasabak ang cleaning skill ko ngayon ah? Itinali ko ang basa ko pang buhok at nag-stretching. After that, I started picking clothes from the floor, chip wrappers and emptied can beers.

Harvey isn't here because he has a research to defend today. Malapit na rin ang final exam namin kaya kailangan naming mag-review lalo na siya dahil graduating na.

Napansin ko na habang tumatagal kami ay mas nagiging komportable kami sa isa't isa. Ganoon din sa pamilya ng bawat isa. I even met his brothers, Kuya Huntley and Kuya Hayden noong Holiday dahil magkasama ang pamilya naming ipinagdiwang ang Christmas at New Year pati na rin ang 2nd anniversarry namin.

Kinuha ko ang sweeper at nagsimula nang magwalis. Marunong na ako ngayon ng mga gawaing bahay. Hindi na ako nagpapaakyat pa ng helper para gawin 'to kasi nandito naman na ako. Saka isa sa mga rason kung bakit gusto kong matutong maglinis noon ay para rin sa kanya.

Pagkatapos kong malinisan ang buong unit niya ay kinuha ko ang marurumi niyang damit at sinimulang ilagay sa cleaner. Isa-isa kong tsinitsek ang bulsa ng pants niya para kunin ang mga receipts at papel doon. Ibinaba ko ang dalang waste basket nang may isang nakatuping papel ang nakakuha ng aking atensyon. I opened it out.

List of her I love yous:
1. ewan
2. sira
3. shut up

I smiled shaking my head as I read my list of I love yous as said by him. I took a snap of it before I slid it inside my sling bag. I was planning on putting it in frame and display it to my room.

I was washing his clothes when the doorbell dings. Ngumisi ako sa isiping nandito na siya. Tumakbo akong walang sapin sa paa, may iilang bula rin sa forearm ko at wala na rin sa ayos ang buhok ko. My appearance didn't stop me from opening the door because I'm expecting it was Harvey.

"Kuya Hunt." I whispered in surprise when I saw his eldest brother instead. Suot-suot pa nito ang puting coat.

"You're cleaning?" he asked, brows are furrowed.

I laughed inwardly and opened the door bigger for him. "Uh, opo."

"Harvey is letting you?" he asked and went in. Isinara ko ang pinto at sinundan siya. He brought groceries. Tinulungan ko siyang ilagay iyon sa ref at cupboards. Tahimik lang kami hanggang sa matapos kami saka siya nagtanong kung nasaan si Harvey.

"Sa school po. He's having his defense."

Kumunot ang noo niya noong una ngunit kalaunan ay tumango na rin at tinanggap ang sagot ko. Hindi rin siya nagtagal at nagpaalam na. Talagang naghatid lang siya ng grocery.

His brothers weren't that bad after all. Maging si Tito Hubert. They're just not that expressive but they care for Harvey.

I grilled a steak for dinner. I also arranged the table to make it more romantic. Habang kinukuha ko ang steak ay napaso ang palapulsuhan ko. I groaned when it started to turn red and then violet. Naghanap ako ng ointment sa first aid kit ni Harvey kaso wala akong mahanap kaya hinayaan ko na lang na magtagal sa malamig na tubig ang aking kamay.

I cleaned the entire unit, washed his dirty clothes and cooked for dinner. I looked at the wall clock and heaved a sigh. Alas diez na ng gabi pero wala pa siya. I tried calling him pero hindi niya sinasagot.

Malungkot akong ngumiti habang sinasara ang pinto ng unit niya. Hindi ko na siya mahihintay pa saka hinahanap na rin ako sa amin.

Nasa parking lot na ako ng gusali nang makita ko siyang bumaba sa isang itim na Jeep Wrangler. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang suot niyang tracing suit. Bumaba ang car window sa may driver seat at nakita ko si Gav.

I neared them without ado.

"Jo." I called him. Sabay silang lumingon ni Gav sa'kin. Gav greeted me, I only nodded at him and looked at Harvey.

"Babe." he called and snaked his arms around my waist. He sniffed my scent and I could also smell his.

"Lasing ka." I stated and looked at Gav.

"Nag-race kayo?" tanong ko kahit na obvious naman. The tone of my voice wasn't that pleasant. I know I'm being rude to him but I just really don't feel him.

"Oo Hope."

"Pero mayroon siyang defense ngayon." ani ko at sinubukang tingnan si Harvey na nakahilig ang ulo sa aking ulo at mukhang natutulog na.

"Uh, hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yan." Gav answered.

"Where's his car then?"

My eye drifted at Gav. I can see that he's hesitating to answer me kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Mas mabuti kung si Harvey na lang ang kausapin mo, Hope."

Hanggang sa makaalis ang sasakyan ni Gav ay hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. What does he mean by that?

Nilingon ko si Harvey na malalim na ang paghinga. I patted his back.

"Let's go. I'll take you to your unit." I said and guided him to his unit. Kahit nahihirapan ay naiakyat ko pa rin si Harvey sa tulong ng bell boy. I called Mama telling my situation and the possibility na baka dito na lang ako matulog sa unit ni Harvey dahil walang mag-aalaga sa kanya. Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na nakatulog ako sa unit ni Harvey kaya pinayagan din ako.

Nagpasalamat ako sa bellboy na tumulong sa'kin dalhin si Harvey hanggang sa ikalawang palapag ng unit niya kung nasaan ang bedroom niya. Matapos maihatid ang bellboy ay bumalik ako sa room ni Harvey para tulungan siya sa pagbihis. Una kong hinubad ang sapatos niya bago ang suit.

"Jo." I lightly patted his cheek.

"Hmm?"

"You have to change your clothes." I said trying to pull him up. Umupo naman siya sa kama pero nakapikit pa rin. I pulled his shirt up and folded it before I tossed it to the waste basket along with his suit. Kumuha na rin ako ng malinis na damit sa kanyang closet at bumalik sa kanya. Ngumiti ako nang makitang nakaupo pa rin siya at nakapikit pa rin ang mga mata.

"Ang baho mo na." I said smiling as I dressed him up.

I tucked him in bed and kissed his forehead before I switched off the light in his room. Dumiretso ako sa guestroom at doon na natulog. I took a shower and wore a dolphin shorts and his white shirt.

Kinabukasan ay nagising ako sa isang marahang haplos. Nang imulat ko ang mga mata ay ang mukha ni Harvey ang nakita ko. Patagilid siyang nakahiga sa kama habang ang isang siko ay nakatuko sa kama at nakasuporta naman sa kamay ang kanyang ulo. May rosas na nakaipit sa bibig niya.

I get the fresh flower from his mouth and smell it.

"Saang bakuran mo na naman 'to pinitas?"

Humalakhak siya at mabilis akong pinatakan ng halik sa labi.

"Grabe. Pinaghirapan ko 'yang kunin."

"So binibigyan mo 'ko ng nakaw?"

"Nagpaalam ako!" giit niya.

I wrinkled my nose and let the scent of rose creeped into my nose. He's intently looking me until he called me.

"Sof," softly he called me.

"What?"

He shook his head and pulled me closer to him.

"Magrereview tayo ngayon." saad ko nang maalala ang exam.

"Opo." he nodded and started swirling his finger in my curls. Nang mapagod ay sinimulan na niyang itali ang kulot kong buhok sa isang messy bun.

"By the way, saan ka galing kahapon? Bakit ka uminom at late na ng uwi? And your car? How's your defense anyway?" sunod-sunod kong tanong sa kanya nang maalala kung bakit ako natulog dito.

"May ipapakita ako sa'yo." he said instead. Tumayo siya at hinila ako palabas ng guest room.

"Jo." I called him. He's evading my questions.

Ngunit nang makarating kami sa hagdan ay nawala lahat ng tanong ko. I saw petals of red roses scattered on the staircase. Nilingon ko siya sa aking likuran.

Umangat ang kilay niya. "Kilig ka?" he teased.

I hit him. "Shut up." I said that made him laugh.

"I love you too." he said while catching my hand.

Maging sa sariling sorpresa ay panira siya. Sinundan ko lang ang petals ng rose pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ay nakita ko na ang mas marami pang petals sa baba! I could already swim on it! Halos hindi ko na makita ang puting sahig dahil sa rose petals na nagkalat sa sahig.

"Babe, ang kalat!" I said and turned to him.

"Sabi na eh. 'Yan ang magiging unang reaction mo. Nag-expect pa naman akong dadambahin mo 'ko ng yakap o kahit simpleng thank you man lang."

"Pero seryoso nga!"

"Ano?" mabibigat ang kanyang hakbang na lumapit sa'kin. He's only wearing a black sweat shorts. Kita ko pa ang Calvin Klein niyang boxer.

"This is for?" I asked. I rested my nose against his chest as he carried me bride style.

"Apology. 'Di ko alam na naghihintay ka sa'kin kahapon. I'm sorry."

"Hmm."

Umupo kami sa iisang upuan at kinain ang steak na niluto ko kagabi. I'm glad he microwaved it. Akala ko ay pati 'yon ay hindi niya alam.

Pakatapos naming mag-agahan ay nag-review na kami. Ilang oras kaming tahimik at abala sa pagrereview. Naging maingay lang nang magpahinga kami upang kumain.

"Babe, check my proposal. Papasa na?" tanong ko at iniharap sa kanya ang laptop. Inalis naman niya ang tingin sa librong hawak at tiningnan ang screen ng laptop ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nang makalapit ako sa gilid niya ay hinila niya ako paupo sa kanya. He quickly wrapped me in his arms.

"Hmm, maganda." aniya habang ini-scroll ang document hanggang sa makarating sa last page kung saan nakasulat ang pangalan ko. Nagtagal ang tingin niya sa pangalan ko.

"What? In love ka na rin sa pangalan ko?" biro ko.

"Matagal na." he smirked and planted a kiss on my nape. "Sofia Brayleigh Almendarez." he said staring at me.

"Ang ganda ng pangalan ng babe ko." he then turned his eyes on the screen of my laptop. "Kaso may kulang."

"Huh?" I checked my name if there's a letter I omitted pero wala naman.

He quickly keyed in a word.

"Sofia Brayleigh Almendarez - de Silva?" basa ko sa pangalan ko nang dagdagan niya ito ng apelyido niya.

"Uh huh." sabi niya at ipinatong ang baba sa balikat ko.

"Pagka-graduate mo, pakasal na tayo Sof." he whispered and showered kisses on my nape.

"Mag-iipon pa." I reminded him.

"Puwede naman nating gawin kapag kasal na tayo."

"I want us to have a stable life before we settle."

"Stable naman tayo ah?"

"Nah. When I say stable, we both have work and we can provide for ourselves without relying on our parents." I was saying all that while tracing his showing veins on his forearms. I turned to him.

"'Tsaka bakit ka ba nagmamadali? We're still young. Let's enjoy our life being single dahil hindi mo na 'yan mai-enjoy kapag magkaanak na tayo."

"Magkaanak? So, you're thinking of babies when talking about marriage."

"Of course. I want a little Aesthrielle na rin." I childly said like I was just asking for a doll. Imagine, may tumatakbo-takbo na bulinggit dito sa condo ni Harvey.

Pero matagal pa 'yon siyempre. I just envy Rain for having a living doll but that's not enough reason for me to have a child. Masyado pang mababaw ang rason na 'yon at wala pa kaming ipapakain. Hindi pa rin naman ako handa sa bagay na 'yon.

Tumawa si Harvey at inabot ang labi ko upang halikan.

"Ano? Practice na tayo?" he playfully asked. Naramdaman ko bigla ang pagpasok ng damit niya sa loob ng damit ko.

"You're horny." I sighed when I felt his hand on my underboob.

"Uh-huh. At kailangan mo nang umuwi bago pa magdilim ang paningin ko." natatawa niyang sabi habang hinahalikan ang leeg ko. Lumilis na rin pababa ang isang manggas ng damit ko kaya hinalikan niya ang parte ng balikat ko na kita.

"Alright." I said but my body's telling me otherwise...

He rested his hands on my waist.

"Ano? Gusto mo pa?"

Umiling-iling ako na ikinatawa niya. Ayaw ko pa sanang tumayo dahil inaantok ako but he forced me to.

"Uwi na."

I turned to him. "What?"

"Baka 'di ako makapagpigil Sof. Uwi na." He always does this after the foreplay, forcing me to leave.

Pagkauwi ko ay kaagad akong natulog dahil sa antok na kanina ko pa nararamdaman. Hindi ko na naisip pa na sa lahat ng tanong ko ay walang sagot na ibinigay sa'kin si Harvey.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now