Chapter 38

5K 131 12
                                    

"O sige. Titingnan ko na rin kung may bakante pa." sabi ni Pau sa kabilang linya.

Ngumiti ako at tumango.

"Salamat Pau." I said and bid goodbye.

After the call, a message popped out.

Peachy: Promodizer Hope. Okay lang?

I quickly typed in a reply.

Me: Yeah, I'll take that. Thanks Peach.

I sighed and slid my phone in my bag. Totoo nga ang sabi ni Papa, tanging ang buhay ko na lang ang iniwan niya sa'kin.

He took everything from me. My job, my car and my cards. Kahit pa sariling pera ko na iyon at pinaghirapan ko sa trabaho ay walang pag-aalinlangan niyang kinuha sa akin.

Pagkatapos ng surgery ni Harvey sa ibang bansa ay ipinagpatuloy namin ang therapy niya rito sa bansa. Ilang buwan na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon...

I jumped a little when I heard crashing inside his doctor's office. I quickly wiped my tears and went inside.

"Tang ina naman. Sabihin niyo na lang Dok kung makakakita pa ba ako o hindi!"

Habang tumatagal, mas lalo lang nagiging mainitin ang ulo niya. He's being impatient. I understand him. I know it is very hard for him.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang cane na nasa sahig. Sa akin lang siya kalmado. Kapag sa iba ay lagi siyang galit kaya hindi puwedeng matagal akong mawala sa tabi niya.

Tiningnan ko ang Doktor at humingi ng paumanhin. I'm glad his doctor is used to this kind of patient.

Bago kami umalis ay kinausap ako ng kanyang doktor. Katulad ng palaging sinasabi sa amin ay maghintay lang kami. To restore his vision is a process that's why we need to buy time.

Sinimulan ko nang gabayan si Harvey palabas ng ospital. Pareho kaming tahimik habang naghihintay ako ng masasakyan namin pauwi. Sa sobrang pag-iisip ko sa trabaho ay mas marami pang beses akong natatalisod kaysa kay Harvey.

I hailed a cab. Hinawakan ko ang siko niya at inalalayan siya hanggang makapasok sa loob ng sasakyan. I placed my hand over his head to keep his head from hitting the roof of the cab. It's sweet to see a man does this gesture to his woman but it's sweeter if a woman does this to his man.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bago naming tinutuluyan. We're not living in a high-end penthouse or in a luxurious condo unit anymore. Hindi ko kayang tumira sa bigay ng ama niya. We both hated it kaya nagkasundo kaming umalis na.

Mabilis kong kinuha ang purse ko at naghanap ng pera. Nahihirapan akong kumuha ng ibabayad dahil wala rin naman akong makuha. Sapat na sana ang mga barya na ibabayad ko nang maihulog ko pa ang piso. Kaagad kong kinapa sa sahig ng sasakyan ang nahulog na piso.

Harvey called me when he noticed that I was taking so long paying the driver.

Nakita ko rin ang driver na tahimik na nagmamasid sa amin mula sa rearview mirror ng sasakyan. Ngumiti ako ng pilit sa driver at kahit masama sa loob na hindi ko nahanap ang piso ay kumuha ako ng isang libo at iyon ang ibinayad sa kanya.

Tumingin ako sa bubong ng sasakyan nang maramdamang maiiyak na naman ako. Nakita ko na naman kasi ang awa sa mukha ng isang tao na palagi ko na lang nakikita kapag magkasama kami ni Harvey.

Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa kahoy na inaanay na tarangkahan ng inuupahan naming bahay. I'm a bit glad that he doesn't have to see this. Hindi ako sanay sa ganitong lugar at mas lalong siya kaya ang sakit-sakit tingnan kung saan kami bumagsak ngayon.

Sa mga nanyayari sa amin ngayon, napagtanto ko kung gaano kahalaga ang pag-iipon at pagtitipid. I wanted to hurt my old self because I spent lavishly for clothes and nonsense things. Now, I don't even have enough money to spend for our food.

Marami rin akong nakikitang tao na mayaman at bumagsak sa kahirapan. Narinig ko galing mismo sa mga bibig nila ang panghihinayang at pagsisisi. Kung sana ay naging maingat at wais lang sila sa paggasta ng pera nila, hindi sila babagsak.

That should be a lesson learned to us. But then I guess, you wouldn't really learn until you experience it yourself. Now that I'm experiencing it all I'm starting to regret.

I was always reminding him before not to depend on our parents, little did I know I was depending on my parents too. I was hypocrite myself.

Kumuha ako ng panggatong at bunot. I'm starting to practice what I had learned in my scouting before in my new life today. Natuto na akong mag paapoy, mag-saing at mag-luto sa kahoy. Though hindi ko na ito masyadong nagagamit dahil halos araw-araw ang pagdala ng pagkain ng mga kaibigan niya sa amin.

I smiled when I think of his friends. That's what you really called friendship. They would never leave you through thick and thin. Wala mang pagmamahal at suporta siyang natatanggap mula sa pamilya niya ngayon, bawing-bawi naman sa mga kaibigan niya.

Minsan kahit gaano ko pa kakailangan ng tulong nila ay tinatanggihan ko na lang dahil nakakahiya na sa kanila. Grabe-grabeng tulong na ang ibinibigay nila sa amin. Hindi lang kay Harvey pati na rin sa'kin. Pero kahit anong tanggi ko ay nakakahanap pa rin sila ng paraan para makatulong. Noong una ay nagugulat pa ako na sa tuwing maglalaba ako ng damit ni Harvey, may mga pera nang nakalagay sa bulsa ng pants niya. I wonder if he knows that.

Pero may mga pagkakataon din na nauubusan kami. Bumuntong-hininga ako nang makitang wala nang laman na palito ang kaha ng posporo. Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa malapit na tindahan.

"Tao po." I called. Mabilis ding lumabas ang ale.

"Uh posporo po." sabi ko sa tindera at kumuha ng barya. Nakita ko ang paboritong biscuit namin ni Jo na sais pesos kaya bumili na rin ako ng isang supot.

"Magkano po?"

"Sesenta tres."

Bumunot ako ng fifty pesos, dalawang sinco pesos at dalawang piso. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko sa pag-asang may makakapang piso pero wala. I closed my eyes and exhaled deeply. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang halaga ng piso.

I heard the woman sighed. Mukhang napansin na wala na akong pera. Well I have money in my purse. I should have brought it. Kinuha niya ang kulang na piso kong bayad.

"Huwag na ang piso ineng. Para piso" she said nonchalantly.

Gulat kong tiningnan ang Ale. Gusto ko sana siyang pagsabihan na huwag niyang para-parahin ang piso dahil kapag napunta siya sa kalagayan ko ay katumbas na ng isang libo ang piso.

"Babayaran ko po ang piso." determinado kong sabi na ikinailing lamang ng tindera.

"Ikaw 'di ba 'yong bagong lipat? 'Yong may asawang bulag?" she harshly asked.

Ngumiti ako nang pilit sa kanya kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan na ako sa walang preno niyang bunganga.

"Uh, hindi ko pa po asawa. Fiancé ko po."

The woman gasped like she heard a shocking revelation. She leaned over and whispered.

"Kailan mo ba balak hiwalayan?"

Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya.

"Po?"

"'Yong bulag, kailan mo balak hiwalayan?"

"Hindi ko po siya hihiwalayan."

Tumawa ang Ale at pabirong pinalo ako na para bang nakakatuwa ang pinag-uusapan namin.

"Huwag na tayong maglokohan ineng. Hindi mo naman pala asawa, bakit hindi mo pa hiwalayan?"

"'Tsaka tutal bulag naman, wag ka nang bumalik sa kanya. Hindi naman niya makikita na aalis ka. Malalaman nga lang niya pero huli na kasi nakaalis ka na." she laughed.

"Mahal ko po siya."

"Mahal?" the woman scoffed.

"Walang mahal mahal kapag nahihirapan na. Alam mo ba kung bakit hindi mo pa hinihiwalayan ang bulag na 'yon?" bulong niya.

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya kaya siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong.

"Dahil naaawa ka." she surely said.

"Huhulaan ko hindi tatagal ng taon ang pagsasama niyo at hihiwalayan mo rin ang bulag na 'yon. Lalo pa't maganda ka. Marami kang pagpipilian kaya alam kong matutukso ka rin sa huli at sasama sa ibang lalaki. 'Yong hindi inutil at gulay kagaya ng kasama mo ngayon."

After the talk I have with that woman, I have decided. Nakapagdesisyon na akong hindi na babalik pa kahit kailan sa tindahan niya at mas lalong hindi ko na ibabalik sa kanya ang kulang na piso.

Nakapagdesisyon na rin akong doon na ako bibili sa ka-kompetinsya niyang tindahan simula sa araw na 'to. Kahit inis ako sa tindera ay ginamit ko pa rin iyong posporo at kinain ko pa rin ang biscuit na binili sa kanya. Sayang kong itatapon ko dahil galit ako sa binilihan ko.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para sa trabaho ko at kay Harvey.

"Babe, ang sabi ni Raven alas otso dadating ang nurse mo." sabi ko habang sinusuklayan ang buhok niya.

Raven volunteered to have Harvey his personal nurse at si Step naman iyong sa kasama namin sa bahay. Pero sa unang helper pa lang ay hindi na niya gusto.

Gusto niya ay ako lang ang mag-aalaga sa kanya kaya sa nurse na lang kami nag-stick ni Harvey para kahit wala ako ay may kasama siya. 'Tsaka gustuhin ko man na ako na ang mag-alaga sa kanya minu-minuto ay hindi ko rin magawa dahil kung 'yon lang ang gagawin ko, wala kaming kakainin.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang repleksyon niya sa salamin. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang tuhod niya.

"Uh, bakit umiiyak ang baby ko?" I asked and wiped his tear. He shook his head and blinked his eyes.

"Umiiyak ka ba kasi hindi mo na nakikita ang magandang mukha ng asawa mo?" I tried to brighten the atmosphere. Hindi naman ako nabigo nang makitang ngumiti siya.

"Don't worry, mas gumanda lang ako lalo." sabi ko habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. Sa sinabi kong iyon ay mukhang mas kailangan ko pang kumbinsihin ang sarili kaysa sa kanya.

I was quickly aging a lot from my unruly hair, sagged skin, and swollen eyes. Hindi ko na maalagaan ang sarili. Hinawakan ko ang kamay kong puro ng kalyo. Wala nang bakas na naging malambot ang kamay ko. Ang mga ugat sa kamay at paa ay unti-unti nang lumalabas dahil kahit pagod ay bumababad pa rin sa tubig para maglaba, umigib ng tubig at maghugas ng pinggan.

"Talaga?" he sniffed.

I nodded my head and bit my bottom lip. "Yes, so anong gustong pasalubong ng baby ko? Bibilhin ni Mommy." I said and we both laughed while crying. This is talent.

Tumayo ako sa harapan niya at ipinagpatuloy ang pagsuklay ng buhok niya. Tumigil nga lang ako nang ipasok na naman niya sa loob ng damit ko ang ulo niya at doon umiyak.

Tumingin ako sa itaas at iiyak na sana nang makita ko ang butas na yero. Lumabi ako at tiningnan na lang ng masama ang sira-sira naming bubong. I should get it fixed. Baka bahain kami kapag umulan nang malakas.

"Umuwi ka lang sa'kin Sof. Sobra-sobra pa sa pasalubong 'yon."

Suminghap ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na nagdududa na siya kung uuwi pa ba ako.

"Of course, uuwi ako sa'yo." I assured him and kissed him full on the lips.

"I love you." I said and cupped his jaw.

"Mahal na mahal kita." he said and hugged me tighter like it would be our last hug.

Nang dumating ang kanyang nurse ay umalis na ako para sa trabaho. I'm working as a promodizer in a real estate company. Malayong-malayo sa trabaho ko bilang Finance Director sa kumpanya namin. Habang tinitingnan ang flyer na hawak ay saka ko lang nalaman na isa pala sa mga subsidiary companies ni Lolo ang kumpanya na pinagtatrabahuan ko ngayon.

I wasn't used to please nor have the talent to convince people. It was the other way around. Pero ngayon ay talagang nabaliktad na. I sighed and looked at the pile of flyers on my hand. Huminga ako nang malalim at nagsimula nang mamigay ng flyers.

"Good morning Ma'am˗" Ilalahad ko na sana ang flyers nang tinampal niya ang kamay ko.

"Hindi ako interesado." masungit na sabi ng ginang at nilampasan ako na parang isang hangin.

I sighed.

That's okay, Hope. Maybe that woman is having a bad day and she lashed it out on you because you pushed her to. Okay lang 'yan. Pag-aalo ko sa sarili.

Nagpatuloy ako sa pamimigay ng flyers na kahit karamihan sa kanila ay itinatapon lang sa basurahan ang flyer na ibinibigay ko. There were guys pretending that they're interested in my offer but at the end, they would tell me that they're far more interested in me. At nakakainis dahil nag aaksaya ako ng oras at panahon para kausapin sila sa wala. Naglakad ako pabalik sa post ko para maupo at magpahinga muna saglit.

I screamed when the heel of my shoe broke. I lost my balance and fell on the floor. I looked around only to see lots of people looking at me. Halos lahat nang dumadaan ay napapatingin sa akin. Ang ilan ay bumubulong, tila namumukhaan ako. Yumuko ako at kaagad na pinulot ang mga flyer na nagkalat sa sahig. Mamaya ko na aayusin ang nasirang sapatos.

"Hindi ba't si Hope Almendarez 'yan?"

"Oo iyong magna cum laude."

Mas lalo akong yumuko upang matakpan pa lalo ng kulot kong buhok ang mukha.

"Hindi ba't mayaman 'yan?"

I bit my lower lip and shook my head. Don't mind them, Sofia.

"Tinakwil na ata ng pamilya at sumama na roon sa boyfriend niyang bulag."

My grip on the flyers tightened. Mabagal ang pulot ko sa mga papel para kapag tapos na ako ay tapos na rin silang pag-usapan ako.

"Hay totoo talaga ang sinasabi nila na kung sino pa ang matatalino ay nagiging tanga at bobo sa pag-ibig. Kaya ako, kahit may sinco akong grado..." the girl scoffed. "Hindi ako gagawa ng ganyan kaestupidong desisyon."

"Baka hanggang sa loob lang ng classroom ang talino kaya napariwara."

I wiped my tears and lifted my head. That's when the murmurs stopped and that's when I saw my parents!

Hindi kagaya ko ay mukhang kanina pa nila ako pinagmamasdan. Gulat ko silang tiningnan. Bumagsak ang tingin ko sa mga hawak nilang paper bag. They're with their bodyguards.

Mama looked at me with pity. I even saw how a tear fell from her cheek. Lumipat ang tingin ko kay Papa. He looked away when our eyes met.

"Let's go Geneva." he said and turned to me.

"Ma," I sobbed and she just smiled at me. Hahakbang na sana siya palapit sa akin nang nilingon siya ni Papa.

"Geneva." Papa warned.

I nodded my head telling her that I'm fine. She mouthed "We miss you." before she turned her back on me.

I miss them more. Pinunasan ko ang luha at kinuha ko ang nasirang takong at naglakad palapit sa post ko nang may bumangga sa'kin. Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi ko inasahan na makikita ko sila ngayon dito. Ngumiti ako sa kanila nang hindi man lang umabot ng tenga.

"Diyos ko por santos Sofia. Isinabak ka ba sa giyera?" Pau shrieked and held my hands.

Dinala nila ako sa isang coffee shop. Sa loob din ng mall kung saan ako nagtatrabaho.

"Ano 'to? Bagong style ng nail polish?" tukoy niya sa sira-sirang nail polish ko. Nahihiya kong inagaw sa kanya ang kamay at itinago sa ilalim ng mesa. Hindi ko napansin na ganoon na pala kalala ang lagay ng nail polish ko. I should have cleaned it.

"I used to like your hands and nails before." Pau sighed. "Ngayon ay mas maganda pa ang mga kamay ko kaysa sa'yo."

Ngumiti ako nang makita ang malinis at maganda niyang kamay. Good for him then and too bad for me.

I looked at Peachy and immediately looked away when I saw her stares on me. That pity again.

"Umamin ka nga. Nakakakain ka pa ba ng tatlong beses sa isang araw?"

Bumalik ang tingin ko kay Pau at tumawa pero kaagad ding naglaho.

"Of course." I lied. I always have no appetite to eat these days. My situation is making me sick. Pakiramdam ko ay parang may bumabara sa lalamunan ko sa tuwing sinusubukan kong kumain.

Hindi na ako nagulat nang hilain ni Pau ang buhok ko. There are things that never really get changed. Isa na roon ang pagiging brutal ni Pau.

"Pau." Peachy is trying to stop him.

"Ang tanga-tanga mo." Pumikit ako at ininda ang sakit. He pushed my forehead with his index finger multiple times.

"Estupida! Gaga! Boba!"

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hiwalayan mo na ang lalaking 'yon?!"

Ilang beses ko nang narinig 'yan sa araw na ito at ako ang nasasaktan para kay Harvey. What if he hears it? It would break him for sure.

"Alam mo ba kung bakit may mga mata tayo, Sofia? 'Yon ay para makakita!" He slammed the table.

"Sa nakikita ko ngayon ay mukhang mas bulag ka pa kaysa sa lalaking 'yon!"

I love Pau from being honest but his language really cut deeper than a knife.

"Oh ano? Tapos iiyak-iyak ka?" Pau sobbed. Tatlo na kami ngayong umiiyak dito sa loob ng coffee shop at marami na rin ang napapatingin sa mesa namin.

"Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya, ako na ang magsasabi kay Harvey. Umuwi ka na sa inyo, Sofia. Utang na loob. Maawa ka naman sa sarili mo."

Umiling ako at yumuko.

"I love him." I croaked. Tumawa si Pau pagkatapos ay tiningnan ako nang masama.

"Tonta!" he swore and pushed my head again.

"Importante pa ba ang pagmamahal? Hindi na tayo mga bata, Sofia. Handa ka ba na bulag ang magiging asawa mo? Handa ka na ba na bulag ang magiging ama ng mga anak mo? Habang buhay 'to Sofia."

"Hindi siya habang buhay na mabubulag Pau. Makakakita pa siya ulit."

He scoffed. "Naniniwala ka pa talaga roon?" he asked in disbelief.

"I am hop˗"

"This is hopeless." sabi nito at isinandal ang likod sa upuan.

"His friends always got his back, Pau. Tumutulong sila sa amin."

"Hanggang kailan? Hanggang kailan kayo manglilimos ng tulong?"

Ouch.

"Soon, magkakaroon na ng sariling pamilya ang mga kaibigan niya, mawawalan na ng oras at panahon na tulungan kayo. Sino ang maiiwan? Ikaw? Mag-isa na bubuhay sa lalaking 'yon at igagapang sa kahirapan ang mga magiging anak niyo?" He shook his head in disappointment.

"Alam ko na ang mangyayari sa buhay mo Sofia kapag hindi mo pa hiniwalayan ang lalaking 'yon! Kawawa ang magiging anak niyo. Mabu-bully sa school dahil bulag ang tatay, hindi mo mapag-aaral sa magandang eskuwelahan dahil wala kang pera? 'Tsaka ano ipapakain mo sa kanila? Suka at asin? Toyo at mantika? Gatas at asukal? Naku! Dadagdag lang sila sa bilang ng mga malnourished na bata sa bansa!"

I pursed my lips. Peachy too.

"I didn't know you have that kind of imagination Pau." sabi ni Peachy at hindi na mapigilan ang matawa. Dahil doon ay binatukan siya ni Pau.

"Hindi ako nakikipagbiruan." he seriously said that made me stop myself from smiling.

The thought of me having kids with Harvey excited me.

Gusto ko nang umuwi sa kanya.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon