Chapter 3

5.8K 195 8
                                    

My breathing quickened when I met his deep stares on me. Sa pinagsamang takot at kaba ay napasandal ako sa mesa. The table shook with my force. I even accidentally pushed the cup of coffee and it spilled all over the table! Huli na nang maagapan ko ito!

Hindi agad ako nakagalaw sa nagawa dahil sa pagkagulat. Hindi ko na rin napansin ang init ng likido na tumama sa kamay ko dala ng takot at kaba sa lalaking nasa harapan ko ngayon. I heard him muttered curses and shoved me away. Mabilis niyang sinalba ang mga papel na hindi pa tuluyang nabasa ng kape.

"Anong nangyari?" Rain appeared and helped him saving her things.

Nang ma-realize ang nangyayari ay kaagad akong tumulong sa kanila.

"I'm so sorry!" Kinakabahang hingi ko ng paumanhin.

"Monday na ang deadline nito." si Rain na parang maiiyak na habang tinitingnan ang mga papel niyang higit na nabasa. Unti-unti nang lumalabo ang sulat nito.

Sa pagkabahala sa kanyang mga nabasang gamit ay hindi na niya ako natapunan ng tingin. Mukhang wala na nga itong pakealam sa paligid at hindi na pinagtuunan pa ng pansin ang presensya ko.

"Uh, puwede nating paini-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang hilain ako ni Harvey palabas ng cafe. Binitawan niya lang ako nang nasa parking area na kami.

"Ano 'yon? May problema ka ba sa mga kaibigan ko?" galit niyang asik sa akin.

Mabilis akong umiling. "Wala, I was just-"

"Sige nga at magpaliwanag ka!"

Yumuko ako nang hindi ako makahanap ng sapat na rason sa nagawa.

"Hi-hindi ko naman intensyon na mangyari 'yon." mahina kong sabi sa kanya. I pulled the hem of my shirt as I explained. Sa galit niya sa akin ay parang sinadya ko ang nangyari.

"Tss, anong ginagawa mo roon kung ganoon?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil ayaw ko namang sabihin ang totoong intensyon ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ko na lang pinagbigyan si Kuya.

"S-sorry."

"Tangina."

Pumikit ako ng mariin nang marinig ko ang mura niya. Kita ko ang pagkawala ng sapatos niya sa harapan ko kung kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na iangat ang tingin. Tanging ang likod niyang papalayo sa akin ang unang nasilayan ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa loob. Mula sa glass wall ay kita ko ang paglapit niya kay Rain na ngayon ay umiiyak na.

I feel guilty. It was my fault. Hindi ko pa matanggap na ang pathetic ng reason ko kung bakit nangyari iyon sa mga schoolwork ni Rain.

I was mad at Kuya. Hindi niya alam ang nangyari dahil bigla na lang siyang nawala sa cafe nang mangyari iyon at nakita ko na lang siya sa loob ng kotse matapos ang aksidenteng ginawa dahil sa utos niya.

"Hindi worth it ang bente pesos Kuya!" protesta ko pero ang baliw kong kapatid ay tinawanan lamang ako. Kung alam lang niya ang nangyari dahil lang sa napakawalang kuwenta nitong utos kapalit ang bente pesos niya.

"Sure ka, Raniyah Iluvia Villabrille ang buong pangalan niya?"

Sa halip na sagutin ang kapatid ay humalikipkip ako at tumingin sa labas.

"May gusto ka ba sa kanya? Wala ka nang pag-asa Kuya. Kay Kuya Ace 'yon may gusto. Mukhang pati bestfriend niya ay may gusto rin sa kanya." Sabi ko na binalewala lang niya.

Bumuntong-hininga ako saka kinuha ang cellphone sa dashboard. Mabilis kong itinipa ang pangalan ni Harvey para hanapin siya sa Facebook. Mabuti na lamang at isang account lang niya ang naroon kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin siya.

Hope Almendarez: I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Kung may maitutulong ako, please let me know. I would help.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinadala ang mensahe sa kanya. I bit my nail while thinking of him. Siguro ay iniisip na niya ngayon kung gaano ako kasama. He once caught me, about to spill out a cup of espresso to Step and now this happened to Rain.

My phone dinged and a notification popped out. My heart throbbed when I saw his name on the notification center.

Harvey de Silva sent a sticker.

My hands were trembling when I clicked it. My lips parted when I saw a sticker. It was a mad puppy with a caption "I hate you" above its head.

Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. I could not contain my smile. I know the sticker meant a negative message. He hates me but I feel a little lighter that he sent a sticker to tell me his hatred instead of a message. But that light feeling didn't last long when I read the sentence beneath.

You can't message or call them in this chat, and you won't receive their messages or calls.

He blocked me?

Yes, he did.

Galit pa rin siya kung ganoon.

Akala ko ay okay na dahil sa sticker at sa agaran niyang reply pero kung titingnan ang galit niya sa akin kanina ay imposible nga naman na mawala iyon kaagad. I ruined his bestfriend's work.

I sighed and stared out the window.

Buong weekend ay wala akong inisip na iba kung hindi ang humingi ng sorry sa kanya.

It was an early Monday. I was on my line for the flag ceremony at habang nagse-settle ang mga magsasagawa ng seremonya ay hinanap ko siya sa mga nakalinyang engineering students. Kaso hindi ko siya mahanap.

I thought of giving up. Hayaan ko na lamang siguro? Baka makakalimutan niya rin paglipas ng mga araw?

Huhupa rin ang galit noon sa'kin. I tried to convince myself but I was never really good at it.

I just found myself roaming around the College of Engineering right after the flag ceremony. May twenty minutes pa bago magsimula ang first period ko. May kalayuan pa naman ang SHS Building dito.

Ilang minuto na akong naglilibot sa gusali ay 'di ko pa rin siya mahanap. Masyado ko yatang minaliit ang populasyon ng College of Engineering.

Sumagi rin sa isip ko ang hanapin si Rain para sana personal na humingi ng sorry sa kanya pero nahihiya ako sa kanya. She doesn't know me and I am scared of her. Ayaw kong makatanggap ng mura galing sa kanya.

I find her personality strong and bold. Just like Step that's why I know we will never really get along well. Baka hindi pa ako natatapos magsabi ng explanation ko ay nakatanggap na ako ng sabunot sa kanya. I never like violence and it seems like she's fond of it.

Nabigo ako sa paghahanap kay Harvey ng araw na iyon.

Lumipas ang mga araw na hindi ko na masyadong naisip ang nangyari sa cafe dahil sa naging busy na rin ako sa pag-aaral ko.

"Sama ka?" aya sa akin ni Kuya isang sabado. Nakasalampak ako sa sofa habang kumakain ng chips nang sumulpot siya sa harapan ko na bagong ligo at nakabihis na rin.

"Saan?" tamad kong tanong sa kanya.

"Racetrack."

Hindi na ako nag-atubili pa at sumama na lang sa kapatid. I badly need this one. My social life isn't active before and it's getting worse now. Alam kong ako rin ang mahihirapan sa mga susunod kung magiging ganito ako palagi at sasanayin pa ang sarili na maging mailap at malayo sa mga tao.

Kuya Juls waved at us when we arrived at the track. Nakasuot na siya ng suit at may dala-dalang helmet.

Naiwan ako sa loob ng kotse ni Kuya nang magpaalam siya sa akin na pupunta siya sa locker. Nakaparada ang awtong sinasakyan sa tabi ng track at nakapuwesto ako ngayon sa driver seat.

I was watching fast racecars ranging over the racetrack. Umaambon kaya madulas ang daan pero hindi iyon nakapagpigil sa mga racer na magpaharurot ng kotse sa track.

Hindi ko mapigilan ang mamangha sa driver ng mga kotse na nagpapatakbo nito. They seem not to care about their lives. Accidents are everywhere. Hindi ba nila alam na maaaring magbago ang buhay nila oras na maaksidente sila?

I chuckled thinking I am back again from being a coward.

I was advised by my adviser to run as the representative of my class considering that I was once an SC President in my former school but I declined. Ang makita ang nang-uuyam na tingin sa akin ni Kezia at Xyril ay nakadagdag lalo sa pagtanggi ko. Mukhang alam ko na ang mangyayari kapag lumaban ako.

Ngayon, habang tinitingnan ko ang mga kotse sa track ay wala akong maisip na iba kung hindi ang pagiging mahina ko. Hindi na dapat ako bumabalik sa pagiging duwag. Tapos na ako roon. My cousins are elated that I'm not that coward Hope anymore. Palagi na akong game sa mga gusto nila pero mukhang ngayon ay bumabalik na naman ako sa dati.

I sighed and started the engine of Kai's racecar. I clicked my head and stepped on the gas.

I'm still a minor. Hindi dapat ako nagmamaneho sa ganitong uri ng sasakyan at sa ganitong lugar. Pero may gusto akong patunayan sa sarili ngayon. Inalis ko sa isipan ang lahat ng agam-agam ko at hinayaang lunurin ang sarili sa pagmamaneho.

Ilang beses na akong nakaramdam na dumudulas ang gulong ng kotse pero hindi ako tumigil doon. Kahit ngayon lang, I want to free myself from worries.

Pero mabilis ko ring pinagsisihan ang kapabayaan nang tumama ang kotse na sinasakyan sa kotse na nasa harapan! Una kong naisip ang galit na Nikolai Almendarez dahil ginasgasan ko ang kotse niya!

My heart pounded rapidly when the driver of the racecar I bumped got out from his vehicle. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko nang makilala kung sino ito.

Si Harvey.

I startled when he knocked on the window of my car. Malakas at sunod-sunod ang ginawa niyang pagkatok. Nang hindi ko binuksan ay sinipa niya ang pinto ng sasakyan. May kung ano na rin itong sinisigaw sa labas pero hindi ko iyon rinig. Unti-unti na ring pinapalibutan ng mga tao ang kinaroroonan namin. I even saw Rain came rushing to stop him.

Hindi pa ako kinabahan ng ganito buong buhay ko. Ngayon lang. 'Yong pakiramdam na lalabas na sa loob ng ribcage ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili pero mukha yatang mas lumala lang ang kabang nararamdaman nang magtagpo ang mga mata namin nang buksan ko ang bintana sa aking gilid. I was uncontrollably shaking in fear when I met his intense stares at me.

"Ikaw na naman?!" he shouted.

I closed my eyes and a tear fell down on my cheek. Yumuko ako upang iwasan ang mga nakakamatay niyang tingin sa akin na ngayon ko lang nakita.

"I-I'm s-sorry-"

"Ilang taon ka na ba? Fourteen? Thirteen?" galit na tanong ni Harvey kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya dahil sa takot na sabihin ang tunay kong edad.

Naramdaman kong may humawak sa siko ko kaya lumingon ako sa aking likuran at nahuli ko si Kuya at Kuya Julian na ngayon ay nagtatanong ang mga mukha sa akin.

"Binangga ng kapatid mo ang sasakyan ko, Almendarez!" Harvey's voice thundered.

Galit na bumaling sa'kin si Kai saka nilingon si Harvey. Yumuko ako at hinila na lamang laylayan ng damit ko.

"Pasensya na-" hinging dispensa ni Kuya pero hindi niya ito pinakinggan.

"You shouldn't have allowed her here. She's still a minor!" he shouted and looked at me. "Ano ang tingin mo rito? A fucking playground?!"

"I'll just pay for-"

Hindi niya pinatapos na magsalita si Kuya.

"I can fucking pay for it! Huwag na huwag mo lang siyang patapakin ulit dito!"

Kuya was trying to talk to him calmly but his mind is clouded with anger. He's fuming mad. Maging si Rain ay hindi ito napakalma.

Saka lang ako umangat ng tingin nang tumalikod na siya sa'min. Huminga ako ng malalim habang tinitingnan siyang papaalis. Nagkakaroon din lang naman ako ng lakas ng loob na tingnan siya ng diretso kapag nakatalikod siya.

I cried. It was the first time I got scolded by someone I was not close with. And I am not used to it. Kung si Kuya o hindi kaya ay si Mama o Papa ang pinagalitan ako ay matatanggap ko. I would take it lightly dahil sanay na ako sa kanila. Pero ang makatanggap ng galit galing sa taong hindi mo lubusang kilala ay malaki ang epekto sa akin.

I wiped my tears and took a deep breath. Alam kong sumusulyap-sulyap sa akin si Kuya habang nagmamaneho. Umuwi na rin kami agad pagkatapos nang nangyari. My brother didn't say anything about the incident and I'm glad of that. The last thing I want right now is to receive another sharp scolding.

That's the last encounter we had. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi ko na siya hinanap pa kung kaya hindi na kami muling nagkita pa. Maging sina France at Step ay minsan ko na lamang makita. Malaking tulong na rin siguro na sa SHS Building lang ako at hindi na piniling magliwaliw sa ibang sulok ng unibersidad kung hindi kailangan.

My days, weeks and months in St. Joseph went fine. Ilang buwan na lang at bakasyon na. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya pagkalipas ng ilang buwan sa mahabang pathway papunta sa SHS Building. Kasama niya ang mga kaklase niya at may kung ano silang pinag-uusapan na nakakatawa. Tumigil lang siya sa pagtawa nang makita ako.

I gasped when our eyes met. I stepped back and turned my back against him on the double. Mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Kahit malapit na ako sa SHS Building ay pinili ko na lamang umikot huwag lang siyang makaharap at makalapit pa sa kanya. The thought of our last encounter scared me.

Ilang araw matapos ko siyang makita sa pathway ay umuwi si Kuya na bugbog sarado. I heard suspended din siya. Mama was so mad at him. Ilang sampal din ang inihinandog sa kanya ni Mama ng araw na 'yon.

Pati sina Kuya Julian, Kuya Arthie at Kuya Ace ay kasama sa gulo! Imagine my shock when I heard Kuya Ace received the maximum suspension. Napakalayo sa personalidad niya ang gumawa ng gulo. I wonder what's the real reason beneath.

Kahit ano namang tanong ko kay Kuya ay ayaw naman niyang sabihin sa'kin kung bakit sila nakipagsuntukan. Eh hindi naman nila iyon gawain lalo na ni Kuya Ace.

Pagkatapos noon ay naging usap-usapan na rin ang biglang pag-alis ni Rain Villabrille sa St. Joseph. Walang nakakaalam kung saan siya pumunta. May mga sabi-sabi na sa ibang bansa raw at doon na ipinagpatuloy ang naudlot na pag-aaral.

Ang pag-alis naman niya ay ang pagsulpot at ang pagkakaroon ng mataas na puwesto ni Celestine Villabrille sa unibersidad. Napakalaking palaisipan kung bakit nawala si Rain sa eskuwelahan gayong nandito ang ina niya pati na rin ang kapatid nito.

I am in my twelfth grade when I earned friends. When I say friends, true friends.

"Hope." Sumulpot sa aking gilid si Miko. He slid his binder over my desk and made a puppy eye. He also handed me his pen.

"Pasulat ako."

Pabiro ko itong hindi pinansin at ibinalik ang tingin sa board saka ipinagpatuloy ang pagkokopya. May biglaang emergency ang teacher namin ngayon kung kaya iniwanan niya lang kami ng mga gagawin.

Ang tamad na si Miko ay nagpapasulat na naman. Kilala siya sa classroom bilang tamad sa pagsusulat. Nanunuhol lang ng mapagtitripan kung sino ang magiging sekretarya niya. Kung hindi naman ay taga-hiram ng notebook dahil palaging walang kopya. Napakalinis ng notebook niyan eh. Animo'y di man lang nabuklat.

"Babayaran kita."

"How much?" tanong ko, hindi iniaalis ang mga mata sa board.

"One hundred."

"Per page. Kapag back to back, two hundred pesos." biro ko. Susulatan ko rin naman siya pagkatapos ko. Kahit wala pang bayad.

"Ang daya."

"Mahal ang sulat ko, kung ayaw mo edi huwag."

"Oo na, heto na." ngumiti ako nang makitang maglabas ng dalawang daan si Miko. Bago pa man niya ito mailahad sa akin ay may kumuha na noon.

"Ako na ang magsusulat!" presinta ni Lav at kinuha ang binder at pen ni Miko.

"Hoy, ang panget ng writing mo. One hundred lang dapat!" reklamo ni Miko.

"'Di hamak sa'yo." Lav stuck her tongue out at Miko. Ngumisi lamang si Miko at pinagtripan si Lav habang nagsusulat.

I'm happy that I have friends. Finally. Though nanghihinayang lang ako dahil kung kailan ay ga-graduate na kami saka lang kami naging malapit ng ganito sa isa't isa. But we already planned that we'll take business administration here in St. Joseph kaya magkakasama pa rin kami sa college.

"Boy hunting tayo, Hope. May bago akong target ngayon. Sa Civil Engineering." kinikilig na bulong sa akin ni Lav.

Napailing na lamang ako at natawa sa sinabi ng kaibigan. Siniko niya ako nang walang marinig na sagot sa akin.

"Ano? Game?"

"I don't know Lav. Baka naghihintay na sa akin si Kuya."

Lav rolled her eyes. "Saglit lang tayo. Malay mo may matipuhan ka. Nagkakaubusan pa naman ngayon ng Engineer sa market."

Kunot noo kong tiningnan ang kaibigan, hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"Mainit sa mata ng mga kababaehan ngayon ang mga Engineering students. Kung hindi naman ay med student o law. Sige ka, baka maubusan tayo." pananakot niya na ikinatawa ko.

"Ewan ko sa'yo Lav kung bakit mga matatanda ang tipo mo. 'Di mo man lang i-consider ang mga Senior High dito. Ang dami mo kayang manliligaw sa iba't ibang class, maging dito sa klase natin. Huwag na 'yong mga matatanda." Wika ko at pinakatinitigan ang kaibigan.

Lavienna Guillen is beautiful. Akala ko noong una ko siyang makita ay modelo o 'di kaya ay artista pero nang makilala ko ay hindi ko akalain na napakasimple at ordinaryo lang ng buhay niya. Hindi nalalayo sa buhay mayroon ako. Hindi nga lang halata sa kanya dahil sa angking-ganda niya.

"Hmm? Bakit parang pakiramdam ko sinaktan ka ng isang lalaking ahead sa atin?" usyoso ni Lav.

I looked at her, shocked with her conclusion. Iniwas ko ang tingin sa kaibigan at sinubukang ipagpatuloy ang pagsusulat.

Lav laughed. "So, mayroon nga? Share naman diyan."

"I'm a proud NBSB, Lav."

"Bakit? Boyfriend lang ba ang may kayang saktan ang isang babae?"

What she said got me. That's point-taken. Hindi nga lang naman boyfriend ang may kayang saktan ang babae.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now