Chapter 4

5.4K 192 7
                                    

I bent over to have a keen look at the sweets in front of me. Gusto kong subukan iyong brownies nila kaya iyon ang itinuro ko sa babaeng nasa counter. I also ordered their hazelnut milktea.

Maaga ako ngayon para sa first class ko ngayong araw. Pinili ko na ring maging maaga ngayon para may oras pa akong mag-review. May quiz pa naman kami sa Entrepreneurial.

Habang hinihintay ang order ko ay rinig ko ang pagtunog ng chimes. Awtomatikong lumilingon ako sa tuwing naririnig ko ang tunog ng chimes. Mukhang naging habit ko na rin.

Kaagad ko ring pinagsisihan ang ginawang paglingon nang makita ko kung sino ang pumasok. Binalik ko ang tingin sa harap at pinagdiskitahan ang malaking board doon kung saan nakalista ang iba't ibang klase ng mga milktea.

I closed my eyes and spell the word cappuccino in my head then machiatto. It went to Mississippi, Mediterranean, Massachusetts and to other places that are quite hard to spell. Habang iniisip ko pa ang pinakamahirap na salita ay narinig ko ang pasalit-salit na pagbati sa kanya ng mga crew.

"Good morning Sir Harvey!" A crew greeted him.

Think, Hope. Ang dami mong naiisip sa tuwing naglalaro kayo ng spelling nila Miko tapos ngayon ay wala ka nang maisip?

"Hi Sir." ang barista na ang bumati. Naramdaman ko ang pagsagi ng siko niya sa akin nang ipatong niya rin ang braso sa counter.

Inalis ko ang braso sa counter upang maiwasan ang contact namin sa isa't isa. I feel different when his elbow touched mine. Bumibilis ang tibok ng puso ko at alam kong dala iyon ng takot ko sa kanya.

Mukhang nakuha ko ang atensyon niya sa aking ginawa kaya napalingon siya sa'kin. Hindi ko na hinintay pa na magtama ang tingin naming dalawa at ako na ang unang umiwas. Umatras na rin ako ng isang hakbang para magbigay distansya sa pagitan namin.

"The usual pa rin po ba, Sir?" tanong ng baristang babae sa kanya. That means he's a regular customer here.

He chuckled. "Oo... Vina."

Dumating ang order ko. Kaagad ko itong kinuha at umupo sa bakanteng mesa malapit sa glass wall. Malapit sa St. Joseph itong cafe kaya karamihan ay mga estudyante ang tambay rito.

Sinimulan ko nang buklatin ang libro ko para sa Entrepreneurial. Nagsimula na akong mag-review at itinuon ang mga mata sa binabasa. Tagumpay naman ako roon pero ang utak ko ay nasa iba ang pokus. Knowing that he's sitting in the table next to mine, mawawala talaga ang focus ko.

Lumingon ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Bago pa ako makaiwas ng tingin ay inunahan na niya ako sa pag-iwas. He took a sip from his milktea and fiddled with his phone.

I stared at his milktea. I pursed my lips when I realized na mas marami ang pearls niya sa kanyang milktea kaysa sa akin. Ganoon ba kapag regular customer ka na? Mas maraming pearls? May add ons ba sila rito?

Umiling-iling ako upang alisin ang iniisip saka ibinalik ang tingin sa libro na binabasa. Hindi pa man ako nakakabasa ng isang paragraph ay tumunog ang cellphone ko na natatabunan ng iilang mga papel sa mesa.

Harvey de Silva sent a sticker.

He unblocked me already?

Natawa ako ng bahagya sa naging tanong ko. Of course, Hope. He wouldn't be able to send you a sticker if naka-block ka pa rin sa kanya.

Hindi ko alam ang gagawin. Should I open it? Takot din akong lingunin siya sa kinaroroonan niya. So I settled on not opening it. Pinatay ko ang cellphone at piniling mag-review na lamang.

"Anong sagot mo sa number five?" tanong ni Lav nang makalabas ang Professor namin.

"Akin business entity." Ani ni Miko na bigla na lang sumulpot sa harapan namin hila-hila ang plastic chair. Pinatalikod niya ito upang maupo roon habang nakaharap sa amin.

"Shut up, Miks. Ikaw kausap ko?"

"Bakit ba? Parehas din kami ng sagot ni Hope. 'Di ba Hope?" pangungulit ni Miko sa akin.

"I can't remember." sagot ko sa kanila.

Nag-away lamang sila sa harapan ko. Mukhang nagtatalo sa kung ano ang tamang sagot sa isang item.

Katulad ng plano naming tatlo ay business administration ang kinuha naming kurso. It was fine... mostly I guess.

First year college na kami pero ang mga ugali namin ay ugaling highschool pa rin. Edad lang namin ang nagbabago pero ang ugali ay ganoon pa rin. Isip bata pa rin. I won't deny it. Kung hindi si Lav ang kaaway ni Miko, malamang ay ako. Wala lang talaga akong enerhiya ngayon makipag-away sa sinuman sa kanilang dalawa.


"Hope!" Devi suddenly called my name. Nasa hamba siya ng pintuan at nakangiti ng malawak sa'kin.

"May naghahanap sa'yo! Jowa mo raw." sigaw nito na naging mitsa ng hiyawan ng mga kaklase ko. Nagulat ako sa pag-iingay nila pero mas nagulat ako sa sinabi ni Devi.

"May jowa ka?!" Pag-aalog sa akin ni Lav.

"Don't worry. Hindi ko rin alam na may jowa pala ako." sabi ko sa kaibigan na naghi-hysteria na habang si Miko ay nakakunot lamang ang noo, walang naiintindihan sa mga nangyayari.

I don't know but this situation feels like a dejavu. Parang nangyari na ito dati sa'kin at alam kong hindi lang iyon parang. I could clearly recall that moment in mind.

Dahil doon ay kinabahan ako ng sobra. Wala naman akong atraso sa kanya, bakit pakiramdam ko ay bumabalik siya?

It's been what? Two years since that racetrack incident? Hindi ko na matandaan.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papunta sa pintuan. Saka lang kumalma nang makita kung sino ito.

"Hope!" France removed his back from leaning on the rail.

"Hey." I tried to energize my voice as his but it went different.

He chuckled seeing my face. "Expecting someone?"

Mabilis akong umiling-iling. "Uh, wala. Nagulat lang ako na... ikaw pala ang naghahanap sa'kin."

He shrugged, disregarding my faltering voice. Bumuntong-hininga ako nang lumapit siya sa'kin.

"I have a proposal." Direkta niyang saad na ikinakunot ng noo ko.

"SC Election is approaching..."

Hinintay ko ang mga susunod niyang sabihin. Hindi nagtagal at nagsalita itong muli.

"I'm forming my party and I want you to be part of it."

"You'll run for president?!" Hindi ko mapigilang maitanong nang mapagtanto kung bakit siya bumubuo ng sariling organization.

He scratched his brow and looked down. "Uh, yes."

"That's good!" I said in awe.

France never fails to amaze me. He's really an achiever. Parang wala kang maipipintas sa kanya. He's very hardworking and genius too. Almost perfect. Who would not admire this guy in front of me?

My admiration for him started back when I was in my ninth grade. Noong nakita ko siyang nagtatrabaho sa isang car wash. Sinamahan ko lang ang kapatid ko noong nagpa-carwash siya ng isa sa mga sasakyan niya at hindi ko inasahan na makikita siya roon. Hindi ko na rin sinubukang magpakita sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Dala ng hiya na rin siguro dahil naging crush ko na siya ng araw ding iyon.

"Gusto ko sanang maging bahagi ka ng party ko kung gusto mo."

"Pero first year pa lang ako." I said like being a first year is an exemption.

His brows furrowed with my reason. "And?"

"Hindi ko alam kung mananalo ako."

I feel honored and delighted that he considered me to be part of his party but I think it's not a good idea to bring me in.

"That's not the Hope I know." he said, a bit disappointed.

Yumuko ako at pinagdiskitahan ang hem ng uniform ko. "I'm sorry."

"May ilang araw pa naman bago ang submission ng application. Baka magbago pa ang isip mo."

Umangat ang tingin ko sa kanya.

"I already brought the form with me because I was confident that you wouldn't say no to this. But things change I guess."

Bumagsak ang tingin niya sa relos na suot. "Hindi pa ako nakapasok sa isang klase ko dahil sinadya ko talagang puntahan ka rito. May practicum pa naman kami ngayon doon. Papasok pa ba ako?" He was talking to himself. Pero alam kong sinasadya niyang marinig ko ang mga iyon.

I narrowed my eyes at him.

"Are you guilt tripping me?"

Tiningnan niya ako at ngumisi nang makita ang mukha kong may bahid ng pagka-maldita na mga close friends at pinsan ko lang ang hinahayaan kong makita ito.

I sneered at him that made him laugh.

He's right. Things really did change. Kung noon ito nangyayari ay hindi ko ito magagawa sa harapan niya. Hindi ko siya makakausap ng ganito ka-casual. Pero ngayon ay kayang-kaya ko na.

Hindi nagtagal ay sumeryoso na rin siya at inilahad sa'kin ang application form.

"Naniniwala pa rin ako na magbabago ang isip mo. I'll reserve you a position for senator, Hope." wika nito saka tuluyang nagpaalam at umalis.

"Sino 'yon?" tanong sa akin ni Lav nang makabalik ako sa loob ng classroom.

"Si France." sagot ko at umupo na sa upuan ko.

"Sa Sabado sa bahay tayo ha?" paalala niya sa akin.

Sa Sabado na ang eighteenth birthday niya at dahil ayaw niya mag-imbita ng marami ay kaming dalawa lang talaga ni Miko ang inimbita niya sa amin na magkaklase.

Kung sabagay, hindi pa naman kami masyadong close sa iba naming blockmates. Kaya naiintindihan ko siya sa parteng 'yon.

Noong unang beses na inimbita niya kami ni Miko ay tinanong namin siya kung ano ang motif ng debut niya para makapaghanda kaagad kami ng susuutin. Pero tinawanan niya lang kami ni Miko.

"Anong motif? 'Di uso sa amin 'yon uy! Videoke lang at pakain sa bahay tapos inuman after."

Then, that hit me. Her life is different from us. Hindi ko kasi iyon pansin sa tuwing magkasama kami.

I bought shoes for her as my present. She's fond of wearing sneakers kaya iyon ang binili ko para sa kanya. I bought three different pairs of sneakers. Ibinalot ko ang mga iyon sa magandang wrapper. Naghanda na rin ako ng letter para sa kanya.

Sa gabi pa ang party pero minabuti namin ni Miko na sa hapon ay doon na kami para tumulong sa paghahanda.

Ipinakita ko kay Manong ang message ni Lav sa akin. It's their address.

"Nandito na tayo, Hope." Manong said as soon as he stopped the engine of our car. Maliban sa kotse namin ay may isa pang nakaparadang kotse sa tabi ng bahay nila.

Binuksan ko ang bintana sa aking gilid para tingnan ang bahay na nasa aming tapat. I was once gotten here pero gabi iyon kaya hindi ko na masyadong maalala ang kulay at istruktura ng bahay nila.

Umalis din kaagad si Manong nang makababa ako. Ang sabi ko sa kanya ay magte-text lang ako kapag magpapasundo na ako.

Madami akong dalang paper bags habang naglalakad papunta sa kanilang gate. I tried to find a doorbell but there was none kung kaya kumatok na lamang ako. Nang walang nagbukas ay nag "tao po" na ako.

"Tao po!" I already shouted it. Malakas na rin ang ginawa kong pagkatok sa gate nilang kulay pula at sa tingin ko ay magkakapasa na ang knuckles ko sa kakatok.

"Tao po!" I shouted it out loud.

What's taking her so long? Lumabas na nga ang kapitbahay nila sa pag-aakalang sa kanila ako kumakatok.

I knocked their gate with all my force. "Tao po!" My voice almost croaked pero hindi pa rin binubuksan 'yong gate.

I exhaled deeply and dug my phone in my bag. I was about to call her when the lock clinked.

"Grabe! Daig mo pa mamamatay kung makakatok!" sigaw niya habang binubuksan ang lock.

That male voice! That familiar baritone voice! Hindi ako puwedeng magkamali!

We were both stunned seeing each other.

"Uh," Hindi ko alam ang sasabihin! Mas lalo lamang akong kinabahan nang makita ang pagdikit ng kanyang mga kilay at mataman akog tinitigan.

"Sino 'yan?!" Someone shouted in the background.

"Anong ginagawa mo rito?" Harvey asked.

Tiningnan ko ang address na binigay sa akin ni Lav tapos ay doon sa address na naka-post sa gilid ng gate. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa cellphone saka sa address at nang ma-realize na mali ang pinagbabaan sa akin ni Manong ay parang gusto ko na lang mawala sa harapan niya.

This is embarrassing!

I gulped and looked at him. I tried to compose myself in order to save myself from this humiliation.

"Wrong address." Malumanay kong sagot na parang hindi ko kinalampag ang gate kanina. Handa na ako sa pag-alis nang sumulpot sa kanyang likuran si Alric.

"Oh, hi! Sadya mo ako Miss?" tanong nito saka itinulak si Harvey. May suot pa siyang apron at may hawak pang sandok.

"Gago, wrong address nga." ani ni Harvey sa kanyang tabi pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay naglahad siya ng kamay sa'kin.

"Alric."

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya. "Hope Almendarez."

"Anong ginagawa mo rito?" si Harvey na halata na ang kaunting inis sa kanyang mukha.

"Wrong address." sabi ko, hindi na maitago ang kaunting inis sa pagiging makulit nito.

He pursed his lips and averted his eyes.

"Wrong address ka?!" sigaw ni Alric na parang ngayon lang napagtanto kung bakit ako nasa tapat ng kanyang gate. "Hanep. Parang gigibain mo na gate namin sa pagkatok ah?"

Biglang bumalik ang hiya na nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi niya.

"Sorry."

"Saan ka ba dapat?" Alric asked.

"Kina Lav sana."

He raised his brow. "Sa love mo?"

"Hindi! Sa kaibigan ko." depensa ko.

"Kaibigan mo, love ang tawag?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Harvey.

"Sa mga Guillen." I clarified. Ngumuso siya at hindi na nagsalita pa pagkatapos.

"Kina Vienna?"

Lumingon ako kay Alric dahil sa sinabi niya. Kilala niya si Lav?

"Yes, malayo ba bahay nila dito?"

"Medyo may kalayuan. Pa'no hatid ka na lang namin?"

I shake my head. "Thanks for the offer but I can handle myself. Sorry for disturb-"

"Uy, sino 'yan?!"

Isang tricycle ang huminto sa tapat ng bahay nila. Lumabas mula roon si Eve na maraming dala. She is smiling widely while looking at me in awe. Parang siyang-siya na makita ako. That made me uncomfortable.

"Hi." she extends her arm for a handshake. Nag-aalangan pa ako kung tatanggapin ko ba ito o ano pero siya na ang umabot sa kamay ko para makipag-kamay.

She looked over my shoulder. "Girlfriend mo, Jo?" she asked. My face heated because of that. Gusto kong itanggi pero nagsalita si Alric.

"'Di puwedeng akin muna? Bahay ko 'to." si Alric na ngayon ay kinuha na ang mga dala ng kaibigang babae.

"Imposibleng sa'yo. Alam ko mga tipo mo."

"Sige nga, ano ang mga tipo ko?" hamon niya sa kaibigan.

"Basta, mga hindi kagaya ni Rain. May pagka Rain ang isang 'to eh." nakangiti nitong sabi saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Mga tipo ni Harvey." she laughed and looked at him.

"No, we're not-" I looked at him, seeking for help but before I could even do that, Eve already pulled me inside. Kahit anong pagtanggi ko dahil nakakahiya ay ayaw niya akong pakawalan.

Nakarating kami sa maliit na terrace ng bahay at ang daming nagkalat na mga balloon, mga tela, bulaklak at kung anu-ano pang pang-desinyo.

May mga letter balloons din na naka-arrange na sa mahabang upuan.

Aesthrielle @ 10

"Grabe, iniwan ko lang kayo ng isang oras, ang kalat-kalat na dito! Hoy Alric! Baka magalit si Tita sa'tin!"

Alric laughed. "Hindi 'yan. Eve may isinasalang ako sa kalan, paki-bantayan. Maliligo muna ako!" he shouted and went upstairs.

"I need to go-"

"Alric!" Eve rushed inside. Mukhang pumunta na sa kitchen para tingnan ang niluluto ni Alric na iniwan sa kanya.

I looked at Harvey who's sitting on the stool. May pinulot siyang light pink na balloon at sinimulan itong ihipan. Ngumuso ako nang makakita ng bomba para sa balloon na nasa tabi lang niya. Hindi pa iyon nakukuha mula sa plastic kaya alam kong hindi pa iyon nagagamit.

"I need to go." sabi ko sa kanya.

Itinali niya ang leeg ng balloon saka ako tiningnan. "Alam mo ba kung saan ka pupunta?"

"Yes."

I am well decided to turn my back to him but when he says,

"Okay, basta mag-ingat ka sa mga galang aso r'yan sa labas at sa mga tambay na umiinom sa bawat kanto." he shrugged. "Alas sinco na. Talamak pa naman ang mga kawatan sa ganitong oras dito."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Tinatakot mo ba ako?"

Tumigil siya sa pag-ihip ng hangin sa balloon saka ako tiningnan sa mata. "Huh? Hindi ah. Pinapasaya kita. 'Di lang halata." sarcastic niyang sabi sa akin.

Ayokong maniwala sa kanya dahil baka nagbibiro lang siya pero ayoko rin namang mangyari sa'kin ang mga sinabi niya. Hindi pa naman ako sanay sa lugar na ito.

Sa huli ay umupo na lamang ako sa bakanteng upuan at pinaglaruan ang number 1 na balloon.

"When your friend gets here, you'll take me to my friend's house." I insisted.

Naghihintay ako ng reklamo galing sa kanya pero wala akong narinig. Nang nilingon ko siya ay abala na siya sa ginagawa. I could see how he hardly blows up the balloon.

"You only use your mouth to blow all these balloons?" His lips seem tired and swollen from blowing up.

"Bilib ka?" proud nitong sabi habang ibinubuhol ang leeg ng balloon para matali ito. Isinama niya ito sa mga nagkalat pang balloons sa sahig.

If I'm going to estimate those, baka mga nasa twenty na siguro ang balloons na inihipan niya! Hindi ba namamanhid ang bibig niya?

Tumayo ako at kinuha ang bomba sa tabi niya saka kumuha ng isang balloon na wala pang hangin. Wala pang kalahating minuto ay nakapagpalobo na ako ng isang balloon.

I looked at him. Para siyang batang pinagkaitan ng karapatan habang nakatingin sa hawak kong balloon.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now