Chapter 17

5K 204 11
                                    

"Thanks Hope!" sigaw ni Miko habang kumakaway-kaway paalis. He's running backward while waving his hand at me. Nasa SCO ako kanina nang tawagan niya ako na kailangan niya ng tulong. May laro sila ngayon ni Alric at kailangan niya ng mag-aalaga sa pusa niya. Walang tao sa bahay nila at wala siyang mapag-iiwanan iba maliban sa'kin.

I looked at Miko's cat. She lazily stared back at me. Nakaupo kami sa magkabilang dulo ng bench dito sa Central. I jumped out when she moved. Kanina pa kasi siya nakaupo kaya nagulat ako nang tumayo ito at tumalon sa bench.

"Hey!" I called when she started chasing grasshoppers.

Wala kaming pet sa bahay at kailanman ay hindi nagkaroon kaya hindi ko alam kung paano mag-alaga ng hayop. And I have to look after this cat the whole afternoon! Paano ba 'to?

Sinundan ko ang pusa ni Miko hanggang sa makalayo na ako sa inuupuan namin kanina. Nang mapagod ako sa kasusunod ay umupo na ako sa swing at binantayan na lang itong walang pagod na hinahabol ang mga tipaklong. Bumalik ito sa aking may kagat-kagat na grasshopper. I thought she's gonna eat it but she played with it instead. Tinanggalan ng pakpak kaya hindi na makalipad pa.

I took a snap of the cat and sent it to Harvey. Kaagad naman itong nag-reply.

Harvey: Kasama mo si Val?

Hope: Val?

Harvey: 'Yong pusa babe.

So, Val was her name.

Hope: I think she's hungry. Ano bang kinakain nila? Do they eat table food din?

Harvey: Where are you ba?

I chuckled as I read his message.

Hope: Central.

Hope: Wala ka bang class? Stop chatting.

Mukhang nakinig naman ito dahil hindi na nakapag-reply pa.

Pinagmasdan ko na lang si Val na malayang tumatakbo sa damuhan. Mabuti na lang at hindi siya napupunta roon sa may kalsada malapit. What if magutom 'to? Hindi pa naman ako iniwanan ni Miko ng pagkain ng pusa niya.

Hindi nagtagal ay nakita ko si Harvey papasok ng park! Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi na naman nakabutones ang uniporme niya at nakarolyo pa ang sleeves! Kahit may undershirt siya ay napaka-inappropriate pa rin tingnan. Tapos nakasuot pa siya ng bandana gamit ang panyong pula.

Ano na naman ang trip ng isang 'to?

Nang mapansin niya ang paninitig ko ay nag-inarte na naman ang loko. He slid his hands in the pockets of his pants walked cooly to me like there's a camera rolling. Nang nasa harapan ko na siya ay kaagad kong kinuha ang bandana sa ulo niya.

"Guwapo ka?" I asked and started buttoning his uniform.

He chuckled and pinched my cheek. "Hindi ba?" he asked and pulled my head closer to him. Kaagad ko namang pinalo ang dibdib niya dahil hindi ko pa tapos i-butones ang uniporme niya.

"'Yong uniform mo."

"Ang OC." he said and sniffed my hair.

"I'm not. It makes you look disheveled." sermon ko. Ilang beses ko na siyang pinapagalitan tungkol dito pero palagi naman niyang ginagawa.

O baka naman...

Kaagad kong tinampal ang likod niya nang may pumasok na ideya sa isip ko.

"'Tsansing ka lang kaya siguro palagi mong 'di binubutones uniform mo 'no?" I accused.

Kaagad siyang bumitaw sa yakap at tiningnan ako na parang 'di makapaniwala. He scoffed and brushed his hair back.

"Grabe. Napakayabang. Ang yabang-yabang." he said in exaggeration.

A Hope to Lose (Friend Series #2)Where stories live. Discover now