Chapter 9

5.4K 239 21
                                    

The whole ride wasn't that bad and boring like how I usually feel whenever I'm riding on a motorbike with my brother. Harvey drives smoothly. Ibang-iba sa inaasahan ko na kaskasero siya magmaneho dahil sa car racer siya.

We stopped at a hotel where they serve palatable bulalo according to Harvey. I was standing behind him while he's expertly talking to the receptionist before us. The way I'm seeing it now, he's good at conversing with receptionists. Palagi siguro siyang pumupunta sa mga ganitong lugar.

Ano naman kaya ang ginagawa? Date probably. Kagaya nito? My face heated when I'm considering this as a date. God, Hope. Sinasabi na ngang huwag umasa e.

Naririnig ko ang sinasabi ng babaeng receptionist sa kanya. She's reciting too many beautiful spots where we could see the picturesque view of Mt. Taal.

But when he turned to me and asks, "Saan mo gusto?" I lost it. Ang tagal na nilang nag-uusap tapos hindi pa pala siya nakakapag-decide kung saan kami kakain?

Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko pero kanina ko pa kasi napapansin ang matagal niyang pakikipag-usap kay Harvey. Mukhang sinasadya niya para matagalan kami rito. At ito namang kasama ko... Bumuntong-hininga ako at nginitian siya ng pilit.

"Kahit saan." I answered him dryly.

He faced the receptionist again. "May kahit saan ba kayo rito?" tanong niya na ikinabungisngis ng kaharap.

I pursed my lips when I think of what's so funny with what he said? And where's the punch line? Gusto ko sanang itanong dahil hindi ko mahanap.

"The hotel has its garden on the rooftop, Sir. Baka mas gusto roon ni Ma'am."

"Sige, doon na lang Miss."

At the end, the receptionist decided for him.

"Mauna na ako." I whispered to him when I noticed that their conversation was taking so long. I was ready to find a lift when he swiftly captured my hand making me immobilize.

"Saglit na lang 'to." agap niya at tinapos na ang pakikipag-usap sa receptionist. Bumagsak ang tingin ko sa magkahugpong naming mga kamay. Hindi na ako nagsalita pa hanggang makasakay kami sa lift patungong rooftop.

"Bad mood?" tanong niya makalipas ang isang minutong katahimikan sa pagitan namin.
"Hindi." I said with crossed arms and looking straight at the door of the lift. Truth is, I'm masking my uneasiness with a deadpan face. Simula nang hawakan niya ang kamay ko kanina ay hindi na bumalik sa normal rate ang heartbeat ko. At natatakot akong mapansin niya 'yon.

"Sorry."

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi na napigilan at nilingon siya.

"Why were you saying sorry?"

"Galit ka eh."

I puckered my lips to stifle a smile. "Sorry accepted." sabi ko na ikinatawa niya.

"Hindi ka nga galit." Natatawa niyang ani.

The door of the lift slid open. Unang bumangad sa amin ang malawak na garden na punong-puno ng halaman at bulaklak.I blurted out an exaggerating wow as I scanned the whole place.

Ang railing ay napapalibutan ng mga vines, grass floored ang buong sahig ng rooftop, may mga swings na napapalibutan din ng vines, may mga wooden benches sa tabi at nasa gitna ang mga wooden table exclusively for two-person talaga.

The glow from the setting sun made me squint my eyes. I used my hand to shield my face against the heat of the sun. Hindi nakayanan na hanggang tingin lang sa magandang tanawin ang gagawin, I rummaged for my phone through my bag.

Pagkatapos kunan ang magandang tanawin, I set my phone on selfie mode. Ikalawang selfie ko pa lang nang tumigil ako dahil napansin ko si Harvey na tahimik lang akong pinagmamasdan. Ibinaba ko ang cellphone at tumingin na lamang sa magandang view sa harapan.

"Ang ganda siguro kong araw-araw akong makakakita ng ganito kagandang view." I casually said as I feasted my eyes on the beautiful scenery before my eyes.

We're both leaning against the railing as we witnessed the sky change from different colors. Umalis lang kami roon nang dumating ang order naming bulalo at iba pang side dishes.

Mukhang pareho kaming nagutom sa mahabang biyahe kaya wala ni isa sa amin ang nakipag-usap sa isa't isa. Lumipat din kami sa isa sa mga wooden bench matapos kumain.

"Oh." Harvey who's sitting beside me gave me a freshly picked flower. A pink magic rose.

"Hindi ba't bawal ang pumitas ng bulaklak dito." paalala ko sa kanya habang tinuturo ang signage na nasa bukana ng garden.

"Ang hilig mo talagang sumunod sa batas eh 'no?" he asked as  he turned his body sideways to face me.

"And you love breaking the rules."

Sa halip na makakuha ng sagot ay nginisian niya lang ako. I jerked a bit when he tucked my hair against my ear and slid the rose through my curly hair.

"Ayan para may sahog na ang pansit canton." he teasingsly said that made me frown.

He's the only person who's calling my hair pansit canton and making me feel awful of my hair! I slapped his hand out of my hair.

"Nakakainis ka." inis kong ani.

Maging sa loob ng elevator ay patuloy lang ang panunukso niya sa'kin.

"Hindi naman talaga mukhang pansit canton ang buhok ko!" I screamed in frustration.

"Oo na, hindi na." he said it in a dismissing tone but his eyes are telling me otherwise.

Tumahimik na kami pareho nang makalabas kami sa elevator ngunit masama pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Goodbye sir." ani ng receptionist habang dumadaan kami sa desk niya. Sumimangot ako nang mapagtantong si Harvey lang ang sinabihan niya ng goodbye.

"That girl seems has a crush on you." Hindi ko mapigilang sabihin kay Harvey nang nasa harapan na kami ng motorbike niya. He handed me his helmet and I carelessly took it from him.

Tiningnan niya ako, namamangha sa pagiging harsh ko.

"Talaga?"

Kumunot ang noo ko sa tono ng boses niya. Masaya pa talaga siya huh?

"Oo! At parang crush mo rin. Bakit hindi na lang 'yon ang ihatid mo?" I asked while fastening my helmet. Mas lalo akong nainis nang hindi ko ma-hook ang lock.

He walked near me and I stepped back as a defense. "Akin na," he said and swiftly fastened the belt.

"You didn't ask for her address?"

"Hindi, Sofia."

"Why? You have a crush on her."

"Wala ah."

"Liar."

He pursed his lips and shook his head.

"You sure you didn't ask for her address? Why don't you give her a ride too?"

He looked away, stifling his laughter.

"For sure you ask for her address so you could go to her every time you wish." I said. "Tell me, tagasan ba iyong receptionist? Malayo ba rito?" tanong ko at sinubukang huliin ang tingin niya.

"So ano nga?" I irritatingly laughed when I didn't receive any from him. "Anong address noong babae, 'yong crush mo." I insisted.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ini-insist sa kanya. Hindi naman ako interesado sa address ng babae.

I gulped when he finally turned to face me.

"Bakit?"

Napasinghap ako. "So, you really asked for her address huh?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

Nairita ako nang tawanan niya lang ako.

"So ano ngang address no'ng crush mo? Taga-saan daw, hmm?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

He looked at me with a ghost of smile on his face.

"Bakit? Ano bang address mo? Taga-saan ka ba, hmm?" he asked me back mimicking the tone of my voice.

Nagulantang ako sa sinabi niya.

"W-what?" I breathed.

"Tss."

Sa buong biyahe ay tahimik lang kami pareho. Katulad noon ay itinigil niya ang sasakyan sa ilalim ng puno ng narra 'di kalayuan sa parking area. Nang maihinto na niyang tuluyan ang motorbike ay bumaba na ako at mabilis na tinanggal ang helmet.

"T-thanks." I stammered. Gulat pa rin ako sa pag-amin niya na crush niya ako kaya hindi ko siya makausap ngayon nang hindi nakakaramdam ng pagka-ilang. He just confessed! What was that mean? Crush niya ako? Gusto niya ako?

"Hope."

"Hm?" I hummed, still never looking at him. Inabala ang sarilis sa pag-ayos ng nagulo kong buhok.

"May ibibigay ako sa'yo."

Saktong pagbaling ko sa kanya ay may itinapon siya sa hangin and I failed to catch it.

"Ayan, nahulog na tuloy." Umalis siya sa pagkakasandal sa motor at kinuha ang kahon sa konkretong sahig.

"Puwede mo naman kasing i-abot."

Our eyes met when he stood straight in front of me. He held my hand and placed the box over my palm.

"Congrats." malumanay niyang sabi habang nakatingin sa'kin ng direkta.

Umiwas ako ng tingin, hindi na makayanan ang intensidad ng tingin niya.

"Sa-salamat." I turned against him and ran towards the parking area. Kinabahan ako lalo nang makita ang sasakyan ni Kai. Pinaghintay ko na naman siya ng mahigit dalawang oras!

"What the hell, Hope?!" bungad niya sa'kin nang makapasok ako sa loob ng sasakyan niya.

"Sorry, Kuya. Sorry. Sorry." With trembling hands, I buckled up my seatbelt and faced the dashboard. Wala akong balak lingunin siya sa driver seat.

"Saan ka galing?" tanong niya na ikinapikit ko ng mariin. Talagang hindi na niya ako pagbibigyang makalusot kagaya ng dati.

"S-sa cafe."

"Saang cafe?"

Napalunok ako sa himig istrikto niyang boses.

"Sa... sa... sa tapat ng central."

Nasa harap ang tingin ko kaya hindi ko nakita ang amba niyang pagpitik sa ulo ko. Nilingon ko siya, hawak ang ulong pinitik niya.

"Busted!"

He looked at me with dismay.

"You think I didn't look over the places where you could possibly be?"

"But I was there!" pakikipagtalo ko sa kapatid na ikinaismid lang niya.

"Sige nga, anong oras kung ganoon?"

Nang hindi ako nakasagot ay pinitik niya ulit ang ulo ko.

"Strike two ka na Sofia ha. Isa pang beses na paghintayin mo ako rito ng ilang oras. Ha-hunting-in ko 'yang boyfriend mo."

"I don't have a boyfriend!" I exclaimed in horror.

"Don't fool me. Alam ko ang mga ganyang istilo. Sabihin mo sa lalaki mo, humanda siya." Ikiniling niya ang ulo saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Lalaki ko? Parang gusto kong matawa sa ginamit na salita ni Kuya. It's like I have another man when I don't even have a man.

"Makilala ko lang ang tarantadong 'yon." Rinig kong bulong niya na ikinaputla ng mukha ko.

Kahit sa bahay ay hindi pa rin ako kinakausap ni Kuya ng maayos. Maging sa hapag ay nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Mabuti na nga lang at hindi niya ako sinumbong kina Mama na pinaghintay ko siya dahil kasama ko si Harvey na akala niya ay boyfriend ko.

This is making me nervous. Iniisip ko pa lang na binubugbog niya si Harvey.

Si Harvey?

Teka, hindi ko naman siya boyfriend. Hindi dapat ako kinakabahan ng ganito. I'm not guilty. But I'm feeling like one.

Pinagmasdan ko ang kulay silver na kahon na ibinigay sa'kin ni Harvey kanina. Binuksan ko ito at isang silver na hairpin ang nakita ko. Over the pin, diamonds were studded forming the word "Hope" written in flowing style.

I smiled as I traced my fingers on the diamonds. I don't know whether he had it customized or he just saw this hairpin with my name on it. Alinman sa dalawa, I'm still thankful that he gave me a present for winning the SC Election.

Humarap ako sa vanity mirror ko at inipit ang hawak na hairpin sa buhok. Hindi ako mahilig sa mga aksesorya sa buhok. That's why when I decided to wear the hairpin, Lav immediately noticed it.

"Ay, para saan 'to?" Lav asked touching my hairpin.

"To hold my hair in place?" I didn't mean to sound sarcastic pero parang doon pa rin ang tuloy.

"Hindi ka naman naggaganyan ah?"

"For a change?"

"For a change. Nangangamoy change status na rin ba?" she asked and nudged my side with her elbow.

Ngayong araw ang schedule ng College namin para sa monthly checkup kaya halos lahat ng business students ay nasa University Hospital na. Kakaonti na lang ang natitira sa Building katulad namin na papunta pa lang sa hospital.

"May nakakita sa inyo sa Rizal noong nakaraang Biyernes. Nakita ko rin ang IG story mo kahapon. Nasa beach kayo? Mukhang balak niyo atang libutin ang buong Luzon ah?"

My face heated with that. This month has been nothing but adventurous to me. I spent my free time with Harvey, mostly. I mean always. He always showed up in front of me and asked me out, not date. When I mean out, literally out of St. Joseph or out the NCR. He likes to travel and eat, and I started to appreciate those because of him.

"Ano? Kayo na?" tanong ni Lav na ikinanguso ko.

"No."

"Dinala ka na sa kung saan-saan. Hindi pa rin kayo?"

"Well, he's not courting me." I said, a bit shy to say that he's not courting me... or disappointed? I don't know.

Dahil sa sinabi ko ay tumawa si Lav.

"Hindi nanliligaw? Lokohin mo lelang mo, Hope." sabi ng kaibigan at nauna nang maglakad sa akin.

I really don't know the real score between me and Harvey. Yes, he confessed that he had a crush on me. But would that be enough to conclude that he's courting me? Hindi ko alam. Wala naman akong alam sa mga ganito. 'Tsaka hindi ako sanay. It's not like everyday a guy would notice and talk to me like what Harvey's doing the past days.

Ang tanging alam ko lang ay manood ng mga ganitong scene sa movies o 'di kaya ay subaybayan ang love story ng mga tao sa paligid ko. Pero pagdating sa akin ay wala akong kaalam-alam. I'm more used to watching other people fall in love but when it comes to my own feelings, I'm being ignorant and oblivious.

Tumigil ako sa paglalakad nang may pumitik sa tenga ko. Hindi ko na ikinagulat na si Harvey ito. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi niya.

"Can you wipe that smirk off your face?" I politely asked and looked straight into my way. Why do I always see him here around? Ang layo ng college nila sa amin. Wala ba siyang klase?

"Bakit?"

It's because you're being more attractive whenever you smirk.

"It's like you're always up to something."

Kahit hindi ko siya tinitingnan ngayon ay tiyak akong nakangiti siya ngayon. At mas lalo ko lamang iyong napatunayan nang marinig ang mahinang tawa niya.

"Aba." Then, I feel his hand touch my hair, my hairpin. "Mabuti at sinuot mo na. Akala ko ay balak mong pakalawangin sa loob ng kahon."

I didn't wear it because I'm taking care of it. I'm only earing it today because I feel like of wearing it now. And what's the big deal of me wearing a hairpin? It's not like I'm forbidden to wear those.

"Saan ka ngayon?" tanong niya habang naglalakad kami sa mahabang pathway. He kept on swirling his finger against my curly hair. He always does that and I find it normal now.

"Sa hospital."

"Anong gagawin?"

"Monthly checkup. How about you? Wala ka bang class?"

"Mamaya pang nine."

I puckered my lips when he also turned his way into the hospital. I stopped from walking and faced him.

"Nandoon 'yong way sa college niyo." I said and pointed the farthest building of engineering.

"Mamaya pa ngang nine ang class ko."

"Anong gagawin mo sa hospital?"

"Uh, ihahatid ka?"

"Bakit mo ako ihahatid?"

"Kasi trip kong manghatid ng mga taong nakakasalubong ko sa pathway?" sarkastiko niyang sagot na ikinasimangot ko.

Nasa tapat na kami ngayon ng hospital at sa bukana pa lang ng gusali ay kitang-kita ko na sina Lav, Peachy, Devi, Pau at Kyzer na mga nakahalukipkip at may nakakalokong ngiti habang tinitingnan kaming nag-uusap ni Harvey.

"Ang bait mo naman kung ganoon, hindi nga lang halata."

"Awts naman. Hindi pala halata?" he asked with a smirk on his face. Here we go again. Harvey de Silva with his sexy smirk.

He looked around before he rested his eyes on me.

"Eh 'yong panliligaw ko sa'yo, hindi rin ba halata?"

I let out a sudden intake of breath because of what he said. That obviously caught me off guard. This guy can be so straightforward when he wants to be.

Nang makita ko siya kanina ay hindi na bumalik pa sa normal ang tibok ng puso ko. At ngayon, kung may mas ibibilis pa ang tibok ng puso ko ay baka nasa sukdulan na ito.

He seems so amused and satisfied how his statement affect me so much.

"Nanliligaw ako Hope, hindi lang halata."

A Hope to Lose (Friend Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt